Jasmine Curtis Smith "affirms" relationship with Sam Concepcion

Jasmine Curtis Smith on meeting Sam Concepcion’s parents: "I met them a year ago, when we both had work in Baguio. His family went and it’s the first time I met them, so it was good."


Sa unang pagkakataon ay magkakatrabaho sa isang serye ang magkasintanang sina Jasmine Curtis Smith at Sam Concepcion.

Magkasama ang dalawa sa My Tag Boyfriend, isa sa mga tampok na istorya ng TV5 Mini-Series na ipalalabas simula September 22.

Sabi ni Jasmine tungkol sa pagsasama nila ni Sam, “We were excited kasi, siyempre, it’s always one of the questions na, ‘Anong feeling mo ‘pag magkatrabaho kayo?’ or ‘May chance bang magkatrabaho kayo?’

“Ang inisip naman namin is parang hindi possible kasi magkaiba ng networks.

"Yun nga, naayos naman."

Si Jasmine ay contract star ng TV5 samantalang si Sam naman ay nakakontrata sa ABS-CBN.

Ngunit nagawan ng paraan upang makagawa ng proyekto si Sam sa bakuran ng TV5.

First time daw nila itong magtambal sa isang TV project.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa storycon ng TV5 Mini-Series kahapon, September 1, sa Studio 4 ng TV5 Media Center, Reliance Street, Mandaluyong City.



REEL-REAL LIFE LOVETEAM? Feeling ba niya, magkakaroon sila ng awkward moments ni Sam sa taping ng show?

Saad ni Jasmine, “Yeah, I think it’s more of… kasi sanay nga kami sa personal world namin.

“Kasi gusto namin, as much as possible, everything is separated.

"Pero yung tungkol sa nerbiyos, parang it’s now like sharing the same work life for this project.

“So, parang, I’m gonna show him how I work, what I do... super excited!”

Ito ba ay short of saying na sila na talaga in real life?

Sagot ni Jasmine, “Na-affirm na namin ‘yan.

“Oo... ikaw naman, na-affirm na ‘yan.”

Naipakilala na ba siya ni Sam sa pamilya nito?

Sagot ni Jasmine, “Yes.”

“I met them a year ago, when we both had work in Baguio.

"His family went and it’s the first time I met them, so it was good.

“And even last night, we celebrated Sam sister’s birthday together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We had dinner. I joined them for dinner."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN