Piolo Pascual on Sam-Shaina courtship: “Hindi naman siguro kami aabot sa suntukan dahil sa babae.”

“I’ve been friends [with Sam] for a long time, ever since he got out of PBB [Pinoy Big Brother in 2005]. And whatever differences we might have, I think we’re mature enough to not even cross the line, you know, in terms of offending each other,” says Piolo Pascual when asked to comment on Sam Milby-Shaina Magdayao rumored courtship.


Hindi isyu kay Piolo Pascual kung sakali mang tuluyang ligawan ni Sam Milby si Shaina Magdayao.

Kamakailan lang ay napabalitang madalas na lumalabas sina Sam, 30, at Shaina, 24, kasama ng kanilang non-showbiz friends.

Ito ay sa kabila ng kaalaman na mula early part of 2013 hanggang June 2014 ay tampulan ng espekulasyon ang estado ng relasyon nina Shaina at Piolo.



NO ILL FEELINGS. Sa ginanap na presscon para sa Barley Max, sa Crowne Plaza Hotel, ngayong araw, September 2, hiningan ng reaksiyon ng press si Piolo tungkol sa pagkakaugnay ni Shaina kay Sam.

Sabi ng 37-year-old actor hinggil dito, “I’ve been friends [with Sam] for a long time, ever since he got out of PBB [Pinoy Big Brother in 2005].

“And whatever differences we might have, I think we’re mature enough to not even cross the line, you know, in terms of offending each other.”

Ayon pa kay Piolo, nagkita sila ni Sam sa ASAP noong Linggo, August 31, at wala namang nag-iba sa pakikitungo nila sa isa’t isa.

Bukod sa pareho sila ng “circle of friends,” parang nakababatang kapatid umano ang turing ni Piolo kay Sam.

“Whatever is happening, I guess, men don’t talk. Wala kaming dapat pag-usapan, e.

“Nagkakataon lang na napakaliit ng mundong ginagalawan natin.

“Pero I believe we have mutual respect. So, yun na lang yun.

“I have so much respect for Sam,” diin ni Piolo.

Naniniwala rin si Piolo na hindi na nila kinakailangang pag-usapan pa ni Sam kung ano man ang intensiyon ng huli kay Shaina.

Aniya, “Hindi naman kami siguro aabot sa suntukan dahil sa babae.

“He’s a good man. Kung ano man ang diskarte niya sa buhay, sa kanya na yun, ‘di ba?”

STILL FRIENDS WITH SHAINA. Sa kabilang banda, nananatili umanong maganda ang samahan sa pagitan nina Piolo at Shaina, kahit pa tila naudlot ang pagkakamabutihan nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, maging ang mga kapamilya ni Piolo ay malapit pa rin kay Shaina.

Saad ng aktor, “Shy and I are good.

"Last Sunday, we did a ’Portion-By’ [sponsored segment] in ASAP.

“We were able to catch up for a bit.

“I’m gonna see her on Saturday also.

“She went out with my siblings.

“We’re friends.”

Sa kabila ng lahat, masaya si Piolo dahil hindi nasira ang magandang pagkakaibigan nila ni Shaina.

“Yun ang maganda. Preserved ang relationship, preserved ang friendship.

“Kasi naman, sa napakaliit na mundo na ginagalawan natin, it’s important to have trust, to have respect.

“At the same time, yung kumportable ka lang sa ginagalawan mo.

“I guess, Shy and I are gonna be friends for a long time.

“Kung saan man mapupunta yun, nobody knows, right?” pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN