Ronnie Ricketts suspended as Optical Media Board chief; set to file motion for reconsideration

Umaasa ang kampo ni Ronnie Ricketts na papanigan sila ng korte kapag naihain na nila ang kanilang motion for reconsideration kaugnay ng anim na buwang suspensiyon na ipinataw sa kanya ng Office of the Ombudsman.


Iaapela ng kampo ni Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts ang suspension order na ipinataw sa kanya ng Office of the Ombudsman dahil sa pagpapabaya diumano ng aktor sa kanyang tungkulin sa naturang ahensiya ng gobyerno.

Ito ay may kaugnayan sa post-raid operations ng OMB laban sa Sky High Marketing Corporation (Sky High) noong May 27, 2010.

Sa naturang operasyon, ni-raid ng mga operatiba ng OMB ang Sky High sa Quiapo, Manila, kung saan nakumpiska nila ang 127 kahon at dalawang sako ng pirated DVDs at VCDs.

Bukod dito, nakakuha rin sila ng isang Video Recording Human I.P.C. at nakahuli sila ng tatlong Chinese nationals.

Pagkatapos ng raid, ang mga nakumpiskang merchandise ay dinala sa opisina ng OMB bandang hapon. Pero kinagabihan ay inalis din ito sa compound ng opisina.

Ayon sa records, si Ronnie mismo ang nag-utos na ilabas sa compound ng OMB ang mga nakumpiskang gamit, gamit ang sasakyan ng Sky High, nang walang karampatang gate pass.

Bilang hepe ng OMB, dapat daw ay si Ronnie mismo ang mamuno sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa mga lumalabag sa batas ng pamimirata, pero hindi raw niya ito nagawa.

Bagkus, pinayagan daw nito ang pagpapa-release ng mga nakumpiskang pirated DVDs and VCDs na nagkompromiso raw sa mga ebidensiya laban sa mga akusado.

Bukod pa rito, malaking pabor daw ang hakbang na ito laban sa Sky High Marketing Corporation at sa mga opisyales nito.

Dahil dito, naglabas ng joint resolution ang Office of the Ombudsman noong August 28, 2014, upang papanagutin si Ronnie at apat pang opisyales ng OMB sa kanilang kapabayaan sa trabaho.

Bukod kay Ronnie, iniutos din ng Ombudsman na suspendihin sina Executive Director Cyrus Paul Valenzuela, Head of the Enforcement and Inspection Division (EID) Manuel Mangubat, Investigation Agent I Joseph Arnaldo, at Computer Operator II Glenn Perez.

Bukod sa anim na buwang suspension mula sa kanilang puwesto, inirekomenda rin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sampahan ng kasong kriminal ang lima dahil sa paglabag diumano ng mga ito sa Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RONNIE REMAINS AS OMB CHAIRMAN. Ayon naman sa kampo ni Ronnie, hindi pa final and executory ang naturang kautusan ng Ombudsman kaya iaapela nila ang suspension order.

Ayon sa statement na ipinadala ng abugado ni Ronnie na si Atty. Marian Ivy F. Reyes–Fajardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi nitong nananatiling Chairman ng OMB ang actor-director dahil hindi pa nga pinal ang naturang kautusan.

Aniya, “We are preparing his motion for reconsideration of the Ombudsman’s Resolution.

“The decision is not executory yet as the remedy of the motion for reconsideration is still available.

“He still remains Chairman of the OMB.

"We are hoping for the favorable resolution of Mr. Ricketts’ motion for reconsideration and pray for the lifting of the order of suspension in due time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN