Luis Manzano on wedding announcement with Angel Locsin: "It can be this year, it can be next year.”

Luis Manzano explains why Angel Locsin has not been seen lately: “She’s enjoying peace and a quiet life... ang tagal niyang nawala sa social media, na-enjoy niya. Kumbaga, na-enjoy niya na ’di siya showbiz."


Kinumpirma ni Luis Manzano na nabanggit na niya sa amang si Edu Manzano ang tungkol sa balak nila ng kasintahang si Angel Locsin na magpakasal.

Ngunit paglilinaw ng Kapamilya TV host-actor, wala pang detalye ang balak nilang ito.

Sabi ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala... wala pang napag-uusapan.

"Alam naman nila na we’re at the right age... pero yung details kung kailan, saan, wala pa.

"Dahil kahit ako, ’di ko pa alam.

"Oo, I was talking about the future na malapit na akong mag-settle down.

"Pero yung, ’Daddy, this is what I’m going to do, we’re going to pass this application this month,’ wala pang ganun.

“Ang gusto ko sana, kung mayroon unang makakaalam, it will be my fiancée, Angel.

"Ayokong ipi-preempt mo, ’Malapit na, malapit na...’ Kung mangyayari, mangyayari.

"Ang gusto ko, siya ang unang makaalam.

"Siyempre, kailangan kong magpaalam sa parents namin kung saka-sakali.

"Pero ’pag sinasabi mong announcement, gusto ko siya ang unang makaalam."

CONGRATULATIONS. Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Luis sa sunud-sunod na showbiz engagements; gaya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Wala ba silang balak ni Angel na sumunod sa mga ito?

Saad ni Luis, “Well, congratulations sa lahat ng na-engage.

"But that’s not a reason to jump in the same pool.

"Ako, we have our own timeline, hindi namin kailangang makisabay kahit kanino.

"Basta congratulations and best wishes sa lahat ng nae-engage.

"Gagawin din namin ang timeline namin kung kailan feeling namin comfortable kami na ma-engage.

"Sa lahat ng kailangan naming gawin, sa mga kailangang tapusin naming gawin.

“It can be this year, it can be next year.”



WHERE’S ANGEL? Kinumusta rin namin kay Luis si Angel, na hindi gaanong visible ngayon sa telebisyon at maging sa ilang showbiz gatherings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “She’s enjoying peace and a quiet life.

"For a while, ang tagal niyang nawala sa social media, na-enjoy niya.

"Kumbaga na-enjoy niya na ’di siya showbiz.

"Grabe nung magtrabaho sila ng Legal Wife, ’di ba? Nabugbog siya, nangarag.

"Gusto niya munang i-detach ang sarili niya from show business, from social media.

"Yung Instagram niya, last post was nung nag-ice bucket challenge kami.

"Ang tagal nung last... she’s enjoying being a regular person.

"Si Angel, ’pag nagtrabaho ’yan, talagang puspusan.

“Give her some space, sa mga fans na nakaka-miss sa kanya."

Dagdag niya, "Sa bahay lang siya, kasama mga kaibigan, pumupunta sa mga home depot, mag-grocery.

"Date... in fact, after this interview, magde-date kami.

"Mas may oras siya ngayon, ako naman ang medyo busy ngayon, nagkapalitan lang kami.”

Pinaghahandaan din daw ngayon ni Angel ang pagsasapelikula ng Darna.

"Nagpapakundisyon din siya.

"I think magsisimula din siya ng isang movie pa yata.

"’Di ko alam kung tuloy, pero nadaanan niya yata yung sequence treatment ng movie na dapat sila with my mom [Vilma Santos].

"Hanggang dun pa lang, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari dun."

ICE BUCKET CHALLENGE. Nabanggit na rin lang ni Luis ang tungkol sa ALS Ice Bucket Challenge, sinagot niya ang batikos na nakikisakay lang daw sila ni Angel ngunit hindi raw naman nila talaga alam kung ano ang layunin nito.

Kuwento niya, “Ginawa namin siya sa bahay ko, 11 P.M., kaya sobrang lamig.

"Madami, pero ang pinaka nag-nominate sa akin were Bianca Gonzalez and Anne Curtis.

"Si Anne ang nag-nominate sa amin as a couple.

“Ako, I posted on my Facebook page na, ’Sana if you gonna do the ice bucket challenge or magdo-donate kayo, you know why.’

"Yun lang naman ang sa akin... sana alam din ninyo kung bakit ninyo gagawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ko lang naman na-post yun, pinost ko rin yun sa Twitter ko, in regards to the ice bucket.

"Honestly, may nakita din ako na sinasabi pa, ASL, nung pinapanood ko yung video... parang, ’Bakit ninyo pa gagawin kundi ninyo alam kung para saan?’

"Puwedeng mag-donate ka o hindi, basta you create awareness.

"Kung ayaw mo mag-donate, okay lang, pera mo ‘yan.

"Pero if you gonna do it, do it the right way, to bring proper awareness.

"Kung hindi mo magawa, at least maybe yung person na makakapanood sa iyo, siya yung magdo-donate."

THE VOICE. Samantala, bagamat halos katatapos pa lamang ng The Voice Kids ay magsisimula nang muli ang panibagong season ng The Voice Philippines.

Masayang ibinalita ni Luis na makakasama siya rito ni Toni Gonzaga bilang host.

“Magsisimula na uli kami sa The Voice, kami ni Toni ang hosts.

"Kasama pa rin namin si Alex Gonzaga saka si Robi Domingo.

"Si Toni ang talagang nauna sa regular season ng The Voice, nag-The Voice Kids ako, nauna siya.

“First time kong makakasama si Toni sa ganitong klase.

"I think it will be very exciting, sobrang excited.

"Naranasan ko na ang The Voice Kids. Iba ang atake ’pag medyo mas matanda, puwede naming kulitin talaga.

"Puwedeng maging mas brutal nang kaunti on our part.

"’Pag sa bata, sobrang ingat talaga."

Proud na proud naman si Luis sa kasikatang tinatamasa ngayon ng Top 4 ng The Voice Kids—sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, at Darlene Vibares.

Sabi ni Luis, “We’re very proud of all the kids.

"Ibang klase ang following ng Top 4 ng The Voice Kids.

"It goes to show na iba talaga, puwede talaga silang ipagmalaki sa buong Pilipinas at sa buong mundo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN