Daniel Padilla shrugs off rivalry between KathNiel and JaDine loveteams

Daniel Padilla on being pitted against other teen loveteams: “Sa amin ni Kathryn, walang kumpitensiya. Kumbaga, wala tayong kalaban. Kami naman ay nagtatrabaho lang kaya enjoy lang kami. Huwag tayong maglaban-laban dito.”


Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pa rin ang magkatambal sa mga susunod nilang proyekto.

Ito ang kinumpirma ni Daniel matapos siyang pumirma ng panibagong two-year contract sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, kaninang hapon, August 28.

Ayon kay Daniel, sa susunod na pelikulang gagawin niya ay makakasama pa rin niya si Kathryn.

“Itong next movie namin ni Kathryn, magkasama po ulit kami, at masaya ko pong sinasabi na si Direk Cathy [Garcia-Molina] po ulit ang direktor namin,” nakangiting sabi ng young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters.

Nang tanungin kung kailan ito inaasahang maipalalabas, sagot lamang ni Daniel: “Very, very soon!”

Bukod sa pelikula, muli ring magsasama sina Daniel at Kathryn sa isang proyekto sa telebisyon.

Isa sa mga usap-usapan ay pagbibidahan umano nila ang remake ng soap opera na Pangako Sa ’Yo, na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Ngunit ayon kay Daniel, “Ngayon, hindi pa ako sigurado talaga.

“Wala pa kaming meeting kung gagawin namin ang teleseryeng ‘yon.

“Pero ang alam ko lang is may teleserye akong gagawin na kasama pa rin si Kathryn.

“First quarter ‘yan ng 2015 at ang direktor po namin is si Direk Rory [Quintos] po ulit.”



NO COMPETITION. Samantala, ipinagkibit-balikat lamang ni Daniel ang pagsasabong ng fans sa tambalan nila ni Kathryn—na tinatawag ng fans na "KathNiel"—sa iba pang loveteams, partikular na sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, na kilala naman sa tawag na "JaDine."

Ayon kay Daniel, “Kung ikabubuti rin ng iba, walang problema ‘yon.

“Hindi naman sinimulan, pero sa panahon namin, kami lang ngayon.

“Pero yung mga nagsasabing ano… walang problema sa amin ‘yon.

“Ang mabuti is nakakatulong kami sa iba.”

Natawa naman ang entertainment reporters sa palitan ng tanong ni Daniel at ng Bandila reporter na si MJ Felipe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni MJ: “Are you threatened?”

Sagot ni Daniel, “Saan?”

MJ: “By other loveteams?”

Natawa si Daniel nang balikan si MJ ng isa pang tanong: “Sino?”

Dahil naging hit sa takilya ang mga pelikulang Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead, na pinagbidahan nina James at Nadine, madalas na silang nakukumpara ngayon kina Daniel at Kathryn.

Pero pag-uulit ng She’s Dating The Gangster actor, hindi ito dapat maging isyu.

“Sa amin ni Kathryn, walang kumpitensiya. Kumbaga, wala tayong kalaban.

“Kami naman ay nagtatrabaho lang kaya enjoy lang kami.

"Huwag tayong maglaban-laban dito," sabi ni Daniel.

Sa bandang huli, pinaalalahanan din ng Kapamilya young actor ang KathNiel fans na iwasan ang pakikipag-away sa fans ng ibang loveteams.

“Hindi kailangang mag-away.

“Siyempre, nagsisimula naman ‘yan sa may nagsalita ‘tapos pinapatulan.

“Huwag na lang patulan kapag may nagsalita dahil hindi naman kailangan ‘yon. Hindi naman kailangan ng ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN