Actor-singer Dante Ponce amused by comparison to Richard Yap

Although he’s been busy since his comeback last year, Dante Ponce wants to reestablish his showbiz career more firmly.


Natatawa na lang ang singer-actor na si Dante Ponce kapag binibiro siya na puwedeng siya ang sumunod sa yapak ni Richard Yap, na kilala bilang si "Ser Chief" sa long-running morning teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Ayon sa obserbasyon ng marami, angkin ni Dante ang mga katangiang minahal at kinakiligan ng masa kay Richard sa kabila ng pagiging may edad na nito.

Sina Dante at Richard daw ay parehong makapamilya, charming, guwapo, matangkad, at may magandang boses.

Papasikat na singer noong early 1990s si Dante nang magdesisyon siyang iwanan ang Pilipinas upang pakasalan ang kanyang asawang si Winlove.

Mayroon na silang apat na anak ngayon.

Reaksiyon ni Dante sa birong siya ang susunod na Ser Chief, "Well, I don’t know.

"Naka-work ko siya sa Be Careful, he’s really a good person.

"I think, ang gusto sa kanya ng tao is yung pagiging cool and charming niya.

"Ako naman, my is goal is really to come back [sa showbiz], gusto ko lang maging stable."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dante sa grand presscon ng pelikulang Maria Leonora Teresa, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, kagabi, September 4.



HOT PAPA? Tanggap naman daw niyang father roles na ang ibibigay sa kanya.

Natatawang sabi ng 43-year-old singer-actor, "Oo, aware naman ako diyan. Kita naman sa...

"Hindi naman puwedeng i-deny, tatay naman na talaga ako.

"It doesn’t bother me at all.

"Basta, ’wag lang akong maging tatay ni Ariel Rivera.

"Magmumukhang lolo na ako niyan!"

Si Ariel ay kakontemporaryo ni Dante bilang isang mang-aawit noong ’90s.

Isa rin daw si Dante sa itinuturing na "hot papa" ng fans.

"Oh, I don ’t know!" natatawang tugon niya.

"Ako naman kasi, I’ve been taking care of myself.

"When I was in the U.S., at the back of my mind, alam kong babalik ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, the only way to be able to come back to showbiz is kung maganda ang kundisyon ko.

"I’m not going to come back if 300 pounds ako.

"What for, ’di ba? Nakakahiya naman.

"Sa akin kasi, lifestyle naman ’yan, e.

"So, if people think that I’m still hot, that’s nice, I’m happy."

Handa naman daw siyang magpakita ng kaunting skin kung kinakailangan.

Ayon sa kanya, "There’s some part here sa Maria Leonora Teresa na I show some skin.

"Kumportable naman ako, kasi nga nasa kundisyon naman ang katawan ko.

"If the role calls for it, okay lang naman, basta ’di naman lahat nakahubad.

"Mga shirtless-shirtless, masaya na ako dun to show off."



STABLE. Sa ngayon ay masaya naman daw si Dante sa takbo ng kanyang career mula nang bumalik siya sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Aniya, "Alam ko naman na ibang-iba na ang showbiz ngayon from before I left for the States.

"Sobrang tagal kong nawala, almost 20 years, sobrang miss ko na ang industriya nating ito.

"So far, okay naman yung takbo ng career ko.

"It may not be as big, pero stable naman siya.

"I started sa Galema, and I was able to do few more movies after that, like yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy and Maybe This Time.

"I had a short stint nga sa Be Careful, then I’m with Pure Love naman."

Dugtong pa niya, "Right now, hindi ko pa naman na-reestablish ang sarili ko.

"So, kung ano ang dumating, tanggap lang basta maganda naman ang exposure.

"Willing naman akong maghintay."

Paano na ang kanyang singing career, tuluyan na ba niya itong kinalimutan para mag-concentrate bilang isang aktor?

"No, no!" paglilinaw ni Dante.

"Talagang babalikan ko siya, I can still sing.

"Ang voice ko ay hindi naman nawala, the quality is there pa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I told Backroom na gusto kong makapag-focus din sa singing.

"I enjoyed most yung singing, lalo na yung live audience."

Ang Backroom ang humahawak sa career ni Dante.

Ano pa ba ang expectations niya sa kanyang showbiz career?

Napabuntung-hininga muna si Dante saka sinabing, "I don’t have a whole lot of expectations.

"I’m doing again what I love to do, so okay naman, masaya naman.

"I look at this in a long-term.

"Yun ang expectation ko... to be here for a while."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN