Iza Calzado feels flattered being Piolo Pascual’s date for Star Magic Ball: “It’s like the king asking me to go with him to the Ball.”

Iza Calzado narrates how she ended up being Piolo Pascual’s date for Star Magic Ball: “Sabi niya kasi, ’Sino ang kasama mo sa Ball?’ Sabi ko, ’Basta kapag wala akong kasama, puwedeng magkasama tayo sa table?’ Sabi niya, ’Let’s just go together.’ Tapos ako, parang, ’Bakit hindi?’”


Ngayong gabi, September 6, gaganapin ang Star Magic Ball kung saan magsasama-sama na namang muli ang Kapamilya stars.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Iza Calzado ang magiging date ng leading man niya sa Hawak Kamay na si Piolo Pascual mamayang gabi.

Natatawang kuwento ni Iza tungkol dito, “Tinanong naman niya ako bago.

"Hindi naman biglang parang in-announce niya lang na Tuesday, parang si Iza Calzado, ’Ay, ako pala!’ Hindi naman ganun."

May naging parang proposal din ba sa kanya si Piolo na mala-Xian Lim at Kim Chiu na, “Will you be my date?”

“Ha? Wala, wala naman.

"Napag-usapan lang sa set kasi napag-usapan namin ang Star Magic Ball.

“I wasn’t sure kasi if I’m going to take Ben [Wintle, her boyfriend].

"Normally kasi, kapag mga showbiz gatherings talaga, I go alone.

“So, sabi ko sa kanya [Piolo], ’PJ, baka puwede naman tayong magkasama sa table.’

“Sabi niya kasi, ’Sino ang kasama mo sa Ball?’

"Sabi ko, ’Basta kapag wala akong kasama, puwedeng magkasama tayo sa table?’

“Sabi niya, ’Let’s just go together.’

“’Tapos ako, parang, ’Bakit hindi?’” natatawang kuwento ng aktres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa press conference ng bago niyang pelikulang Maria Leonora Teresa, noong Huwebes, September 4.



PRESSURE. Hindi naman itinago ni Iza na masaya siya na inaya nga siya ni Piolo na maging date nito.

Aniya, “May pressure, parang it’s like... I’m very honored and extremely flattered because it’s like the king asking me to go with him to the Ball.

“But at the same time, there’s some pressure.

"Like, Nadine Tengco, ’Magpapapayat ako this week, ha?’

"Biglang ako pala ang date ni Piolo Pascual!

“Parang biglang, I was okay, suddenly I’m his date, and now, oh my goodness!”

Nagpaalam naman daw siya sa boyfriend niyang si Ben Wintle na sila nga ni Piolo ang magka-date sa Star Magic Ball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Iza, “I told him. And sobrang blessed ko lang din siguro.

“Siguro dahil foreigner siya and he’s basically understanding guy.

"He said, ’Go if that’s best for you and for Piolo.’

"He’s very supportive.”

Paglilinaw pa niya, “Ang ibig kong sabihin, pumupunta ako sa mga showbiz gatherings na akong mag-isa.

"Biglang may date, ’tapos Piolo Pascual pa ang date.

"Okay! I accept the challenge."

BOYFRIEND’S NOT THE JEALOUS TYPE. Sa usaping selosan, naitanong kay Iza kung hindi ba talaga nakakaramdam ng selos ang boyfriend niya.

Natatawang sagot ng aktres, “Grabe ka naman! Pero hindi... hindi pa.

“Actually, never pa. Pagkakapehin ko nga para medyo kabahan.

“Nagdududa na nga ako bakit hindi. Parang hindi siya nate-threaten."

Patuloy niya, “No, he’s just a very understanding guy and he’s secure of our relationship.

“Alam din naman niya na sobrang crush ko si Piolo at alam din niya na isa itong pagkakataon na hindi basta-basta dumarating sa buhay ko or ng any ordinary woman.”

Sabi naman namin kay Iza, mas lalo palang may dahilan para magselos ang boyfriend niya dahil alam nitong crush niya si Piolo?

Biro naman ni Iza, “Kausapin niyo siya. Sabihin niyo magselos siya kay Piolo!”

At dahil sunud-sunod ngayon ang mga proposal, engagement, kasalan sa mga showbiz couple, natanong si Iza tungkol sa bagay na ito.

Pero nakangiting sabi niya, "Naku, magdi-date pa kami ni Piolo sa Saturday, huwag muna nating pag-usapan ang mga engagement at proposal."

At saka niya seryosong isinunod na, “No, no, matagal pa. It’s not yet time for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN