Mark Gil dies at 52

Actor Mark Gil passed away this morning, September 1, at 8 a.m. His camp issued this short statement to the media: "As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him. They will issue an official statement within the day."


Pumanaw na ang veteran actor na si Mark Gil.

Si Mark ay binawian ng buhay ngayong umaga, September 1, 2014 dahil sa sakit na liver cirrhosis. Siya ay 52 years old.

Isang statement ang natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa kampo ng aktor kung saan kinumpirma nila ang pagpanaw nito:

"Yes, we would like to confirm the death of one of our beloved Mark Gil who just joined our creator this morning at 8 a.m.

"As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him.

"They will issue an official statement within the day.

"Thank you and we need all your prayers for the repose soul of Mark and strength for his bereaved family."



RAPHAEL JOHN EIGENMANN. Ipagdiriwang sana ni Mark—na ang tunay na pangalan ay Raphael John Eigenmann—ang kanyang 53rd birthday sa September 25.

Si Mark ay pangalawa sa tatlong anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil; ang dalawa pa ay ang mga artista ring sina Michael de Mesa at Cherie Gil.

Halos lahat ng mga anak ni Mark ay nag-aartista rin—sina Gabby at Ira Eigenmann mula sa actress-commercial model na si Irene Celebre; sina Sid Lucero at Max Eigenmann mula sa aktres na si Bing Pimentel; at si Andi Eigenmann mula sa award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Si Mark ay kasal kay Maricar Jacinto mula pa noong 2006.

Ang huling proyektong nagawa ni Mark ay ang ABS-CBN primetime series na The Legal Wife ngayong 2014.

Noong 2013 ay napanood siya sa mga teleserye ng GMA Network na Indio at My Husband’s Lover.

Ang mga pinakahuli niyang pelikula ay ang Seduction at Philippino Story noong 2013 at Ang Bagong Dugo noong 2014.

Nakagawa ng mahigit 100 pelikula at mahigit 30 teleserye si Mark sa loob ng mahigit apat na dekada sa larangan ng pag-arte.

Si Mark ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa, kung saan nagsimula siya sa pagganap ng leading-man roles hanggang sa gumanap siya sa mga kontrabida roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga pelikulang tinampukan niya ay ang sumusunod: Underage (1980), Miss X (1980), Bilibid Boys (1981), Karibal Ko Ang Aking Ina (1982), Palipat-Lipat Papalit-Palit (1982), Batch ’81 (1982), Palabra de Honor (1983), Naiibang Hayop (1984), Alapaap (1984), Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (1985)...

Bakit Manipis Ang Ulap? (1985), Sugat Sa Dangal (1986), Kid, Huwag Kang Susuko! (1987), Pasan Ko Ang Daigdig (1987), Itanong Mo Sa Buwan (1988), Afuang: Bounty Hunter (1988), Ipaglalaban Ko (1989), Ang Utol Kong Hoodlum (1991), Ngayon at Kailanman (1992).

Narito Ang Puso Ko (1992), Astig (1993), Eskapo (1995), Cedie (1996), Gangland (1998), Saranggola (1999), Kahit Isang Saglit (2000), Laro Sa Baga (2000), Magnifico (2003), Exodus (2005)...

Nasaan Si Francis? (2006), Rotonda (2006), Donsol (2006), A Love Story (2007), Till My Heartaches End (2010), Corazon: Ang Unang Aswang (2012), The Strangers (2012).

Ilan naman sa mga nagawa niyang teleserye sa ABS-CBN ang mga sumusunod: Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Kung Fu Kids, Eva Fonda, Lovers In Paris, Kung Tayo’y Magkakalayo, Magkaribal, Imortal, 100 Days To Heaven, Guns and Roses, Ikaw ay Pag-ibig, Walang Hanggan, at The Legal Wife.

Sa GMA naman ay lumabas siya sa mga sumusunod: Ikaw Lang Ang Mamahalin, Ang Iibigin Ay Ikaw, Hanggang Kailan, Atlantika, Sinasamba Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan?, Zorro, Makapiling Kang Muli, Pahiram Ng Sandali, Indio, at My Husband’s Lover.

Ginawa naman niya sa TV5 ang remake ng Valiente.

UPDATE: Sa kanyang Instagram account, nag-iwan ng mensahe ang panganay ni Mark na si Gabby Eigenmann. Anak ni Mark si Gabby sa modelo at aktres na si Irene Celebre.

Mensahe ng Dading lead star para sa kanyang namayapang ama: "...And so you held my hand in yours, just like you did when I was young . But then you held it to your heart just as you slowly slipped away. Today I said goodbye to you Dad. I said the last I love you that you would hear. Fly free with the Lord, fly free without pain. No worries, no problems, just love. Thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for the legacy you have left behind. You will be forever in our hearts, till we meet again.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Note: Earlier, we had put Mark Gil’s name as Raphael Joseph Eigenmann, based on showbiz print and web chronicles. Mark’s manager, June Torejon, says Mark’s name is actually Raphael John Eigenmann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN