Jon Lucas wishes to be paired with Liza Soberano and Janella Salvador

Jon Lucas has quit schooling to concentrate on his showbiz career, but he is not giving up on his plan to finish college. He says, “Iba ang may natapos, malaking bagay pa rin yun."


Sunud-sunod ngayon ang proyekto ng Star Magic talent na si Jon Lucas.

May pelikula siyang gagawin kasama sina Francis Magundayao at Barbie Forteza, at mapapanood din siya sa isang bagong programa ng ABS-CBN kunsaan makakasama naman niya ang mga lumabas sa Pinoy Big Brother All In.

Bukod dito, patuloy pa rin ang taping niya para sa daily morningserye na Be Careful With My Heart.

"Basta sa akin, may trabaho lang, masaya na ako dun," bungad ng 19-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ayoko kasi na mabakante. Gusto ko nagtatrabaho ako kasi hindi naman ako nag-aaral ngayon.

"Pero plano kong balikan ang pag-aaral this year or next year.

“Dapat third year college na ako, kaya lang nag-stop ako, kasi mas gusto ko munang bigyan ng oras ang pag-aartista at ipon-ipon na rin.

“Pagpasok ko, first year [college] pa lang ako.

"Pero babalikan ko ang pag-aaral. Gusto ko ding makatapos ng college.

"Iba ang may natapos, malaking bagay pa rin yun."

WISHFUL. Inaasam daw ni Jon na magkaroon ng sariling ka-loveteam, "’Tulad ni Daniel [Padilla] na may Kathryn [Bernardo] at Enrique [Gil] na may Liza [Soberano].

"Gusto ko nga si Liza o kaya si Janella [Salvador], kaya lang meron na silang mga ka-loveteam.

"Katulad ng sabi ko, si Liza kay Enrique, ’tapos si Janella kay Marlo [Mortel].

"Siguro aagawin ko na lang… hindi, joke lang yun!" tawa niya.

Patuloy ni Jon, “Puwede siguro yung mga walang ka-loveteam, like si Miles Ocampo, kasi nagsama kami sa Wansapanataym ng one month.

"Baka siya, puwede. ’Tsaka mabait si Miles at maganda.

“Pero kung sino ang ibigay nila sa akin, okey lang naman.

"Ayoko naman maging choosy, baka sabihin nila namimili ako."

Hindi raw natatakot si Jon na ma-bash ng fans nina Enrique at Liza o nina Janella at Marlo.

Saad niya, “Hindi naman siguro, kilala ko naman mga fans nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At mabait sila sa akin, lalo na mga fans ni Enrique.

"Kaya alam kong hindi nila ako iba-bash."



CLOSE FRIENDS. Kabarkada raw ni Jon sa showbiz si Daniel Padilla simula raw nang nagkasama sila sa Got To Believe.

Ganun din si Julian Estrada na kasabay niyang nai-launch sa Star Magic Circle 2013.

Kuwento pa niya, "Siya bale yung naging sobrang close ko sa grupo.

“Minsan lumabalas-labas kami, pero minsan lang.

"Kasi lahat busy sa trabaho, lalo na si Daniel, kaliwa’t kanan ang ginagawang projects.

“Kaya minsan, pumupunta kami sa bahay ni Daniel, doon kami nagba-basketball."

Crush naman daw ni Jon sina Kathryn at Julia Montes.

“Hindi pa ako nag-aartista, Mara Clara pa lang, crush ko na sina Kathryn at Julia.

"Hangang ngayon, crush ko rin silang dalawa.

“Pero nadagdagan lang kasi crush ko din sina Liza at Janella.

"Pero okey lang naman yun, crush lang naman."

Wala raw lovelife si Jon.

Paliwanag niya, "Hindi muna ngayon kasi marami pa akong gustong gawin.

"Focus muna ako sa career ko, ’tsaka na ang lovelife.

“Gusto ko kasing bumili ng kotse, dream ko kasi na magkaroon ng sariling kotse at susunod na yung bahay para sa family ko.

“Alam ko naman na may tamang panahon para sa lovelife, pero ngayon hindi muna talaga."

CHARITY. Last August 18 ang 19th birthday ni Jon, pero nitong Linggo, August 31, ay ipinagdiwang niya ito kasama ang mga batang may cancer sa Child Haus, isang temporary shelter para sa underprivileged parents at kanilang mga anak, sa Brgy. Pinyahan, Diliman, Quezon City.

Kuwento ni Jon sa PEP, "Matagal ko na talagang gustong mag-celebrate ng birthday, either sa Home for The Aged o kaya dito nga sa Child Haus.

“Yun bale ang wish ko. Gusto ko may gawing maganda at makabuluhan sa birthday ko.

"Siyempre, part din ng wish ko na sana hindi ako mawalan ng trabaho at mas dumami pa ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At good health sa akin at sa mga mahal ko sa buhay."

Wala raw party sa mismong kaarawan ni Jon dahil nasa taping siya ng Be Careful With My Heart.

"May trabaho ’tsaka ayoko din naman kasi mag-party this year.

“Katulad nga ng sabi ko, mas gusto kong mag-charity ngayong year.

"Bale binigyan lang ako ng cake sa taping ng Be Careful, ’tapos kinantahan nila ako ng ’Happy Birthday.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN