Senator Juan Ponce Enrile pleads not guilty in plunder case: "I have not committed any crime."

Senator Juan Ponce Enrile is spotted seating beside former chief of staff Atty. Gigi Reyes during their arraignment at Sandiganbayan Third Division earlier today, September 5.


“I have not committed any crime.”

Ito ang pahayag ni Senator Juan Ponce Enrile nang humarap siya sa Sandiganbayan Third Division para sa kanyang arraignment ngayong araw, September 5.

Naghain ng "not guilty" plea si Senator Enrile, 90, kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa kanya.

Kasama rin sa binasahan ng sakdal ang dating chief of staff ni Senator Enrile na si Atty. Gigi Reyes.

Ngunit tumangging maghain ng not guilty plea ang abugada.

ENRILE, REYES AT SANDIGANBAYAN. Ayon sa ulat ng dzBB ngayong araw, September 25, namataang magkatabi sa korte sina Senator Enrile at Atty. Reyes habang binabasahan sila ng sakdal.

Pagkatapos ng arraignment ay sandali umanong nakapag-usap ang dalawa.

Base sa imbestigasyon ay nagsabwatan diumano sina Enrile at Reyes sa pagkuha ng kickback mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng P172,834,500 mula 2004 to 2010.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtransaksiyon diumano ni Senator Enrile sa itinuturong pork barrel mastermind na si Janet-Lim Napoles.

Ilan pa sa mga kapwa-akusado para sa kaso ni Enrile ay sina Ronald John Lim at Raymund de Asis.

HOSPITAL ARREST. Kasalukuyang nakaditena si Senator Enrile sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame.

Ngunit inirekomenda ng mga doktor na sumuri sa kalusugan ng senador na mas mabuting mailipat ito sa Philippine Heart Center o sa Philippine General Hospital.

Ayon sa hiwalay na ulat ng GMA News Online kahapon, September 4, napag-alaman na mayroong chronic hypertension ang senador.

Base sa isinagawang medical exam nito, hindi umano normal ang rapid heartbeat at high calcium deposits sa coronary artery ng senador, na maaaring magresulta sa coronary disease kapag napabayaan.

“Senator Enrile, based on our assessment, has multiple medical problems...his risk is quite high for sudden pulmonary and heart event that might cause emergency,” saad ng cardiologist na si Dr. John Añonuevo.

Maging ang awtoridad na nangangasiwa sa PNP General Hospital na si Police Superintendent Marivic Jocson ay sang-ayon sa rekomendasyon na isinumite ng mga doktor ng PGH sa Sandiganbayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala umano kasing sapat na espesiyalista, ‘tulad ng cardiologist at pulmonologist, ang PNP General Hospital.

Aniya, “Given his age, Senator Enrile is susceptible to diseases. When emergency situation arises, we cannot give him the best service.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN