Nash Aguas advises loveteam partner Alexa Ilacad to ignore online bashers

Nash Aguas reminds loveteam partner Alexa Ilacad about getting negative comments: “Sinasabi ko sa kanya na huwag siyang magpaapekto. Sabi ko rin, gagalingan namin.”


Bagamat unti-unti nang lumalaki ang fan base ng kanilang tambalan, ayaw munang isipin nina Nash Aguas at Alexa Ilacad na magiging kapantay na nila ang iba pang teen loveteams sa showbiz.

“Mas hit pa rin sila!” sabi ni Nash sa maiksing panayam sa kanya at kay Alexa ng media matapos nilang pumirma ng kontrata sa Star Cinema kahapon, August 28.

Kaugnay nito, aminado ang dalawang marami-rami na rin ang bashers nila sa Internet dahil sa pagkukumpara sa kanila sa ibang loveteams.

Ayon kay Alexa, “Nakaka-pressure din ngayon, kasi sa social media, ang dami ng taong nag-e-expect.

“Ang dali-dali nang mag-tweet sa ’yo na, ‘Pangit yung ginawa mo kanina sa show, sana umayos ka.’

“Siyempre, may mga tao na kinu-compare nga po kami, sasabihin na, ‘Ikaw ang susunod na ganito.’

“‘Tapos may magsasabi na, ‘Hindi, hindi siya bagay maging ganyan.’

“Ang ginagawa na lang namin is ginagawa na lang namin yung best namin sa lahat ng bagay.

“If hindi pa rin okay para sa kanila, okay na lang.”

Lagi naman daw siyang pinapayuhan ni Nash na huwag masyadong pansinin ang mga nababasa sa Internet.

Nakangiting sabi ni Nash, “Siya po kasi, masyado po siyang affected sa mga bashers.

“Sinasabi ko sa kanya na huwag siyang magpaapekto. Sabi ko rin, gagalingan namin.

“Sa tingin ko, mas pressured po kami kasi nga ang laki na ng mga projects na ibinibigay sa amin.

“Every time na may project, lagi kong pinaghahandaan at pinag-aaralan nang sobra.

“Yun din ang sinasabi ko kay Alexa, na magtulungan kami as a team.”



NEW PROJECTS. Kasama sa pinirmahang kontrata nina Nash at Alexa ang pagsasama nila sa isang romantic movie na base sa isang online novel, ang Teen Clash.

Para kay Nash, nakakakaba ang gagawin nilang proyekto dahil siguradong maraming inaasahan ang kanilang mga tagahanga at tagasubaybay ng nasabing Wattpad novel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Nakaka-pressure po kasi dahil nga yung readers nun from Wattpad, ang laki ng expectations nila para maging maganda yung movie.

“Sana maging maayos naman. And ipinapangako namin na ibibigay namin ang best namin.”

Sa kabilang banda, natutuwa naman si Alexa na sila ang napiling gumanap sa lead characters ng Teen Clash, na binabasa niya raw ngayon.

“Naaliw naman ako [sa Teen Clash] kasi pang-teenager talaga siya,

“Feeling ko naman, kapag nag-shooting na, sobrang saya na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN