Sharon Cuneta leaves TV5; Kapatid Network wishes her well

Sharon reveals in her official Facebook account that she is no longer with TV5. The Megastar’s five-year contract with TV5 is supposed to end in late 2016.


“Sharon Cuneta is no longer with TV5.”

Ito ang nakasulat sa larawang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang official accounts sa Facebook at Twitter.

Hindi nagbigay ng anumang karagdagang detalye si Sharon tungkol sa pag-alis niya sa Kapatid network.

Subalit kasunod ng post na ito, sinabi ni Sharon sa kanyang followers:

“I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think!

“So keep watching out for those clues.

“Good night everyone! Sweet dreams and May God bless you always!

“In the meantime, I leave you with this BIG announcement.”

November 22, 2011 nang maibalita ang pagpirma ni Sharon ng five-year contract sa TV5, matapos niyang umalis ng ABS-CBN.

Read: Megastar Sharon Cuneta is now a Kapatid

Kung bibilangin, may nalalabi pang mahigit dalawang taon sa kontratang kanyang pinirmahan.

Sa loob ng mahigit dalawang taon bilang Kapatid star, tatlo ang naging programa niya sa TV5—ang talk show na Sharon: Kasama Mo, Kapatid, ang teleseryeng Madam Chairman, at ang weekly musical program na The Mega and the Songwriter, kung saan kasama niya ang kapwa singer na si Ogie Alcasid.

Nabalita rin noon na gagawa sila ng proyekto ng dating boyfriend at ka-loveteam na si Richard Gomez sa Kapatid network.

Read: Sharon Cuneta will have Richard Gomez as co-star in TV5 sitcom My Pirated Family

Samantala, ngayong araw, August 30, ay nag-post ng official statement ang TV5 tungkol sa pag-alis ni Sharon sa network.

Nakasaad dito: “TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being part of the Kapatid Network for almost three years. The network wishes her well in all her future endeavors.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN