Anne Curtis on speculation she’s next to be engaged: "Oh, no, ’wag muna!"

Anne Curtis says she gets "kilig" that her boyfriend’s family likes her, "’Pag tanggap ka ng pamilya, iba yun, e."


Kahit ibinuking na ni Anne Curtis na mayroon nang "special someone" ang ex-boyfriend at co-star niya sa pelikulang The Gifted na si Sam Milby, ayaw pa ring i-reveal ng aktres kung sino ito at ano ang pangalan ng babae.

Natatawang sabi ng Kapamilya actress, "Hindi ko talaga alam! Hindi ko alam, it’s not my story to tell."

Si Shaina Magdayao ba ito na nali-link ngayon kay Sam?

Giit ni Anne, "Hindi ko talaga… basta, whatever makes him happy, full support naman ako.

"He’s also been very supportive of me."

Paano kung si Shaina nga yung babae?

Sabi ng ex-girlfriend ni Sam, "Well, if it happens, ganun talaga ang buhay, ’di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa final presscon ng The Gifted last week.



IN THREE YEARS. Sa puntong ito, napag-usapan naman ang tungkol sa kasalan.

Ito ay dahil na rin sa magkasunod na engagement nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

May mga humuhulang si Anne at ang boyfriend nitong si Erwan Heussaff na raw ang susunod.

Pero tili ng It’s Showtime host, "Oh, no, ’wag muna!

"Pero ’wag too old naman.

"Sabi ko nga, mga three or fours years pa ako, para ma-maximize ko.

"Siguro ready na ang partner ko by that time."

Dugtong pa niya, tungkol sa dalawang magkasunod na engagements sa showbiz, "Ano ba ’yan, ang dami kong ka-batch?

"It’s not that I’m inggit. I’m just so happy for them ’cause it’s the right time for them.

"Me? I just don’t feel it’s the right time for me yet, maybe in the next couple of years."

Paano kung pilitin na siya ni Erwan na magpakasal na sila?

Tugon ng 29-year-old actress, "Sa tingin ko, hindi naman, kilala niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napag-uusapan namin minsan.

"Hindi naman yung tungkol sa three years na gusto ko.

"Sa akin, if it goes beyond four years... kailangan ko na siguro mag-baby that time."

HIS FAMILY. Wala naman daw problema sa kani-kanilang pamilya kung sakaling sina Anne at Erwan ang magkatuluyan.

Sa totoo lang, maging ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff ay gustung-gusto na silang ikasal at magkatuluyan.

Read: Solenn Heussaff thinks Anne Curtis is the perfect girlfriend for brother Erwan: “I love Anne talaga.”

Nakangiting sabi ni Anne, "Ang alam ko, siya [Solenn] muna ang mauuna... maybe, this next year.

"Sila muna, then..."

Si Solenn ay may live-in partner ngayon, ang Argentine businessman na si Nico Bolzico.

Dugtong pa ni Anne, "Pero I never failed to get kilig.

"Kasi ’pag tanggap ka ng pamilya, iba yun, e.

"Ang happy ko naman.

"I’m happy na si Solenn likes me, kasi I met Erwan through her."

Sobrang "love" nga raw siya ni Solenn na sa isang panayam ay nabanggit nitong sasaktan niya ang kapatid kapag pinaiyak nito si Anne.

Bakit kaya ganun siya kamahal ng kanyang future sister-in-law?

Parang nahihiyang saad ni Anne, "I don’t know.

"I’m so happy that she feels that way, and me, I feel likewise.

"I treat her like a family... actually, their whole family, I feel like they’re my own family.

"So, talagang, it’s great... it’s great ’pag ganun.

"’Pag ganun ang atmosphere, it’s great ’pag walang pumipigil."

HER FAMILY. Maging ang pamilya naman niya ay tanggap na tanggap din si Erwan.

"Yeah, very much, very much.... sina Jasmine."

Ibig bang sabihin nito ay talagang silang dalawa na ang magkakatuluyan?

Reaksiyon ni Anne, "Ayokong magbigay ng tuldok!

"’Pag hindi nangyari yun, ang sakit-sakit, ’di ba?

"So, ayaw kong magbigay ng ganun.

"Siyempre, when you’re young, sabibihin mo na, ’Hey, by 27, dapat engaged na ako with this person.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And if that does not happen, it breaks your heart so much.

"For me, hope for it, but don’t wish for it.

"For me, hanggang dun na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN