Jodi Sta. Maria says Be Careful With My Heart is worth sacrificing other projects

Jodi Sta. Maria brings her son Thirdy to the set of her television show so he knows where she is when she’s not home. She is relieved that despite the exposure, Thirdy has not shown any interest in acting.


Hindi raw alam ni Jodi Sta. Maria kung kailan matatapos ang pinagbibidahan niyang daily morning series, ang Be Careful With My Heart, dahil wala pa raw sinasabi ang ABS-CBN management tungkol dito.

Mahigit dalawang taon nang tumatakbo sa ere ang seryeng ito.

Saad ni Jodi, “Hanggang sa tinatangkilik at maraming nai-inspire ang programa, bakit naman natin hindi ipagpapatuloy at ibigay ang gusto ng nakakarami?”

Ibig bang sabihin ay worth na isakripisyo ang ibang opportunities, gaya ng paggawa ng pelikula o bagong serye para sa Be Careful With My Heart?

Sagot ng Kapamilya actress, “Kasi we’re committed to this project.

"When I said yes to this, yung time ko talaga, nandito.

"Yung mga projects na hindi ko masasabay, ang lagi kong iniisip, maybe it’s not time for me to do a certain project or hindi ito for me.

“But eventually, after Be Careful With My Heart, I would able to do other things.”

May pagbabago ba sa kanyang personalidad na masasabing impluwensiya ng role niya bilang Maya?

Tugon ng aktres, “I learn from Maya because she’s very positive.

"Kapag binabasa ko yung script, sabi ko masyado na siyang positibo na paminsan hindi na posible.

“But then, what I’ve learned from her is a matter of perspective, how you see life and how you see things.”

Too good to be true nga raw si Maya pero sa tingin ni Jodi, "It is possible, her outlook in life is achievable.

"It’s a matter of choosing to be positive.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jodi sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Maria Leonora Teresa, noong Huwebes, September 4, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



GOODY-GOODY. Hindi kaya mahirap na matatak ang role ni Jodi sa Be Careful With My Heart dahil baka ito rin ang inaasahang makita sa kanya ng mga manonood? Na parang hindi siya puwedeng magalit at palaging prim and proper dapat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Well, ang akin lang naman kasi, when I’m out, I am myself, I don’t portray anyone.

"It’s the people who see Maya in me, yun ’yon, e.”

Nagagalit pa rin ba siya sa totoong buhay?

“Oo naman, nagagalit ako.

"Pero I think natuto na lang ako in time na piliin yung mga bagay na makakaapekto sa akin.

“Hindi naman lahat ng mga nagpapaapekto sa iyo, papatulan mo.

“You choose your battle.

“Kaya siguro hindi na rin ako yung konting bagay, naiirita, hindi.”

Hindi kaya nalilimitahan siya bilang aktres dahil kapag gumawa siya ng ibang role ay baka magulat ang mga nakaka-relate sa kanya bilang ang wholesome na si Maya?

Saad ni Jodi, “Si Maya ay isang role na pinu-portray ko.

"As an actor, may mga bagay ako na gusto kong gawin.

"Yun nga lang, kailangan din akong maging conscious doon sa mga roles na pipiliin ko.

“Yun na rin ang conviction ko sa sarili ko na yung next na gagawin ko, makakapag-impart ng good morals sa mga manonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN