Sam Milby calls Anne Curtis his "greatest love"

Sam Milby brazenly admits, “Yeah, I think Anne is my greatest love, so far. Kasi look, it’s been four years na since nagkahiwalay kami, and yet, wala pa akong nakikitang kapalit niya. Yeah, siya nga and I’m not shy to say that.”


Ipinaliwanag ni Sam Milby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa ilang miyembro ng entertainment media na hindi niya kinailangang iklaro kay Piolo Pascual kung nanliligaw pa ba ito kay Shaina Magdayao bago pa man sila naging close ng Kapamilya actress.

Si Piolo ay napabalita rin na nanligaw kay Shaina, pero hindi na nito itinuloy dahil sa ibang personal nitong kadahilanan.

Natatawang pahayag ng Kapamilya actor matapos itong usisain ng press people na nakapaligid sa kanya pagkatapos ng presscon proper ng The Gifted noong August 27, “Hindi naman ako ang dapat na... like, what I’m saying, we’re friends [ni Shaina] and we’re enjoying our friendship.

“Hindi naman kailangang pag-usapan, ’coz we’re taking it slow and we’re just enjoying it.

“Hindi pa nga kami nagdi-date, we’ve not been out na just the two of us, so hindi naman kailangang pag-usapan.

“So, yun.”

Dugtong pa niya, “Kami ni Shaina, hindi naman kami ganung ka-close before pa yung tsismis sa kanilang dalawa ni Piolo, it’s only now na we’re really getting close.

“I already said before, na... like two years ago, gusto ko siyang ligawan, pero hindi na natuloy.”

ESSENTIAL TRAITS FOR GF. Marami ang curious malaman kung ano ba talaga ang hinahanap niyang qualities sa isang babae para tuluyan niya itong ligawan at maging girlfriend.

Saad ng hunk actor, “It’s really all about having a big heart.

“Dapat may attraction talaga, but it’s really about having a big heart, and dapat may connection.

“Sometimes, puwedeng sabihin na heto ang gusto ko sa isang babae, heto ang mga katangihan na gusto ko, pero. it really comes all to connection and it comes naturally.”

ANNE SQUEALS ON SAM. Sa presscon proper, ibinuko ng kanyang co-star at ex-girlfriend na si Anne Curtis na meron na raw “someone special” si Sam pero ayaw lang niya itong pangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Sam dito?

Napapangiting tugon niya, “Nagulat ako!

“Kasi, kahit ako... I mean, I haven’t been saying anything na, yun nga, na may dine-date ako or anything like that.

“So, I was surprised.”

Sabi pa nga ni Anne sa hiwalay na panayam sa kanya na masaya siya kung ano man ang status ng personal na buhay ngayon ni Sam.

Ano ang masasabi niya rito?

“Sinabi niya yun?” pakli ng 30-year-old actor na sinabayan ng impit na tawa bilang reaksiyon.

GREATEST LOVE.” Sa parte naman nila ni Anne, ang tanging masabi niya ay sobrang magkaibigan na sila ngayon na kaya na nilang magbiruan ng kahit ano “under the sun.”

Ayon sa kanya, “Yeah, we’re pretty close.

“Nasabi ko na nga after four years kaming ’di nag-uusap, this time, mas level up na ang friendship namin.

“I mean, like yun nga, we can joke around.

“Si Anne, makantiyaw ’yan, ’di ba? And, I’m really happy na we’re like this na to each other. Siguro, dahil both of us has matured na rin a lot.

“Ako, I can say na I’m we can really be the best of friends.”

Masasabi rin daw niya sa si Anne ang greatest love niya hanggang ngayon.

Inamin niya ito sa kuwentuhan niya with PEP at ilang movie columnists sa unang presscon na ginanap para sa The Gifted na ipapalabas na sa September 3.

Sabi niya, “Yeah, I think Anne is my greatest love, so far.

“Kasi look, it’s been four years na since nagkahiwalay kami, and yet, wala pa akong nakikitang kapalit niya.

“Yeah, siya nga and I’m not shy to say that.

“Come to think of it, ’di ba?"

PICKY WITH ROLES? Sa puntong ito, natanong din kay Sam kung sa punto ba ngayon ng career niya ay nagsi-set na rin siya ng limitations sa pagtanggap ng roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad nga raw ni Cristine Reyes na ayaw nang magpa-sexy, pero si Anne naman ay wala pa naman daw siyang limitasyon, as of now.

Pahayag ni Sam, “Ako, I agree [with Anne], kasi, right now, it’s not about the sexy scenes, e.

“It’s about the acting.

“For me, if it’s required sa script, yes.”

Pero nirerespeto raw niya ang desisyon ni Cristine na magbago na ng image ngayon.

Aniya, “I think, darating din yung time na we would think the way she did.

“I totally respect her decision and yung gusto niyang panindigan.

“As actors or artists, yeah, may time talaga na darating na you can something new, something na parang gusto mong gawin na hindi mo nagawa.

“Right now, kasi, whoever I am sa showbiz, okey pa naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN