Kuya Germs weeps over gold win of grandson in Youth Olympic Games

The Master Showman is proud that Gabby Moreno has brought home the Philippines’ first gold medal in the Youth Olympics. The young archer is now training for the World Olympics in 2016.


Kinilabutan at naiyak daw si German "Kuya Germs" Moreno nang salubingin ang apong si Gabriel Luis Moreno nang umuwi ito mula sa Nanjing 2014 Youth Olympic Games.

Nag-uwi si Luis ng gintong medalya para sa larong archery.



Kuwento ni Kuya Germs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung nasa airport na kami para sunduin si Gabby, sobrang saya ko.

"Sobrang proud na proud ako sa kanya dahil nagawa niyang magkatotoo ang binitiwan niyang salitang mag-uuwi siya ng karangalan sa bansa.

“Pagdating niya at niyakap niya ako, ’di ko mapigilang maluha sa sobrang proud sa kanya. Siguro tears of joy.

"’Tapos sinabi niya sa akin, ’Papa, thank you, thank you... I love you!’

“That time, hindi ko maipaliwanag ang feelings ko, grabe yung saya!"

Patuloy niya, “Ang karangalan naman kasi ’pag pinagsikapan mo, makakamit mo at yun ang ginawa ni Gabby.

“Pinagsumikapan niya na maging mahusay sa larong archery at may pangarap siya.

"Pangarap niya na makapag-uwi ng karangalan sa bansa at yun ang ginawa niya."

Nakausap ng PEP si Kuya Germs Linggo ng hapon, August 31, pagkatapos ng Sunday All Stars.



ALL-OUT SUPPORT. Anim na taon pa lang daw si Gabby nang nakahiligan nito ang archery at hanggang sa lumaki ay ito na ang pinagtuunan niyang sports.

Kuwento ni Kuya Germs, “Nakita ko talaga kung gaano niya kamahal ang archery dahil kapag may mga bakanteng oras siya, yun ang ginagawa niya.

"Nagti-training siya at hindi siya tumitigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.

“May determinasyon talaga ang bata na maging mahusay sa archery kaya naman sinusuportahan namin siya.

“Sabi nga niya, hindi siya babalik na hindi siya mag-uuwi ng karangalan sa lahat ng laban niya.

"Kaya naman lagi siyang nag-eensayo para mas gumaling pa.

“Maaari ba namang hindi mo suportahan ang apo mo na may determinasyon at pangarap?

“Kaya nga nang maging hilig na niya yung archery, 100 percent yung naging suporta ko sa kanya. At pati na rin ang daddy, mommy, at mga kapatid niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Nakita ko kasi kay Gabby na gustung-gusto niya.

"Kaya naman ’pag minsang mag-request ng mga gamit para sa archery sa akin, binili ko kaagad kahit mahal.

“Kaya nga nang lumalaban na siya at nanalo siya, natutuwa ako.

"Ginawa niya yung promise niya sa akin na gagalingan niya."

HELP FROM FRIENDS. Masaya rin daw si Kuya Germs na may mga kaibigan siyang tumutulong tuwing may laban si Gabby sa ibang bansa.

Saad ng veteran TV host, "Malaking bagay yun.

“Alam naman natin ang expenses ng pagpunta ng ibang bansa.

"Dahil hindi suportado ng gobyerno, kaya ikaw ang gagawa ng paraan.

“Nakakalungkot, pero yun ang totoo.

"Kaya naman pasalamat na lang ako dahil may mga tao… kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila."

Naging inspirasyon daw ni Gabby sa kanyang bawat laban ang pamilya niya, kaeskuwela,at mga kaibigan, mga taong tumutulong sa kanya, ang La Salle Greenhills, at bansang Pilipinas.

Nagulat daw silang lahat nang umabot sa finals si Gabby dahil disappointed daw ito sa laban niya sa umpisa ng Youth Olympics.

"Pero may determinasyon talaga ang bata at gusto talaga niyang manalo.

“Kaya nga nagulat ako kasi nakaabot siya ng finals, at alam ko sa tulong yun ni Lord," sabi ni Kuya Germs.



GOLD MEDAL. Hindi raw pinanonood ni Kuya Germs ang bawat laban ni Gabby dahil kinakabahan siya.

“Dito pa lang, ’pag nagpa-practice siya o lumalaban siya, kinakabahan ako lagi, e.

“’Tsaka baka kasi kabahan siya ’pag nandun ako o kaya yung pamilya niya.

"Nakikibalita na lang ako sa papa niya, every time na magsisimula at matatapos ang laban ni Gabby tinatawagan ako.

“Nung finals nga, nasa presscon ako, si Tito Noli [family driver] ang nagbabalita sa akin kung ano ang nangyayari.

"At nung una nga, sabi niya, hindi man daw manalo si Gabby, siya ang tatanggap ng silver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin okey na yun kasi malaking karangalan na yun sa bansa.

"Pero umaasa pa rin kami na sana masungkit yung gold.

“Kaya nung tinawagan ako ni Tito Noli na nakuha ni Gabby yung gold, hindi ko alam yung gagawin ko sa sobrang kasiyahan.

"Gusto kong sumigaw sa sobrang saya, pero pinigilan ko kasi nasa presscon ako.

“Ini-announce ko na lang dun na nanalo ng gold si Gabby."

Balik-training daw ngayon ang apo ni Kuya Germs bilang paghahanda sa mga laban pa nito sa ibang bansa, at lalo na para sa darating na 2016 Rio Olympics.

JOINING SHOWBIZ? May balak ba si Gabby na pasukin din ang pag-aartista?

"Ayaw, ayaw!" bulalas ni Kuya Germs.

Mas gusto raw talaga nito na makilala sa archery at patuloy pa rin daw ang suporta ni Kuya Germs sa kanyang apo.

Mensahe pa niya kay Gabby, "Habang nandidito ako, ang suporta ko sa kanya ay nandidiyan lagi.

“I will do everything basta kailangan niya.

"Pero hindi lang naman sa kanya lang, pati na rin sa iba ko pang mga apo.

"Yung mga kapatid niya, lagi lang akong nandito para sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN