Benjamin Alves says relationship with Glaiza de Castro will never go beyond friendship

Benjamin Alves on his "mystery woman": "If ever na people see us somewhere out, hindi ko naman po itatago ‘yon. Kasi, hindi naman po talaga maitatago ‘yon, e. I just don’t want na mapangunahan. Ayoko lang po na ganun."


May love angle sa pagitan ng mga karakter na ginagampanan nina Benjamin Alves at Glaiza de Castro sa GMA afternoon series na Dading.

Kaya may mga nag-iisip na baka puwedeng mauwi rin ito sa totohanan.

Reaksiyon dito ni Benjamin, “Well, natural lang naman ‘yon, lalo na’t nasa kasagsagan na yung soap namin na Dading.

“And whatever helps the story, game naman kami.

"Kahit yung kissing scene pa, kumportable na kami.

“Nag-uusap kami before nung mga scenes na gagawin namin. Pati yung what to expect para walang nabibigla sa eksena.

“Actually, first week pa lang namin ng taping, may kissing scene na kaagad kami, e.

“Siguro nakatulong din nang malaki yung magkakilala na kami before.

"Nagkatrabaho na kami at hindi naman baguhan si Glaiza as an actress.

"Alam niya yung character niya, nabasa na rin niya yung script, so walang nabibigla.

“Sa scene namin, tulungan, bigayan. Iyon ang maganda.

"Walang madamot sa set dahil nagbibigayan nga sa scenes.”



LOVETEAM. Masaya raw si Benjamin na nagmamarka sa viewers ang chemistry nila ni Glaiza.

“Actually, happy kami na ganun.

"May mga bumibisita pa sa set na natutuwa sa aming dalawa.

“Meron pa ngang nagbigay ng naka-frame na picture namin ni Glaiza.

"Malaki ang fan base niya at nakakatuwa naman na yung followers niya ay tanggap yung teamup naming dalawa.

“Nakikita ko rin sa Twitter yung response, nakakatuwa."

Pero hindi raw nakikita ni Benjamin na yung closeness nila ngayon ni Glaiza ay hahantong sa mas espesyal pang pagtitinginan.

Talagang friendship daw ang pundasyon ng magandang samahan nila.

“May iba akong itinutukso sa kanya. May iba rin siyang itinutukso sa akin.

“Secret na lang naming dalawa kung sino. Basta ganun po!” natatawang sabi ng Kapuso hunk.

Dagdag niya, “Sa amin na lang ‘yon. And… basta magkaibigan po kami.

“But then again, hindi naman po porke magkaibigan lang kami, nawawala na yung pagka-focus namin sa characters namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nakakatulong po na close kami, kesa hindi kami magkakilala na nagkakailangan kami.”



MYSTERY WOMAN. Ayaw talagang sabihin ni Benjamin kung sino ang itinutukso sa kanya ni Glaiza.

Gusto niyang maging malihim na pagdating sa kanyang lovelife?

Paliwanag niya, “No, ayoko lang pong pangunahan.

“If ever na people see us somewhere out, hindi ko naman po itatago ‘yon.

"Kasi, hindi naman po talaga maitatago ‘yon, e.

“I just don’t want na mapangunahan. Ayoko lang po na ganun.

“Kasi ang pangit naman po sa babae na… ina-announce na hindi pa naman.

"Wala naman pala, so I just wanna be safe.

"I just wanna honor yung whoever you’re dating, whoever you’ll gonna date na… at the right time.

“Pero I will never hide it. I’ve never hidden anything from you, guys.

“I’ve always answered truthfully naman about whoever I’m linked with.

"Hindi naman po ako madamot kapag tinatanong po ako.”

CAST BONDING. Masaya rin si Benjamin na marami ang sumusubaybay sa Dading.

“’Tapos marami rin ang nagri-react kasi love na love nila si Carding,” pagtukoy niya sa daddy na bading na ginagampanan ni Gabby Eigenmann.

Saad pa ni Benjamin, “Sinusubaybayan talaga at nauunawaan ng viewers yung lahat ng characters. At kung bakit ganun ang nangyayari.

“Kung maganda man ang reception sa aming dalawa ni Glaiza, it only means because we’re really good friends.

“At saka kami po nina Glaiza, Gabby, at Chynna [Ortaleza], nag-uusap po kami lagi.

"Kasama rin po namin si Direk Ricky [Davao].

“Nakakapag-bonding po kami. We go to the same church.

“At ito po yung result ng pagiging… magaan lang po talaga.

"Na magandang nakakapagbigayan. Nagbibigay sa ‘yo. Nari-receive mo.

"Nakakapagbigay ka rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN