Judy Ann Santos carefully explains adoption to daughter Yohan

Judy Ann Santos shares what she told daughter Yohan about being adopted: "Sabi ko sa kanya, ‘The word adopted, hindi masama yung word na adopted. It simply means na we adopted you because we want you. ’Ang orphan, iyon yung wala silang family, wala silang mommy, wala siyang daddy, but it doesn’t mean walang nagmamahal sa kanila. Kaya nga sila magkakasama.’"


Bilang isang ina, kagaya rin ng karaniwang magulang ang aktres na si Judy Ann Santos na dinidisiplina ang kanyang mga anak.

May dalawa nang anak si Judy Ann at ang mister niyang si Ryan Agoncillo—sina Yohan, 9, at Lucho, na magti-three years old naman sa October 7.

Ayon kay Judy Ann, pareho ang ginagawa nilang pagdidisiplina ni Ryan sa kanilang mga anak.

Saad ng Kapamilya actress-TV host, “Especially sa case namin kasi, hindi kami puwedeng magpakita na hindi namin dinidisiplina si Lucho kay Yohan.

“E, kasi, baka she might think na it’s because of her situation kaya siya lang yung hinihigpitan.”

Ang tinutukoy ni Judy Ann ay ang pagiging ampon o adopted ni Yohan.

Patuloy niya, “Kaya palagi naming ini-explain sa kanya, especially now that nag-aaral siya sa big school, ini-explain namin sa kanya na, ‘Kaya kami naghihigpit sa iyo kasi ganito-ganito.’

“Na, ‘Whatever yung pinagdaanan mo ngayon, kung dumating yung point na ganyan din si Lucho paglaki niya, maga-ground din siya, mapapalo din siya, mapagsasabihan din siya, mapapagalitan din siya. It’s just that Lucho is much younger than you.’

“So, may mga ganung extra mile ka na pag-e-explain kay Yohan.

“Kasi palagi niyang sinasabi na, ‘I’m adopted, I’m ganito, they tell me I’m adopted.’

“Yung ano sa kanya, iyon yung parang feeling kong pinakamalalaking word na hindi niya matanggap… I think.”

ACCEPTANCE. Paano nila ito pinapatanggap kay Yohan?

“E, sinasabi ko naman, ang sinasabi ko naman lagi sa kanya, namin sa kanya na, ‘It doesn’t matter where you came from, what matters is, what’s important is we’re together, we are meant to be together.’

“Sabi ko sa kanya, iyon yung sinasabi ko sa kanya, which I think for me is very true.

“Kasi, at the time na I was ready to have a baby, walang dumarating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos nung bigla ko lang naisip na ’O, sige na nga, magbe-baby ako.’

"’Tapos ipinagdasal ko siya, twenty-six [years old], ‘Lord, gusto kong magka-baby’—may tatay o wala.

“Magpapa-artificial insemination na nga ako nun, e, kasi gusto ko talagang magka-baby ng 26.

“Then, Yohan came.

“So, I believe na talagang we are meant to be together. Kasi halos magkamukha din kami.

“Iyon yung ine-explain namin sa kanya, na masuwerte kami and siya na magkakasama kami.

“Kasi hindi pa man siya ipinapanganak, we are meant to be a family.”

FIELD TRIP. Kuwento pa ni Judy Ann, “And recently, nagkaroon siya ng parang field trip sa isang orphanage.

“’Tapos, ako naman, I was waiting for her to ask me something, to tell me something about the experience.

“Ang sinabi niya lang sa akin, ‘Ma, I want to celebrate my birthday there!’ Gumanun siya.

“’Tapos sinabi ko sa kanya, ‘O, ‘di ba, it’s really nice to see kung ano yung mga nangyayari sa mga ibang bata na walang family?’

“So, sabi ko sa kanya, ‘The word adopted, hindi masama yung word na adopted. It simply means na we adopted you because we want you.

“’Ang orphan, iyon yung wala silang family, wala silang mommy, wala siyang daddy, but it doesn’t mean walang nagmamahal sa kanila. Kaya nga sila magkakasama.’

“So, iyon yung ini-explain ko sa kanya.

“Pero siyempre, pagka binu-bully siguro sa school, ‘tapos tinutuksu-tukso na adopted siya, nagiging iba yung intindi niya dun sa salitang iyon.”

May nambu-bully kay Yohan sa school?

Sabi ni Judy Ann, “Hindi mo naman maiiwasan yung mga yun, ‘di ba?

“Ang sinasabi ko na lang sa kanya, ‘Basta you tell your classmates it doesn’t matter because my parents wanted me, they wanted me.’

“At ang sinasabi ko sa kanya, ‘You came from my heart, you came from my heart!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa first shooting day ng indie movie na T’yanak, sa isang lumang mansiyon sa San Mateo, Rizal, noong Martes, September 2.

Ang T’yanak ay remake o reboot ng 1988 Tiyanak movie na pinagbidahan nina Janine de Belen at Lotlot de Leon.

Bukod kay Judy Ann, nasa pelikula rin sina Solenn Heussaff at Tom Rodriguez. May cameo appearance naman dito sina Janice at Lotlot.

Ipapalabas ang pelikulang ito nina Direk Peque Gallaga at Lore Reyes sa October 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN