Mary Christine Jolly denies charges of Derek Ramsay; insists she’s fighting for the rights of their son

Mary Christine Jolly on controversial legal battle with actor Derek Ramsay: "I just want to assert my rights as a mother to my kid. Derek is using his money to influence my son’s behavior. I want to live a normal life again. I just hope that the law will favor and protect us from the abuses committed against us by Derek.”

(Left photo) Derek Ramsay at Makati Prosecutor’s Office last August 20. (Right photo) Derek and Mary Christine at


“This is not about me. This is about my son, who wants nothing more than assert his rights as a child from his father.”

Ito ang pahayag ni Mary Christine Jolly, 36, kaugnay ng isinampa niyang kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act laban kay Derek Ramsay, 37.

Sina Derek at Mary ay ikinasal nooong 2002 sa Balagtas, Bulacan.

Nanindigan si Mary na ipinaglalaban lang niya ang karapatan ng kanilang 11-year-old na anak na lalaki sa gitna ng pagpapabaya diumano ni Derek sa mga responsibilidad nito bilang ama.

Read: Derek Ramsay sued by former partner Mary Christine Jolly for alleged violation of R.A. 9262

Taliwas ito sa pahayag ni Derek sa isinumite niyang counter-affidavit, kung saan idinetalye ng aktor na noong 2011 lang niya nakumpirma na siya nga ang ama ng noo’y siyam na taong gulang na anak nila ni Mary.

Mula noon ay makailang-beses umanong sinubukan ni Derek na makipaglapit sa kanyang anak na madalas ay hinaharang naman daw ni Mary.

Bilang patunay, kalakip ng isinumiteng counter-affidavit ni Derek ang mga palitan ng mensahe sa pagitan nila ni Mary.

Dito ay makikitang makailang-beses tinanggihan ni Christine ang hiling ni Derek na makausap o makipagkita sa kanilang anak.

Read: Derek Ramsay strongly denies allegation of Mary Christine Jolly in counter-affidavit

DEREK’S ALLEGED DERELICTION OF HIS OBLIGATIONS. Buwelta naman ni Mary, lumabas ang paternity test na nagpapatunay na si Derek ang ama ng kanilang anak, noong 2010.

Pagkatapos ng isang taon ay saka lamang umano pumayag si Derek at ang mga magulang ng aktor na makipagkasundo kay Mary.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano ginampanan ni Derek ang mga obligasyon nito bilang ama, kaya’t napilitan si Mary na magsampa ng kaso laban sa aktor sa Makati Prosecutor’s Office, noong June 27, 2014.

Paliwanag pa ni Mary, base sa ulat ni Mike Frialde ng Philstar.com ngayong araw, August 29: “I just want to assert my rights as a mother to my kid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Derek is using his money to influence my son’s behavior.

“I want to live a normal life again.

“I just hope that the law will favor and protect us from the abuses committed against us by Derek.”

MARY’S ALLEGED QUESTIONABLE MOTIVE. Ngunit ayon sa counter-affidavit ni Derek, hindi umano kailanman nagkulang ang aktor sa pagbibigay ng financial support para sa kanyang anak.

Madalas umanong ibinibigay ng aktor ang inaasahang sustento mula sa kanya “six months in advance.”

Iginiit din ni Derek na hayagang nagsisinungaling si Mary upang puwersahin ang aktor na pagbigyan ang hinihinging P45 million lump sum ng asawa, para umano sa iba’t ibang gastusin ng kanilang anak ‘tulad ng tuition at allowance.

Saad ni Derek sa kanyang sinumpaang salaysay, “It really saddens me that Complainant has resorted to making baseless claims in an attempt to obtain an undeserved financial windfall from me.

"It is obvious that this case filed by Complainant is nothing but an attempt to create leverage in staging her fervent desire to obtain her importunate demand for money and making me her personal Automated Teller Machine."

Nakatakdang magsumite ng reply affidavit si Mary sa Makati Prosecutor’s Office sa September 4, Huwebes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN