Marion Aunor comes into her own as singer/composer; says aunt Nora Aunor inspires her

Marion Aunor is a product of her time and this reflects in the songs she writes or interprets, such as Jungee Marcelo’s "Pumapag-ibig." She says she can relate to the song, "I see a guy, then, ’What’s his name?’ then stalk na kaagad sa Facebook."


Aminado si Marion Aunor na bilang isang baguhang singer ay inspirasyon para sa kanya ang naging journey ng tiyahin niyang si Nora Aunor sa phenomenal career nito bilang isang alagad ng sining.

Subalit sa sarili niyang pamamaraan at sikap ay unti-unti na ring nakikilala sa music industry si Marion, bilang singer na may sariling istilo at isang songwriter.

Noong isang taon, nakamit niya ang 3rd place sa 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs songwriting competition. Isinulat at in-interpret niya ang kantang "If You Ever Changed Your Mind."

Sa taong ito, sa parehong competition, ipaparirinig niya ang kantang "Pumapag-ibig" na isinulat naman ni Jungee Marcelo sa tonong very bagets ang dating.

Very proud na sabi ni Marion sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yes, it’s fresh.

"That’s one thing good about Sir Jungee, nakaka-tap pa rin siya sa youth na market.

"Parang sa bagets na lyrics... yung lines na hashtags, selfie-selfie.

"I guess, yun ang edge niya, dahil sa key words na ginagamit almost every day ngayon.

"So, nakakakuha ng atensiyon, chill lang yung sa akin na version."

Si Jungee ang nag-compose ng Himig Handog entry noong 2013 na "Nasa IYo Na Ang Lahat," na in-interpret naman ni Daniel Padilla.

Nakausap si Marion ng PEP sa isang intimate presscon sa Momma’s Kitchen, sa Il Terrazzo, Tomas Morato, Quezon City.

SELF-FULFILLMENT. Marami ang nagtataka kung bakit hindi sumali si Marion ngayon bilang isang songwriter ’tulad noong nakaraang taon.

Paliwanag niya, "Late ko na nalaman na puwede pa pala.

"Kasi, akala ko, dahil winner na ako last year, akala ko ay hindi na ako puwede.

"So, when I got to know na puwede pa, late na ako.

"Yeah, maybe next year, sasali ako, hopefully."

Ganunpaman, meron siyang self-fulfilment na naramdaman knowing na ang ini-interpret niya ay isinulat ng kanyang iniidolo.

Aniya, "Yeah, ’di nakakapanghinayang na wala akong entry as a songwriter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But to sing the song of someone I idolize, fulfilled na ako.

"I have always wanted to collaborate a song with Sir Jungee, nangyari nga ito this year.

"Ni-look forward ko talaga ito."

Sa kanta kasi, lumalabas na siya ang naghahabol sa isang lalaki.
Sa totoong-buhay ba, okay lang ito sa kanya?

Nakangiting saad ng 22-year-old singer, "I think so, kasi parang marami namang ganun.

"I see a guy, then, ’What’s his name?’ then stalk na kaagad sa Facebook.

"Lahat na ng background, nakita na, sino ang mutual friends...

"I don’t know, I think I can relate."

Masaya raw si Marion na kasama pa rin siya sa Himig Handog, na nagbukas sa kanya ng maraming opportunities matapos manalo noong isang taon.

Pagmamalaki niya, "So many doors opened sa akin, yeah, after winning last year.

"Star Records got me and I toured around the cast ng Be Careful With My Heart.

"Masaya naman ako the way Star Records is running my singing career.

"Gusto nila na I will turn out as a singer-songwriting person.

"Yun ang gusto nila package, kasi hindi naman talaga ako yung birit-type na singer.

"So, yung sa akin, ’Heto yung kumakanta, who plays musical instruments and who writes.’

"I really like also that kind of image."



NORA AUNOR. Samantala, bilang pamangkin ni Nora Aunor, natutuwa si Marion sa sobrang aktibo ngayon ang Superstar sa paggawa ng mga dekalidad na pelikula.

Bukod sa pelikulang Hustisya, kung saan pinarangalan ito bilang Best Actress sa Cinemalaya Fim Festival, ay ipapalabas na rin ang pelikulang Dementia at susunod na ang Padre de Pamilya, kung saan kasama ng Superstar si Coco Martin.

Sabi ni Marion, "We’re all happy for her, lahat kami are so proud of her.

"It’s really her turf and she has long proven herself as an actress, ibang klase siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I’m so proud of her.

"We really hope she continue doing where she is at best dahil, yeah, nag-iisa nga siya."

Abo naman ang personal niyang opinyon tungkol sa pagkadismaya ng maraming tao sa hindi pagkakapili sa kanyang auntie bilang isa sa National Artists ng bansa.

Controversial issue pa rin ito haggang ngayon na nagdulot ng samu’t saring reaksiyon, lalo na sa mga taga-showbiz industry.

Saad ni Marion, "I get asked about this several times.

"I always say na nawi-weird-an lang ako kasi iba talaga yung qualifications for the award.

"Kasi, as an artist, she’s the whole package—singer, actress, and she’s a legendary figure in the industry.

"But then, parang kinunsider ay yung personal.

"If it’s about that, it’s okay.

"But if it’s about artistry and all, she really deserved it.

"This is the only thing that I don’t understand."

Proud niece nga raw siya na ang iba’t ibang sektor ng lipunan ay nagbibigay-pugay sa achievements ni Nora bilang isang "People’s National Artist."

’Tulad nga raw ng Gawad Plaridel Award na ibinigay kay Nora ng mga taga-University of the Philippines noong August 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN