Luis Gabriel Moreno hopes to qualify for 2016 Rio Olympics

Luis Gabriel Moreno, grandson of Kuya Germs, sets his sights on qualifying for the 2016 Rio Olympics: “Itutuluy-tuloy ko lang yung training ko. Sana sa Rio Olympics, mag-qualify ako. Iyon ang sunod na tina-target ko.”


Nag-guest si Luis Gabriel Moreno sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 31.

Si Luis ang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gold medal, sa larangan ng archery, sa katatapos na Youth Olympics na ginanap sa Nanjing, China.

“I felt very proud na parang people are very proud of me,” nakangiting sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media.

Hindi rin daw siya makapaniwala na may fans na siya.

“Nagulat nga ako, may fan page na ako sa Facebook pag-uwi ko, e!” sabay tawa ng 16-year-old athlete.

Si Luis ay anak ni Federico Moreno, ang unico hijo ng Master Showman na si German Moreno, at ni Sheila Magdayao, kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Kasama ni Luis ang ama at lolo niya sa appearance niya sa Sunday All Stars kahapon.

NO SHOWBIZ PLANS. Bakit sports at hindi pag-aartista ang nakahiligan niya gayong apo nga siya ni Kuya Germs, na naging mentor ng maraming sumikat na stars?

Paliwanag niya, “Pinasok ko yung archery kasi I really like the sport. I really love the sport.

“Yung pag-aartista, I really don’t know yet... hindi ko pa alam.”

Ayaw niya?

“Hindi naman sa ayaw. Hindi ko pa lang talaga alam,” paglilinaw niya.

Ini-encourage ba siya ng kanyang lolo na mag-artista?

“Hindi naman sa ini-encourage, pero supportive siya sa kung anumang pipiliin ko,” sagot ni Luis.

TRAINING. Paano ba siya nag-train sa archery?

“Well, every day after school, ’tapos weekends.

“Natatapos ako, 4:30 P.M. sa school.

"Third year high school na ako sa La Salle, Greenhills.

"Mga two to three hours akong nagti-training," kuwento niya.

Gaano katagal na siyang nagti-training?

“Pang-ninth year ko na ito. Nag-start ako when I was seven years old.

“Itutuluy-tuloy ko lang yung training ko.

"Sana sa Rio Olympics, mag-qualify ako. Iyon ang sunod na tina-target ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero for now, focused muna ako sa pag-aaral.

"Kapag nakahabol na ako [sa lessons nila sa school], balik ulit sa training for Rio Olympics."

Ang 2016 Summer Olympics na gagawin sa Rio de Janeiro, Brazil ang kanyang tinutukoy.

INSPIRING OTHERS TO TRY ARCHERY. Sa pagkapanalo niya ng gold medal sa Nanjing Youth Olympics, hindi malayong may mga naeengganyo rin ngayong subukan ang archery. Kaya lang, mukhang may kamahalan ang gamit para rito.

Ngunit ayon kay Luis, “Kung mag-i-start ka, puwede naman na rent-rent lang.

"’Tapos kung decided ka na talaga, just like any sports… dun ka na gagastos.

“Hindi naman masyadong mahal yung gagastusin mo sa archery. Anyone can join.

“Ang kailangan mo lang, support from your parents siyempre and love for the sport.”

Ano sa palagay niya ang malaking factor sa pagkapanalo niya ng gold medal?

“Well, siyempre, nothing is impossible. Basta ang kailangan mo lang, yung will and determination to win,” sagot niya.

May message ba siya sa mga kabataang gustong subukan ang archery?

“Well, archery is a very fun sport.

"Hindi siya yung pangmayaman lang. Kahit sa mahirap, puwedeng-puwede.

"Like sa Palarong Pambansa, ang daming athletes from the provinces that are very good. Na hindi mo ini-expect.

“So, try niyo lang ang archery. Hindi kayo mabibigo,” saad niya.

Balitang ang lolo niyang si Kuya Germs ang number one na nag-sponsor sa kanyang pagsabak sa Nanjing Youth Olympics. Totoo ba ito?

“Marami akong sponsor, pero siyempre siya ang number one!” nangiting sabi ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN