Bettina Carlos on real score with Raymart Santiago: “We are not in a relationship.”

Bettina Carlos on real score with Raymart Santiago: “Kami ay magkaibigan lang. May mga tao lang talaga na grabeng maglagay ng malisya at hindi mo rin naman maku-control ang reaction nila. Pero as far as we are concerned, we are not in a relationship.”


Walang sawa si Bettina Carlos sa pagpapaliwanag tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Raymart Santiago.

Ilang buwan na rin niyang patuloy itinatanggi ang mga bali-balitang sila na raw, o ’di kaya’y nagkakamabutihan na sila nito.

Kailan lang ay nabalita naman na diumano’y nagli-live-in na raw silang dalawa.

May ilang netizens na nag-conclude agad dahil daw sa parehong background ng mga litratong nai-post nila sa kani-kanilang Instagram accounts.

Mabilis namang paliwanag ni Bettina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I have two houses.

“Dala-dalawa ang bahay ko, hindi ko na kailangan ng isa pang bahay. I have my own house.

"I don’t know where the rumors begin.

"Kahapon lang, ang tsismis, may something.

“Ngayon, live-in na, grabe ang allegation!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa presscon at launching niya, kasama ang anak na si Gummy, bilang endorsers ng Indomie Instant Noodles, noong Huwebes, September 4, sa Annabel’s restaurant sa Quezon City.

LIVING-IN ALLEGATIONS. Yung bahay na sinasabing parehong background sa picture nila, condo raw yun ni Raymart kunsaan inimbitahan silang mga taga-Villa Quintana.

Kuwento ni Bettina, “Actually, yung kinukuhanan ko, yung anak ko.

"He [Raymart] doesn’t want to expose where he lives. I don’t know for what reason.

"Siyempre kami, bilang bisita, nakakahiya naman kung picture kami nang picture sa bahay kung yung tao nga mismo, hindi naman nagpi-picture nang ganun.

“E, ako naman, wala naman akong intention. Yung pini-piktyuran ko yung anak ko na may hawak na pet.

"’Tapos, live-in na. I don’t know nga how to put into words how to react.”

GOOD FRIENDS. Napag-uusapan ba nila ni Raymart ang mga isyu sa kanila?

“Hindi. Ano ang pag-uusapan namin?” natatawang sabi niya.

Masasabi niyang malapit nga sila sa isa’t isa?

“We are friends. As to the degree of closeness, hindi ko alam how close is close. Pero we are good friends,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw naapektuhan si Bettina kahit nga hindi namamatay ang isyu sa kanilang dalawa ni Raymart.

Kahit paano, sanay na raw siya sa mga intriga at isyu sa showbiz.

“Alam naman namin na wala naman talaga.

"Hindi na rin ako bago rito. Ilang taon na ba ’ko... ten, eleven years na ’ko sa industry na ’to.

“May mga times talaga na nabibigyan ng kulay ang ginagawa mo. Yung mga ginagawa niyo, sinasabi niyo.

“Yung mga ganun, we just laugh it off, there’s really no truth to that.

"Although ngayon, parang medyo nakakaano na siya na parang, ’No, no,’ puro ganun kami.

“Kaso, natatanong pa rin. Siyempre, hindi ka naman puwedeng magsungit.

“Baka kapag nagsungit ka, sabihin totoo ‘to, ganyan.

"So we just politely say na, ’Wala po, wala po.’"

May nabago ba sa relasyon nila ni Raymart simula nang matsismis sila?

“Hindi, ganun pa rin. Friends lang naman talaga kami,” giit ni Bettina.

NOT COOKING FOR RAYMART. Mas natatawa si Bettina sa isyung pinagluluto raw niya si Raymart.

“Wow, kung magaling akong magluto, salamat.

"Pero nagbi-bake ako. Hindi ko rin siya pinagbi-bake.

“Pero mahilig kasi akong nagdadala sa taping.

"Kapag non-taping days, nagbi-bake ako. The next day, palagi akong may dalang sobra.

"I share it with everyone. Hindi lang sa kanya.

“At saka siya, dahil matanda na raw siya, ingat na raw siya sa pagkain ng matatamis. So hindi rin siya ganun kahilig,” paliwanag ni Bettina.

NOT CLOSING DOORS TO ANYONE.” Kung sakali at ligawan nga siya ni Raymart, posible bang magkagusto siya rito?

Saad ni Bettina, “Naku, ‘yang mga kung sakaling question na ‘yan ang mga tricky.

“Kasi ako naman po, kahit sinong lalaki ang itanong niyo sa akin, I would always say, I am not closing my doors to anyone dahil ang tadhana ko po, hindi ko hawak. Hawak ‘yan ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s a matter of who will come along, sino ang maglalakas ng loob. Kanino titibok, ganun.

“Pero kung sa kanya, siyempre po, I completely understand the situation he’s in.

“Yung sa mga anak niya, sa marriage niya, and I don’t want to really meddle in something that I know is dangerous,” pahayag niya.

Sinabi nga niya, kung sakali, annulment muna?

Paglilinaw ni Bettina, “I’m saying that in general, ha?

"I’m not saying na it’s like I’m threatening or provoking.

“Kasi nakakatawa, it’s just a far cry from manliligaw sa biglang live-in ang issue.

"Puwede bang backtrack tayo nang konti?

“Puwede bang bago mag-live-in, magligawan muna, mag-syota muna, magka-annulment muna?

"Kasi, it’s a process.

“Hindi po siya ganoon kadali, matanda na rin ako!” biro pa niya.

DEALING WITH BASHERS. Kung mababasa ang Instagram ni Bettina, may ilang tila namba-bash sa kanya.

Kaya tinanong ito kung may natatanggap din ba siyang pamba-bash mula sa kampo ng nakahiwalayang asawa ni Raymart na si Claudine Barretto.

Sabi naman ni Bettina, “None that I know of, pero kanina lang, may sinabing live-in, live-in daw.

“I don’t know where it’s coming from and I don’t want to assume that it’s from her.

"Because I don’t know her naman and I don’t want to conclude or judge people for what they are or what they say or even coming from them.

“Kasi wala naman akong katibayan at saka, kung wala namang katotohanan ang sinasabi nila, will I waste my time thinking about it or being bothered by it?”

Wala namang nang-aaway sa kanya?

“Wala naman pong rason na awayin ako,” sabi niya.

Ano ang nararamdaman niya na dyina-judge na siya agad na may relasyon daw sila ni Raymart at pati ang personal faith niya bilang isang Kristiyano ay kinukuwestiyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Bettina, “Ako, yung katulad nga ng sinasabi nila na live-in, ako po ay hindi para kumapit sa ganyan.

"Siyempre po, ako po ay nananalig na bibiyayaan ako ng tao sa tamang pagkakataon.

“Kami po ay magkaibigan lang talaga. Masyado namang nagko-conclude ang mga tao porke’t inaasar lang.

“I mean, I don’t wanna fan the flame. That’s why we keep on saying, there’s nothing, there’s nothing.

“Kami ay magkaibigan lang.

"May mga tao lang talaga na grabeng maglagay ng malisya at hindi mo rin naman maku-control ang reaction nila.

“Pero as far as we are concerned, we are not in a relationship.”

LIFE AS SINGLE MOM. Matagal na rin siyang single mom, kaya naitanong namin kay Bettina kung hindi ba siya nag-e-entertain talaga ng mga manliligaw.

Aniya, “I don’t go out. How will I meet people?

“Ang buhay ko po, ang trabaho ko, ang anak ko. Ang mag-bake.

"Ang best friend ko ay oven, mixer ko. So, ako ay nakatira sa kusina na.

"Siguro darating lang ’yan ’pag na-settle na ’ko or kung may itakda ang Diyos sa akin na kahit gaano ka ka-busy, kayang mag-adjust sa ‘yo.

“O kaya yung bibigyan ka ng oras or kaya mong bigyan ng oras.”

Ang ama ng anak ni Bettina ay non-showbiz. Six months old pa lang daw si Gummy nang maghiwalay sila. Pero simula raw noon, wala na silang naging komunikasyon.

Hindi ba niya ito inoobligang suportahan ang anak?

Sagot niya, “Ako, hindi para ako manghingi ng suporta.

"Bakit ako hihingi ng bagay na meron ako?

“Kasi, kaya ko yun, e.

"In terms of pagpapakilala, darating tayo diyan.

"Kapag nagtanong na ang anak ko, kapag malaki na siya.

“Hindi ko yun puwedeng itago sa kanya kasi, number one, matalino ang anak ko.

“Pangalawa, ayokong maging rason yun kung anuman ang galit ko sa tatay niya dati para hindi maging buo ang pagkatao ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hahanapin niya yun. Hindi niya alam kung sino yun.

"Ako, ibibigay ko yun sa anak ko.”

DEALING WITH GUMMY’S “DADDY ISSUES.” May pagkakataong hinanap na ng anak niya ang daddy nito?

“Hindi pa, pero merong time na tinanong siya ng isa pang bata kung nasaan ang tatay niya.

"At ang ibinigay niyang pangalan, pangalan ng kapatid ko. ’Tapos, nag-walkout yung anak ko.

“Sabi ko sa friend ko, si Cheska [Garcia-Kramer] ‘to at saka si Kendra [Kramer, Cheska’s daughter].

"E, ang mga bata, wala namang malisya sa ganyan.

“Nagba-Bible study kami [ni Cheska].

“Sabi ko, ’Check, pakisabihan ang anak mo, kung anu-ano ang tinatanong sa anak ko, ha? Tinatanong kung sino ang tatay!’” natatawang kuwento niya.

“Sabi ni Check, ’Ha?!’

“Siyempre, sa akin, wala lang yun. Pero turning point yun sa akin.

"Since ang tinanong, sino ang papa, e, ang tawag niya sa kapatid ko at sa daddy ko, ’Daddy.’

“Kailangan pala may papa. So, simula noon, ang daddy ko, naging papa.

"Para kapag may nagtanong, sinong papa mo, may isasagot siya.

“Pero huwag nang tanungin kung sino ang tatay mo baka hindi na niya masagot!” natawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN