Vice Ganda gets into trouble with the MTRCB because of complaints against his ABS-CBN shows

Nakatanggap ang MTRCB ng reklamo laban sa dalawang shows ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice, dahil sa diumano’y “offensive and degrading” contents ng mga ito.


Dalawang programa ni Vice Ganda sa ABS-CBN ang nahaharap sa reklamo dahil sa “offensive and degrading scenes” at "use of sexual undertones" diumano ng mga ito.

Ito ay ang daily noontime show na It’s Showtime at ang weekly late-night talk show na Gandang Gabi Vice.

Si Vice ang isa sa mga host ng It’s Showtime at siya ang nag-iisang host ng Gandang Gabi Vice.

Ito ang dahilan kung kaya’t ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Vice at ang mga namamahala ng dalawang programa niya.



IT’S SHOWTIME. Sina MTRCB Hearing and Adjudication Committee co-chairperson Eric Mallonga at committee members Bobby Andrews at Joey Romero ang mga signatory ng order ng MTRCB tungkol sa reklamo—Alleged Offensive and Degrading Scenes—laban kay Vice at sa July 28, 2014 episode ng It’s Showtime.

Nakasaad sa dokumentong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 28, “The challenge portion in the program’s segment entitled ‘Gandang Lalaki’ showed program host Mr. Jose Viceral a.k.a. Vice Ganda wiping off with a towel his sweaty armpit and smudged this towel all over the face of one of the program’s male dancers.”

Dahil dito, ipinatawag ng MTRCB Board ang mga tagapamahala, artists, at legal counsel ng ABS-CBN, at si Vice mismo para sa isang mandatory conference na ginanap noong August 26, Martes.

Bukod kay Vice, ang iba pang dumalo sa mandatory conference ay sina Reily Santiago (business unit head), Allan Sunga, Romer Gonzales, Billy Crawford, at Atty. Mona Lisa Manalo.

Dumalo rin dito ang resource personalities na inimbitahan ng MTRCB: National Council for Children’s Television (NCCT) executive director Delia Hernandez; Ateneo Human Rights Center (AHRC) representatives Atty. Klarise Estorninos (Director for Child’s Rights) and Atty. Kristoffer Claudio (Program Officer).



MANDATORY CONFERENCE. Ang mga sumusunod ang tinalakay sa ipinatawag na mandatory conference:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“…inputs and perspectives on program contents that tend to affect the value formation and intellectual development of children were presented by NCCT Executive Director Hernandez and AHRC.

“Executive Director Hernandez discussed that children are most likely among the viewers of It’s Showtime because of its telecast time of 12:30 p.m to 3 p.m timeslot, the offensive and degrading acts may have an impact on the value formation and intellectual development of children.

“Anything that exposes the child to an environment that would make him or her depart from fundamental norms for physical, intellectual, social, emotional and moral development and well-being such as the use of obscene language, the lack of respect for the dignity of individual person, and the exposure to scenes of sex and violence are conditions or situations that are deemed prejudicial to the child’s development.

“Thus, the network is impelled to be more responsible and must have a more pro-active self-regulation.”

Tinanggap naman ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng business unit head nitong si Reily Santiago, na nagkaroon ng lapse sa self-regulation ng pamunuan ng network.

Pumayag din silang sumailalim sa “three-month period of close collaboration with the Board concerning the show’s programming in addition to the implementation of other self-regulatory measures.”

Bukod dito ay humingi rin ng paumanhin sina Reily at Vice sa publiko at sa lahat ng miyembro at crew ng It’s Showtime na maaaring na-offend sa ginawa at inasal ni Vice.

Bukod dito, sasailalim din sa seminar si Vice at iba pang may kinalaman sa programa kaugnay ng “media and the legal profession in the context of both audience-sensitivity and the administration of justice.”



GANDANG GABI VICE. Bukod sa It’s Showtime, nakatanggap din ang MTRCB ng reklamo—Scenes Allegedly Containing Words and Non-verbal Acts with Double Meaning Inappropriate to Young Viewers—laban sa August 3, 2014 episode ng Gandang Gabi Vice, kung saan si Vice din ang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Guests ni Vice noong episode na iyon ang aktor na si Piolo Pascual at ang personal assistant nito at artista na ring si Moi Marcampo.

Ayon sa report na nakuha ng PEP, “The complained scenes pertain to Mr. Jose Mari Viceral a.k.a. Vice Ganda’s use of words with sexual undertones and other non-verbal acts with double sexual meaning while interviewing Mr. Piolo Pascual and his personal assistant, as follow:

Host: Nagtatabi kayo sa kama?

Guest 2: Ako lang po ang tumatabi.

Host: Tinatabihan mo siya bago ka mabuntis?

Guest 1: Sabi mo di ba? Noong nasa condo, J tabi tayo. Sabi ko, asa ka!

Host: Talagang sinasabi niya na tabi kayo? Kapal nang mukha mo!

Guest 2: Hindi, natural walang malisya..parang…

Host: Babae! Tatabi kay Piolo tapos sabihin walang malisya..basang basa ang panty for sure tatabi kay Piolo!

Host: Si Inigo ba ‘yan? (Picture of Guest 1, Guest 2 and Guest 1’s son was shown screen)

Guest 1: Oo

Host: Ilang taon na ba siya?

Guest 1: Magse-seventeen.

Host: Ang gwapo ah

Guest 1: Gwapo pa siya sa lagay na ‘yan ah.

Host: Oo nga, naka-make face pero gwapo.Tapos dedma ka lang ni Piolo sa likod o. Pero nakahiga ka sa ganito ni Piolo ( host tapping his lap )

Guest 2: Lagi kaming ganyan.

Host: Matigas? (Host asking Guest 2) matigas?...’yong kama

Guest 2: Masarap (touching the lap of Guest 1)

Host: Tatabi ka kay Piolo sa kama tapos walang malisya...ano ‘to prayer meeting na nakahiga?

Host: Pag magkasama kayo lagi ang mga damit niya inaayos mo di ba? Inaamoy mo? ‘Yong totoo? Brief?

Guest 2: Hindi eto. Di ba nang minsan galing siya nang ibang bansa, pag nag-aayos ako ng bag or maleta di ko alam kung ano ang madumi at ang malinis.

Host: So magkasama-sama?

Guest 2: Hindi nakatiklop kasi.Di ko naman siya matanong kung lalabhan ko ba o hindi. So hindi ko na siya tinanong. Inamoy amoy ko na lang kung anong malinis o madumi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Host: Paano? Pati brief?

Guest 2: Oo

Host: ‘Yong pundiyo? Ano ang amoy?

Guest 2: Syempre mapanghi

Host: Oh My God! Tao si Piolo mapanghi ang gamit na brief. Minsan may nakikita ka bang igit-igit?

Guest 1 & 2: Meron!

Guest 2: Handwash ko yon kasi di kaya ng washing machine.

Host: Nakikita mo siyang nakahubad (referring to Guest 1)

Guest 2: Sabi niya, Moi pahingi ng towel. Tapos nakapatay ang ilaw, transparent lang ang salamin. Sige P.pasok ako, tapos sabi niya hindi diyan ka lang.Sabi ko hindi sasabit ko nga ang towel, kunwari lang.

Host: Para-paraan din.

Guest 2: P., andito na ang towel, pero syempre nakita ko naman ang ano niya…

Host: Ano?

Guest 2: Pwet! ‘Yon lang pwet lang.

Host: Maganda ba ang pwet niya?

Guest 2: Oo, matigas pag ginaganoon mo ( while holding her butt )

Host: Maputi? Aminin ninyo habang nagkwento siya ini-imagine din natin ang nangyayari!



NOT FOR CHILDREN. Ayon pa sa report, “The respondent through program’s executives, were given the opportunity to explain its side after it was informed of the cause and nature of the probable violation.

“The invited resource persons were also requested to enlighten the respondent and this Committee of their opinion on the scenes in issue.

“The representatives from the National Council for Children’s Television (NCCT) and the Ateneo Human Rights Center (AHRC) both opined that the scenes in issue contained elements prejudicial to the development and well-being of children.

“Specifically, NCCT Executive Director Hernandez said that under the Charter of Children’s Television, children should have high quality programs that do not exploit but allow them to develop physically, mentally and socially to their fullest potential.

“On the other hand, Atty. Estorninos of the AHRC cited the Broadcast Code of the Philippines that prohibits offensive, obscene, blasphemous, profane and vulgar double meaning words and phrases even if understood only by a segment of the audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Atty. Estorninos specially opined that given the mature thematic nature of Gandang Gabi Vice it would be much helpful if children are prohibited from being part of the program’s live audience taping.”

Bukas ang PEP sa panig ni Vice at ng pamunuan ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN