Camille Prats happily in love with non-showbiz boyfriend; renews contract with GMA Network

Camille Prats on finding love once more after the death of her husband Anthony Linsangan more than a year ago: “At the end of the day, I didn’t cheat on anyone—I didn’t hurt anyone. I did my part with my late husband. He’s moved on and I have accepted that. For a time, I never actually thought I’d be able to move on. So when I finally did, it also struck me as a surprise. I prayed about it and I prayed about it a lot.&rdquo


New look ang actress-TV host na si Camille Prats dahil sa kanyang short hair na may pagkakahawig sa hairstyle ng Hollywood actress na si Shailene Woodley, ang female lead sa phenomenal hit movie na The Fault In Our Stars.

Nagpagupit daw si Camille para sa sisimulan niyang bagong teleserye sa GMA Network na pinamagatang Second Chances.

Makakasama rito ni Camille sina Jennylyn Mercado, Luis Alandy, at Rafael Rosell. Si Laurice Guillen ang direktor nito.

Ang huling teleserye ng aktres ay ang The Borrowed Wife na noong nakaraang May pa natapos.

CONTRACT RENEWAL. Sa naganap na contract signing niya sa GMA Network Center last September 2 ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille.

Masayang-masaya si Camille dahil muli na naman siyang pinagkatiwalaan ng Kapuso network na maging exclusive talent nila.

Three years ang kontratang pinirmahan ni Camille at present sa kanyang contract signing ang mga big boss ng GMA na sina GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Entertainment Marivin T. Arayata, GMA Assistant Vice President for Drama Cheryl C. Sy, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi S. Lara, GMA Artist Center Assistant Vice-President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, at ang kanyang manager na si Arnold Vegafria.

Ten years nang Kapuso si Camille.

Lumipat siya sa GMA mula sa ABS-CBN noong 2004.

Nabigyan siya ng magagandang roles sa malalaking teleserye ng network ’tulad ng Captain Barbell, Super Twins, Gaano Kadalas Ang Minsan?, Ikaw Sana, Bantatay, Luna Blanca, Munting Heredera, Bukod Kang Pinagpala, at The Borrowed Wife.

NEW CHALLENGES. Hindi lang sa mga teleserye naging busy si Camille kundi pati sa pag-host ng morning variety/talks show na MARS with Suzi Entrata-Abrera sa GMA News TV.

Saad ng dating child star, “Happy ako kasi ever since naman po, I’ve been very happy with my home network, and happy din ako sa mga shows na they’ve been giving me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Most of them are really very challenging, especially itong Second Chances.

“I had to cut my hair short for this role. I took it as a really good challenge.

“Plus I’m working with Direk Laurice Guillen and a really, really good ensemble cast, so very, very happy and excited.

“’Tsaka ngayon, parang ang sarap din sa feeling na you’re still part of the network where I’ve been staying for the past years.

“So, I’m very happy talaga where I am now, and I’m glad na mayroon ulit akong pagkakataon na magawa yung gusto kong gawin, which is acting.”



OPEN WITH LOVELIFE. Very open na si Camille sa kanyang lovelife ngayon.

Isine-share na nga niya ito sa social media, kunsaan ang kanyang personal accounts ay puno ng mga litrato niya at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si John Yambao.

Naikuwento na ni Camille noon na childhood friend niya si John at classmates sila sa grade school.

Naka-base sa U.S. si John noong muli silang mag-reconnect ni Camille, via Facebook, noong December 2012.

Si John daw ang muling nagpatibok ng puso ni Camille pagkatapos niyang mabiyuda noong 2011 dahil sa pagpanaw ng kanyang husband na si Anthony Linsangan dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.

NO WEDDING PLANS YET. May isang taon na ang relasyon ni Camille kay John, at inamin ng aktres na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

Saad niya, “We talk about it, but no final details yet.

“Let’s face it, I’m not getting any younger. I just turned 29 last June.

"So, when we enter into a relationship, we plan for something more than that."

Hindi naman itinago ni Camille na noong mabiyuda siya ay parang natakot na siyang magmahal ulit dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang mister.

“Noong natanggap ko na yung nangyari sa late husband ko, na-realize ko na hindi dapat mag-suffer yung sino man na darating sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have to give this whole thing a different point of view, a different perspective.

"And I don’t think he has to suffer the things that I had to go through, kasi it’s unfair."

MOVING ON. Wala naman daw naging problema sa in-laws ni Camille ang muli niyang pagkakaroon ng bagong pag-ibig.

“They know that they won’t be able to stop me from moving on just as long as I keep my relationship with them.

“At the end of the day, I didn’t cheat on anyone—I didn’t hurt anyone.

“I did my part with my late husband. He’s moved on and I have accepted that.

“For a time, I never actually thought I’d be able to move on.

"So when I finally did, it also struck me as a surprise. I prayed about it and I prayed about it a lot.

“So far, it’s been good,” pagtatapos pa ni Camille.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN