Claudine Barretto cleared of criminal charges filed by her former house helpers

Kakulangan ng sapat na katibayan ang dahilan ng Marikina Prosecutor’s Office kaya nagdesisyon sila na ibinasura ang mga reklamong kriminal na inihain ng dalawang dating kasambahay ng aktres na si Claudine Barretto.


Ibinasura ng Marikina City Prosecutor’s Office ang lahat ng reklamong kriminal na isinampa ng dalawang kasambahay laban sa aktres na si Claudine Barretto.

Ito ay ayon sa official statement na ipinadala ng abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, August 28.

Dalawang resolusyon na may petsang July 1, 2014 ang natanggap ng kampo ni Claudine noong August 28, kung saan nakitaan ng Marikina Prosecutor’s Office ng “lack of sufficient probable cause” sa mga reklamong robbery at grave coercion na inihain ni Maria Luisa Becher, at perjury na isinampa naman ni Dessa Patilan.

Pareho ring inireklamo ni Claudine ang dalawa ng qualified theft sa Marikina Regional Trial Court. Patuloy pa ring dinidinig ang kasong ito.


COMPLAINT AGAINST CLAUDINE. Nag-ugat ang reklamo ng dalawang kasambahay laban kay Claudine sa isang insidente noong July 24, 2013, kung saan inakusahan ng aktres ang dalawa ng pagnanakaw ng kanyang alahas sa kanilang tahanan sa Loyola Grand Villas.

Matapos maghain ng reklamong qualified theft ng aktres ang dalawa, naghain din ng reklamo ang mga kasambahay laban kay Claudine dahil daw sa pagkuha nito ng kanilang mga personal na gamit, kabilang na ang cellphone at tablet.

Sinabi pa ni Dessa na nagsinungaling daw si Claudine dahil sa pag-akusa sa kanya ng pagnanakaw.

Pansamantalang nakalaya si Dessa matapos ang halos isang taon sa kulungan dahil sa tulong ng estranged sister ni Claudine na si Gretchen Barretto.

Read: Gretchen Barretto bails sister Claudine’s former personal assistant out of jail

THE FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng kampo ni Claudine tungkol sa pagkakaabsuwelto ng aktres:

“The Prosecution Office of Marikina City today dismissed all criminal charges filed by the former house helpers of award-winning actress Claudine Barretto against her.

“In two separate resolutions dated July 1, 2014 but officially released only today, the Marikina prosecutor found ’lack of sufficient probable cause’ in the cases of ’Robbery and Grave Coercion’ filed by one Maria Luisa Becher, and ’Perjury’ filed by Dessa Patilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Both were named by Barretto in a case for qualified theft which is now pending before the Marikina Regional Trial Court.

“The two complaints stemmed from an incident in July 24, 2013, wherein the actress claimed the two tried to take out pieces of jewelry from her residence in Loyola Grand Villas.

"After the qualified theft was filed, the former employees counterclaimed, alleging that Barretto forcibly took from them assorted personal belongings such as mobile phones and a tablet. Patilan also said that Barretto was ’not telling the truth’ when she imputed the crime of qualified theft against her.

“The actress, who is locked in a bitter legal battle against her husband, action star Raymart Santiago, for custody of their children, said in her defense that the charges of her former househelp were ’merely intended to provide leverage against her for the filing of the qualified theft case,’ and accused her husband of funding the lawsuit against her.

“In an eight-page resolution in the robbery case signed by assistant city prosecutor Ernesto Ablay, Jr., the prosecution said that the complainant failed to prove the element of force or intimidation against her, ’thus negating the charge of robbery.’

"The perjury case, on the other hand, was dismissed by assistant city prosecutor Ricardo Paet, Jr. in a six-page resolution saying that ’there is no deliberate and willful assertion of falsehood’ on the part of Barretto, noting that the qualified theft case was in fact, filed in court.

“Barretto was represented by Ferdinand Topacio and Joselito Lomangaya of the Topacio Law Office.”

Nagpaabot na ang PEP ng mensahe sa mga abugado nina Becher at Patilan para sa kanilang reaksiyon tungkol sa pagkakabasura ng reklamo ng kanilang mga kliyente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN