Anne Curtis willing to tackle lesbian role: "I’m game as long as it’s a challenging role."

Anne Curtis has taken to offbeat roles lately, a mermaid in a teleserye and an overly big character in a movie. How far will she go to show her versatility as an actress?


Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anne Curtis kung dumating na rin ba siya sa punto ng kanyang career na kailangan nang may limitasyon sa mga tinatanggap niyang roles.

Kaugnay ito sa desisyon ng co-star niya sa pelikulang The Gifted na si Cristine Reyes na talikuran na ang imahe nito bilang sexy actress.

Sagot ni Anne, "Well, for me, wala namang ganun.

"Kasi sa akin naman, kung ano ang dumating na script—may it be comedy, or drama or pa-tweetums—I don’t have limitations.

"As long as I am able to do what I love.

"Kung ang role na ’yan ay talagang wild or tipong Blue Is The Warmest Color, why not, ’di ba?

"I’m game as long as it’s a challenging role.

"Napanood niyo ba yung movie na yun?" tanong pa ng 29-year-old actress.

SHE UNDERSTANDS. Naiintindihan daw ni Anne ang pinagdaanan ni Cristine at alam daw niyang matagal nitong pinag-isipan ang hakbang na mag-lie low bilang sexy actress.

Saad pa ng It’s Showtime host, "You know, it’s a good move for her.

"And, at least, dito sa film ay ipinakita niya na she doesn’t have to go that way anymore."

Sampung taon na raw kasing ginagawa ni Cristine ang pagpapa-sexy at naniniwala siyang may iba pa siyang puwedeng ibigay sa publiko.

Nirerespeto raw ni Anne ang desisyon ng kapwa Kapamilya actress.

"I think it’s great for her and just respect her decision.

"If she feels na maybe she had maximized already yung ganung image.

"Siguro ginawa niya yun para hindi naman siya ma-typecast."

Dagdag pa niya, "I’m all for it, you know.

"Maybe, it’s time to try something else.

"Nakakatawa siya at kaya niyang mag-comedy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media si Anne sa final presscon ng The Gifted, na ginanap sa The Library Metrowalk, sa Pasig City, noong August 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WILL SHE DARE? Nabanggit ni Anne ang French drama movie na Blue Is The Warmest Color, na tumatalakay sa lesbianism at pinag-usapan sa Cannes Film Festival noong 2013.

Mapangahas din ang pelikulang ito dahil may frontal nudity at actual penetration sex scenes ang mga artista rito.

Naging curious ang press na nakapaligid kay Anne kung handa ba siyang gumanap bilang isang lesbiyana sa pelikula.

Natatawang reaksiyon nito, "Puwede bang ang tungkol muna sa role ko sa The Gifted ang pag-usapan natin?

"Pero grabe yung movie na yun, as in ganun ka-believable na kailangan mo talagang i-research kung...

"Now, if the film and the script is talagang... yung binabasa mo pa lang, ’Ay, sige, game!’"

Kahit may sex scenes sa kapwa-babae?

Sabi ni Anne, "For me, it’s not about that, e.

"When you watch the film, you don’t even think about it as a lesbian film.

"Lalo na yung ending, talagang mapi-feel mo talaga yung love, ’di ba?

"But then, yun nga ang sinasabi ko, there are limitations dahil sa country that we live in, ’di ba?

"Parang the [Filipino] audience is not yet ready for those kind of films.

"But if ever that happens, and there’s a festival that I can join and I’m given that script, why not? I’m game."

Dagdag niya, "If it adds to my versatility and it’s something that I’ve never ever done before, I’ll be okay.

"Hindi naman siguro ako maiilang.

"But I know there will be a lot of people who have something to say about that, ’di ba?"



CHOOSY. Kung sakali mang dumating yung pagkakataong mabigyan siya ng ganoong klaseng role, sino naman ang gusto niyang makasama?

Dahil wala siyang naibigay na pangalan, ang mga kapwa manunulat na mismo ang nagbigay ng listahan.

Gusto ba niya na si Sollen Heussaff, kapatid ng boyfriend niyang si Erwan, ang nakapareha niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namimilog ang mga matang reaksiyon ni Anne, "Oh, my God, para namang incest yun!

"I don’t know, I’ve never thought about it.

"Hindi ko pa talaga siya naiisip.

"Pero wala naman sa ganun, choosy ka pa ba? Gagawin mo na nga lang, e.

"For me, I would be choosy sa script, siguro, at kung anong klaseng istorya siya.

"Bongga talaga yung movie na yun kasi sa Cannes, usually director lang ang ina-award-an.

"Pero dito, both the director and the actresses.

"Si Steven Spielberg pa mismo ang nagbigay."

Ang tinutukoy ni Anne ay ang French actresses na sina Adele Exarchopoulos at Lea Seydoux at ang director na si Abdellatif Kechiche, na parehong binigyan ng prestigious Palme d’Or award sa 2013 Cannes Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN