Tuesday Vargas on Talentadong Pinoy host Robin Padilla: “Sobrang taas ng energy level niya.”

Tuesday Vargas praises Talentadong Pinoy host Robin Padilla for his hands-on approach towards contestants: “Gano’n siya sa mga contestants namin. Ramdam mo yung concern niya kaya yung mga contestants, maganda ang pakiramdam nila kasi nakahanap sila ng mabuting kaibigan kay Kuya Robin.”


Hindi raw puwedeng i-compare ng TV host at comedienne na si Tuesday Vargas ang bagong host ng Talentadong Pinoy ng TV5 na si Robin Padilla sa dating host nito na si Ryan Agoncillo.

Ayon nga kay Tuesday, may sariling style daw sa pag-host sina Binoe at Ryan kaya pinapaubaya na lang daw niya sa publiko at televiewers ng Talentadong Pinoy ang pag-comment sa TV hosting ng dalawa.

“It’s not really for me to say how the viewing public will accept the transition, but all I can say is, having known Ryan for so many years, as a father, as a guy, alam ko yung ibinigay niyang reputation for Talentadong Pinoy.

“Sabi ko nga, Alabang kid ‘yan, from Hillsborough. So when he became the host of the show, yung mga taong galing sa masa, naiangat niya, naging aspirational yung palabas.

“Nung pumasok naman si Kuya Robin, hindi siya dumaan dun sa ruta ni Ryan.

“Pinili niyang dumaan sa ilalim. Kinilala niya yung mga tao, yung mga contestants. That also works for me,” paliwanag pa ni Tuesday sa kanyang interview sa News5 last August 23.

Nakasama na nga raw ni Tuesday noon si Binoe sa GMA-7 teleserye na Totoy Bato, pero ngayon pa lang daw niya ito nakikilala nang husto.

“Noong gawin namin before ang Totoy Bato, hindi naman kami masyadong magkaeksena. Kaya I don’t really know him that well.

“But seeing how he conducts himself professionally, Kuya Robin really took the time to mingle with everyone, wala siyang pinipili.

“At sobrang taas ng energy level niya. Nakakahiyang hindi kumilos kapag nandiyan na si Kuya Robin. Kasi laging maganda ang simula niya at gusto niya masaya lahat ng nakakatrabaho niya.

“Ngayon ko lang siya talaga nakilala at nakakatuwa naman. Kasi nga Robin Padilla ‘yan, e. Bad Boy of Philippine Cinema. ’Tapos makikita mong para siyang matagal mo nang kakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gano’n siya sa mga contestants namin. Ramdam mo yung concern niya kaya yung mga contestants, maganda ang pakiramdam nila kasi nakahanap sila ng mabuting kaibigan kay Kuya Robin,” ngiti pa ni Tuesday.

SIMILARITIES. Kung may isang bagay raw na magkapareho sina Robin at Ryan, ito raw ay ang madali silang makatrabaho at pareho raw silang walang kaarte-arte sa katawan.

“Hindi sila maarte. Mas maarte pa yata ako!” tawa pa niya.

“Pareho silang game kaya ang saya nilang kasama. ’Tsaka wala kaming nagiging problema or delays.

“They are always on time at kahit na ano ipagawa mo sa kanila, game lang sila,” pagmamalaki niya.

Simula noong bumalik sa ere ang Talentadong Pinoy last August 16, maganda ang nagiging feedback at mas pinasaya nga ang show hindi lang dahil kay Robin kundi pati na sa misis nitong si Mariel Rodriguez.

“Si Mariel kasi, nakatrabaho ko na ng ilang beses na. Kaya it’s nice to be working with her at kasama pa ang mister niya.

“Ang ganda ng samahan nila. Makikita mo naman sa paraan ng pakikipagtrabaho nila with one another. Kahit sa backstage, kahit walang kamera na nakatutok sa kanila, very sweet talaga sila.

“Pareho silang maasikaso sa isa’t isa kaya ang saya ng rapport nila,” dagdag pa niya.

NEW ROLE. Si Tuesday naman na noong una ay talent scout ng Talentadong Pinoy, ngayon ay tagahatid na ng mga updates sa mga contestants.

“As one of the talent scouts in the past, I was just a small part of the show. Bahala na yung tao kung matutuwa sila sa sasabihin ko about the contestants.

“But now, every show, I’m there. Every talent, I have a say. That’s what I do now.

“Malaking leap ito for me kasi noon nasa harapan lang ako ng stage, nakaupo at tsinitsika ang comments ko sa contestants. Performance lang ang nakikita ko noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon mas nakikilala ko na sila from start to finish,” masaya pa niyang lahad.

Kahit na nami-miss ni Tuesday ang magbigay ng kanyang mga comments, mas may fulfilment daw ang makilala up-close ang mga contestants at malaman ang kanilang passion kung bakit sila sumali ng Talentadong Pinoy.

“Nami-miss ko talaga ang magbigay ng comment sa technical side ng performances. Pero ang ipinalit naman ay nakakausap ko na ang talents bago sila umakyat ng stage.

“Tapos nakakausap ko din ang mga pamilya at kamag-anak pagbaba nila.

“Nabigyan ako ng chance na makita yung tao sa likod ng talent,” pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN