Barbie Forteza surprised by Star Awards nomination: “Hindi ko akalain!”

Barbie Forteza was pleasantly surprised to hear that her self-titled debut album earned her a nomination for Best New Female Recording Artist in the 6th PMPC Star Awards for Music: “Hindi ko naman forte yun. Pero mahilig akong kumanta. ’Yon! And hindi ko naman lubos na akalain na mapapansin pala ng PMPC yung first album ko.”


Isa si Barbie Forteza sa mga nominees bilang Best New Female Recording Artist sa 6th PMPC Star Awards For Music na gaganapin sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino, Parañaque City, sa September 14 at mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN on September 21, 11:00 pm.

Nakuha ni Barbie ang nominasyon dahil sa kanyang self-titled debut album na na-release last year.

“Nagulat din nga ako, e. Hindi ko akalain!” sabay ngiting bungad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Don’t Lose The Money nitong nakaraang Huwebes, August 28.

Kabilang si Barbie sa mga Kapuso Stars na naglaro bilang contestants sa nasabing bagong game show ng GMA-7 hosted by Tom Rodriguez. Team mates niya rito sina Derrick Monasterio at Thea Tolentino na mga co-stars niya sa Kapuso afternoon series na The Half Sisters.

THANKFUL FOR RECOGNITION. Dagdag pa niya, “Thankful ako. Dahil binigyan ako ng chance ng MCA Music na gawin talaga yung isa sa mga hilig ko which is singing nga.

“Hindi ko naman forte yun. Pero mahilig akong kumanta.

“’Yon! And hindi ko naman lubos na akalain na mapapansin pala ng PMPC yung first album ko.”

Kasama ni Barbie na nominado rin sa kategoryang Best New Female Recording Artist sa PMPC Star Awards For Music sina Janice Javier, Marion Aunor, KZ Tandingan, at Maja Salvador.

“Nakakatuwa, kasi ni-recognize nila. And na-nominate pa ako.

“Hindi ko inaasahan ‘yon. So I’m happy.”

Tuluy-tuloy na ba ang naumpisahan na niyang recording career?

“Naku… hindi po!” sabay ngiti niya.

“Sa ngayon po kasi, focused muna ako sa show, yung The Half Sisters. At saka wala pa ring planong masundan or i-push pa yung album.

“Wala pa po akong naririnig na balita about that. So sa acting ako magku-concentrate ulit.”

RARING TO DO MORE INDIE FILMS. Katatapos lang ding gumawa ni Barbie ng isang indie film. Ito ay ang Mariquina na isa sa mga naging entries sa dinaos na Cinemalaya Film Festival kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Second indie film ko na po iyon. Pero first ko para sa Cinemalaya.

“Masayang maging part ng Cinemalaya. Masarap sa pakiramdam.

“Dahil kakaibang experience... na acting talaga.

“Nakakatuwa dahil naging part ako ng Mariquina. Ako ang napili ng director namin for the role kung saan nag-audition ako.

“Ako po yung gumanap na young Imelda Guevarra na character ni Mylene Dizon. ’Tapos ang tatay ko, sapatero.

“Nakakatuwa na maganda naman ang review doon sa movie. After ng Cinemalaya, magkakaroon din ito ng special screening sa U.P. next week.

“I’m looking forward na makagawa pa ulit ng indie film. Basta maganda yung script, go lang ako,” panghuling pahayag ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN