Nadine Lustre happy about signing up with ABS-CBN

The Buzz hosts Kris Aquino and Toni Gonzaga good-naturedly chides Nadine Lustre about giving James Reid a pillow and a blanket, particularly when there has not been a thoughtful gesture from the young actor. Not even a cup of coffee, according to Kris.


Isa nang ganap na Kapamilya ang Viva talent na si Nadine Lustre dahil kamakailan lang ay pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Hindi naman itinago ni Nadine na masaya siya ngayong isa na siyang Kapamilya.

"Yes, I’m very, very happy po. I mean, medyo matagal na rin akong nasa Viva," sabi ng young actress sa panayam sa kanya nina Kris Aquino at Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, August 31.

Simula 2009 ay nasa Viva na raw siya.

“So, medyo matagal na rin.”

JADINE LOVETEAM. Uminit ang pangalan ni Nadine at ng ka-loveteam niyang si James Reid dahil naging hit ang launching movie nilang Diary Ng Panget.


Dahil dito ay nasundan ang kanilang pagsasama sa pelikula, sa pamamagitan ng Talk Back And You’re Dead na lalong nagpatibay ng kanilang box-office appeal.

Hindi raw sigurado si Nadine kung nakaplano talagang i-co-produce ng Star Cinema ang Talk Back And You’re Dead, na iprinodyus ng Viva Films, at pagkatapos ay papapirmahin na sila ni James sa ABS-CBN.

“That I’m not sure, kasi nagulat na lang po kami na co-prod na ang Talk Back… ng Star Cinema, e.

"Ang sabi lang sa amin, ’Okay, you have another movie right after DNP [Diary Ng Panget].’

"Sinabi po sa amin, ’Okey, meron ulit kayong project ni James [Reid], yung Talk Back…’

"And then, after a few weeks, biglang sinabi na co-prod siya ng Star.

"So, kami po ni James, we’re really excited po.”

Kasalukuyang nasa Albay naman daw kahapon ang ka-loveteam nito na si James.

Tinanong ni Kris si Nadine kung tini-text nila ang isa’t isa ng “good morning.”

“No, kasi we see each other all the time,” nakangiting sagot ng young actress.

Kapag nagkikita ba sila palagi, mas lalo silang nagiging close?

“Nahihiya ako… kasi may mga... nandiyan yung JaDine, e,” pagtukoy ni Nadine sa fans nila ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinabi ni James na ideal girl ka raw niya?

“Okay,” nakangiting sagot ni Nadine.

Totoo bang istrikto ang nanay ni Nadine?

Sagot niya, “Right now kasi, me and James, we both value our career, ‘etong opportunity.

"Parang kami rin, ayaw pa rin namin.”

Hiniritan naman siya ni Toni na ganoon din daw siya dati, lalo na noong bagong lipat sa ABS-CBN na ang sinasabi niya, “I value my career.” At halos lahat daw ng bagong loveteam, ganoon ang sinasabi.

Sabi naman ni Nadine, “Okey, sige, para maiba na lang, ako, I’m the type of person who doesn’t want to expect talaga.

"Ayokong mauna."

BLANKET AND PILLOW. Ibinuko naman ni Kris na binigyan daw ni Nadine ng pillow at blanket si James dahil sa shooting ay wala raw ito. Pero si James daw, ni isang kape ay wala pang ibinibigay kay Nadine.

Natatawang sabi pa ni Kris: “My God naman, I heard sa sosyal na village siya sa Makati nakatira. So, he can afford coffee.”

Bakit niya nga ba binigyan ng blanket at pillow si James?

Sagot ni Nadine, “Wala naman, kasi yung upuan niya, yung folding chair niya, sobrang uncomfortable.”

Hindi pa masagot nang diretso ni Nadine kung ano ang unang serye na gagawin nila ni James sa Kapamilya network.

“Kasi, hindi pa po nasasabi sa amin.”

Bukod kay James, sino pang Kapamilya male stars ang nakyukyutan siya?

“Si Joseph Marco... ay, hindi puwede!” biglang bawi ni Nadine.

Kaya nasabi ni Nadine na hindi puwede dahil humingi na ng permiso si Joseph kay Toni na maging date nito sa Star Magic Ball ang kapatid na si Alex Gonzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN