Bettina Carlos insists rumor linking her to Raymart Santiago is not true

Hindi pa rin daw alam ni Bettina Carlos kung saan nanggaling ang isyung nag-uugnay sa kanya kay Raymart Santiago. Pareho lang daw silang mahilig sa pagkain at wala nang iba pa.


Mariin pa ring pinabulaanan ng actress-TV host na si Bettina Carlos ang balitang may namamagitan diumano sa kanila ni Raymart Santiago.

Matagal-tagal nang umiikot ang isyung ito simula nang magkasama ang dalawa sa GMA Afternoon Prime na Villa Quintana.

Sa interview ng 26-year-old TV host/actress noong Mayo, itinanggi na rin niya ang balitang ito.

Read: Bettina Carlos surprised by rumor linking her to Raymart Santiago

Pero kahit tapos na ang serye nila sa GMA, hindi pa rin nawawala ang isyu.

Kaya naman nang makausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina, inusisa namin sa kanya kung bakit hindi matigil-tigil ang pagli-link sa kanila si Raymart.

Tugon niya, “Alam mo, hindi ko alam.

"Parang people, you know, are parang connecting the dots kasi nag-start ‘yan nung nagkasama kami sa Villa Quintana.

“Ang character ko ay inlababo [in love] at humaling na humaling sa kanya.

"’Tapos siguro, we share the same interest in food—siya nagluluto, ako nagbi-bake.

"’Tapos, kami sa set, lahat mahilig kumain, so mahilig kami na nagdi-diner.

“So, we do go out, so parang ginawan lang ng isyu ng mga tao.

“I don’t know where it’s coming from.

"Yun lang, meron lang talaga kaming common [interest], which is food."

Parehong nasa food business ngayon sina Raymart at Bettina.

Si Raymart ay may bar and restaurant sa The Fort, samantalang si Bettina ay nagbi-bake ng pastries.

Nakausap ng PEP si Bettina sa Kagay-an Festival ng Cagayan de Oro City noong Huwebes, August 28.

Si Bettina ang nagsilbing host ng Kapuso Fiesta ng GMA at sa regional finals ng Bet Ng Bayan na ginanap sa SM City, Cagayan de Oro City.

“I DON’T WANT TO MEDDLE IN THEIR AFFAIR…” Wala ba talagang namagitan sa kanilang dalawa ni Raymart?

Muling pagtanggi ni Bettina, “Yeah, there’s no truth to that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, number one, he is still with Claudine [Barretto, Raymart’s estranged wife].

“I understand that they are still married, they are still a couple, although they are not living together anymore.

“Pero, I don’t want to meddle in their affair. And andami nilang kailangang ayusin, ‘di ba?”

Ang tinutukoy ni Bettina ay ang kabi-kabilang kasong kinahaharap nina Raymart at Claudine laban sa isa’t isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN