Jodi Sta. Maria to attend Star Magic Ball without Jolo Revilla: "I think he’s busy."

Jodi Sta. Maria wanted her son Thirdy to be her escort in the upcoming Star Magic Ball, but Star Magic did not allow it because the party is happening late in the night.


“I think, hindi naman kaila sa inyo na ’pag tungkol sa personal kong buhay, e, hindi ko po masyadong pinag-uusapan. Thank you.”

Ito ang isinagot ni Jodi Sta. Maria nang tanungin ng entertainment press tungkol sa relasyon nila ng actor-politician na si Jolo Revilla.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang Kapamilya actress sa press conference ng Maria Leonora Teresa—ang Star Cinema movie na pinagbibidahan nina Jodi, Zanjoe Marudo, at Iza Calzado.

Ginanap ang presscon sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong araw, Huwebes, September 4.

Itinanong din kay Jodi kung hindi ba niya inanyayahan si Jolo na maging escort niya sa 8th Star Magic Ball, ngayong Sabado, September 6.

“I think he’s busy,” maiksing sagot ng aktres.

Hindi rin daw niya naging escort si Jolo sa mga nakalipas na Star Magic Ball.

Wala ba siyang naisip na imbitahang maging escort niya sa taunang star-studded ball?

“Ako lang. Kasi gusto ko sanang gawing date yung anak ko [Thirdy], pero hindi in-allow ng Star Magic, kasi medyo late na rin mag-i-start, baka ma-DOLE!” natatawang sagot ni Jodi.

Hiniritan pa ng tanong si Jodi kung may katotohanan ang usap-usapang nagkakalabuan na raw sila ni Jolo, pero iniwasan pa rin itong sagutin ng aktres.

“Like what I said, I’m not really open about my personal life and I hope you respect that,” sabi niya.

Nang tanungin naman tungkol sa anak na s Thirdiy—ang anak niya sa dating asawang si Pampi Lacson—ay sinabi ni Jodi na maganda ang relasyon nilang mag-ina.

“Yung relationship ko kay Thirdy, ang kagandahan is we’re very open.

"We really communicate, and I think that’s very important for parents to communicate… not just communicate, but to connect.

"And I think meron kami nun ng anak ko."

Sinabi ni Jodi sa lahat ng mga tanong ng kanyang anak ay sinasagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHOOSY WITH ROLES? Itinanggi naman ni Jodi na nagiging mapili na siya sa kanyang roles.

Mas gusto raw niyang gamitin ang salitang “conscious.”

“Hindi naman puwedeng sabihin na mapili [sa roles].

"Siguro mas conscious lang ako sa mga susunod na proyektong gagawin because, dito, napatunayan ko ang epekto ng isang programa sa kanyang manonood.

"And I am praying na sana, sa susunod na proyekto ko, something na makakapag-impart din ng good morals and values sa mga manonood.

“Kasi karamahin sa mga manonood natin ay mga bata.

"And, I think, anuman ang mapapanood nila, something na kapupulutan nila ng aral.

"Kasi yung pinapanood nila minsan, ginagawa nila. Bakit ’di nila gayahin yung magaganda?” paliwanag ni Jodi.

Nagkaroon ng malaking impact sa mga manonood ang daily morning soap na Be Careful With My Heart, kung saan gumaganap si Jodi sa pangunahing papel na Maya.

Dahil dito kaya maingat na ngayon ang aktres sa mga klase ng proyekto na tinatanggap niya.

“Yun ang conviction sa sarili ko, yung gagawin ko makapag-impart ng good morals,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN