Singer Eva Castillo diagnosed with kidney tumor; needs help

Nangangailangan ng tulong ang singer na si Eva Castillo, ang mahigpit na kalaban noon ni Regine Velasquez sa mga amateur singing contest. May kidney tumor si Eva at hindi na siya nakakapagtrabaho dahil sa kanyang maselang kalagayan.


Nangangailangan ng tulong ang singer na si Eva Castillo, ang mahigpit na kalaban noon ni Regine Velasquez sa mga amateur singing contest.

May kidney tumor si Eva at hindi na siya nakakapagtrabaho dahil sa kanyang maselang kalagayan.

Ang madugtungan pa ang kanyang buhay ang dasal ni Eva na matagal nang huminto sa pagkanta mula nang lumala ang sakit niya.

Nagkaroon ng brief showbiz career si Eva nang hanapin siya ng GMA Network dahil nabanggit ni Regine ang kanyang pangalan sa Regine: Roots to Riches, ang docu-musical tungkol sa Asia’s Songbird na ipinalabas sa telebisyon noong May 24, 2009.

Sa interbyu kay Regine, sinabi nitong kinakabahan siya kapag si Eva ang nakakalaban niya sa mga amateur singing contest dahil magaling ang singer na mula sa Tondo.

Nang mahanap si Eva ng GMA, nagkasunud-sunod na ang mga TV guesting niya sa Kapuso network.

Tinulungan siya ng direktor na si Louie Ignacio at ni Allan K., na kinuha siya bilang regular performer sa sing-along bar na pag-aari ng TV host/comedian.

Sa exclusive interview ni Rommel Llanes ng PEP.ph (Philippine Entertainmant Portal) kay Eva, noong June 2009, ipinahayag niya ang malaking utang na loob kay Regine dahil ito ang naging susi para makabalik siya sa pagkanta.

Pahayag ni Eva, “Kung hindi dahil sa kanya, hindi na ako makakabangon uli.

“Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya, at kay Direk Louie at kay Allan K, at sa lahat ng tao na tumutulong pa rin sa akin hanggang ngayon.

“Pero higit sa lahat po talaga, kay Regine.

“Kay Chona [Regine’s real name], siya po talaga ang dahilan ng lahat ng ito.

“Buong buhay kong utang na loob ko ito sa kanya.”

Read: Eva Castillo owes her life to rival Regine Velasquez

Hindi nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng singing career ni Eva dahil sa kidney tumor na naging dahilan para maging bedridden siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humihiling ng tulong at panalangin para sa paggaling ni Eva ang mga nagmamahal sa kanya.

Kumakalat ngayon sa Facebook ang video ni Eva, kung saan nakaratay siya sa higaan at kumakanta ng "Ikaw."

Kahit halatang hirap dahil sa kanyang kalagayan ay pinilit pa ring kumanta ni Eva.

Ang nasabing video ay ipinost ng isang Mackoy Divinagracia Adriano noong September 2.

Narito ang link sa video: https://www.facebook.com/video.php?v=934448336570408&set=vb.100000157502267&type=2&theater


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN