Toni Gonzaga says Daniel Matsunaga deserves to be the Big Winner of PBB All In

Toni Gonzaga on settling down with longtime boyfriend Paul Soriano: “Darating yun, hindi minamadali yung ganyang bagay. Mas okay na yung tamang-tama kaysa yung nagmadali, nahilaw. Ang pag-aasawa naman, darating ‘yan, hindi minamadali ‘yan. Siguro bago ako mag-menopause, yun ang deadline. ’Pag medyo magpi-fifty na ako at wala pa rin, aba, magpa-surrogate na ako!”


Nagbigay ng pahayag ang TV host-actress na si Toni Gonzaga kaugnay ng pagkuwestiyon ng ilan sa pagkapanalo ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa Pinoy Big Brother All In.

Rason ng mga kumukuwestiyon, walang dugong Pinoy si Daniel kaya’t hindi raw ito deserving manalo bilang Big Winner.

Read: Daniel Matsunaga named Big Winner of Pinoy Big Brother All In

Ngunit para kay Toni, isa sa mga host ng PBB All In, karapat-dapat si Daniel na hiranging Big Winner.

Sa katunayan, ibinoto pa nga raw niya ang Brapanese housemate.

Sabi ni Toni, “Sa ika-sampung taon ng PBB, every season talaga, sinasabi ‘may dayaan, unfair, scripted…’

“Sanay na, sanay na talaga kami.

“Ako, personally, ibinoto ko rin si Daniel kasi naging consistent siya.

“For me, siya, nung pumasok hanggang sa lumabas, pareho yung ipinapakita niya.

“He’s not playing with the camera, he’s aggressive and competitive, which is what the housemate is all about.

“Nasa kumpetisyon kayo, magpakita kayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa launching niya bilang bagong ambassador ng Acer brand, sa Marco Polo Hotel kagabi, August 27.



NOT COURTING. Ngayon ay tinutukso at ipinapareha si Daniel sa nakababatang kapatid at dating PBB All In guest housemate na si Alex Gonzaga.

Pero nilinaw ni Toni na hindi nanliligaw si Daniel sa kanyang kapatid.

Saad niya, “Ako naman, kahit sino namang magpapakita nang mabuti at magandang intensiyon, okay ako kahit kanino, e.

“Hindi naman nanliligaw si Daniel kay Alex.

“Dati pa yun, nasa loob pa lang sila [ng Bahay ni Kuya], lagi na silang inaasar ni Ate Kris [Aquino] na puwede sila, kasi they share the same plate, ganyan.

“Siyempre, ayaw nating pangunahan kasi hindi naman nanliligaw si Daniel.

“Ngayon, wala pa naman, ‘di pa nagma-materialize ang lahat.”



BOY ABUNDA. Sa isang episode ng late-night show ng ABS-CBN na Aquino and Abunda Tonight ay parehong wala ang mga host nitong sina Kris Aquino at Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Toni at Alex ang pansamantalang humalili sa kanila, at naging positibo naman daw ang feedback sa kanilang style ng paghu-host.

Reaksiyon ni Toni, “Ay, naku, thank you!

“Aksidente lang yun, madalian lang yun.

“Sana nga nakita ninyo yung last minute na natataranta kaming lahat kasi hinahabol namin na makapunta on the air.

“I just did my own make-up, talagang nagmadali si Alex galing siya ng photo shoot, pareho kaming may rehearsal ng trade launch.

“’Buti nandun kaming dalawa.

“Nag-text si Ate Kris din na hindi niya makakayanan, walang papalit, ‘buti nandun kami.

Bilang co-host niya sa The Buzz, kinumusta namin kay Toni ang kalagayan ngayon ni Boy, na ilang linggo nang wala sa programa nila at sa programa nito kasama si Kris.

Balitang nasa Tagaytay raw ngayon ang TV host at nagpapahinga.

Saad ni Toni, “I think he’s getting better, okay na siya. He’s out of danger.

“It’s just that kailangan talaga ng katawan niya, nag-signal ang katawan niya na kailangan niyang magpahinga.”



SHOWBIZ ENGAGEMENTS. Tila nauuso ngayon ang engagement at pagpapakasal ng showbiz couples; gaya nina Marian Rivera at Dingdong, at sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Sa kaso ni Toni ay matagal na ang relasyon nila ng direktor na si Paul Soriano, kaya naman marami na ang nag-aabang kung kailan nga ba sila magpapakasal.

Sabi ng TV host-actress tungkol dito, “Kung sino ang nauuna, siya pang nahuhuli. At kung sino pa ang nahuhuli, siya’ng nauuna.

“Hindi naman minamadali… hindi ko minamadali yun.

“Darating yun, hindi minamadali yung ganyang bagay.

“Mas okay na yung tamang-tama kaysa yung nagmadali, nahilaw

“Ang pag-aasawa naman, darating ‘yan, hindi minamadali ‘yan.

“Siguro bago ako mag-menopause, yun ang deadline.

“’Pag medyo magpi-fifty na ako at wala pa rin, aba, magpa-surrogate na ako!”

Dagdag niya, “Hindi ko alam, pero ibigay na natin sa lahat ng nag-engage this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Taon nila this year, so ibigay natin sa kanila.

“Okay lang, ‘di ako nagmamadali… maybe this year, next year.

“Basta hanggang ‘di ako menopause!”



ICE BUCKET CHALLENGE. Nauuso ngayon ang ALS Ice Bucket Challenge sa celebrities. Open kaya si Toni na gawin din ito?

Sagot niya, “Oo nga, na-challenge nga kami nina Bea [Alonzo] at Zanjoe [Marudo].

“Paano, wala nga si Paul, nagsu-shooting sa bundok.

“Ako na lang saka si Alex, may nag-nominate din sa kanya.

“Saka kahit walang nag-nominate sa kanya, basain ko na lang siya!” biro pa ni Toni.



CONCERT. Samantala, magkakaroon ng concert si Toni titled Celestine, sa October 3, sa SM MOA Arena.

Masaya naman daw si Toni dahil marami na ang nabentang tickets.

Sabi niya, “We’re very happy with the ticket sales.

“Very thankful kami kasi marami sa ating mga kababayan ang nagpa-reserve na ng tickets and maganda yung sales namin.

“I’m very excited to work with Paolo [Valenciano] kasi he has new interesting ideas na ‘di pa natin nakikita sa concert scene.

“More than giving you a concert, we will be giving you an experience if you watch Celestine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN