JM de Guzman revives showbiz career via Hawak Kamay

JM de Guzman on his biggest lesson after overcoming his drug problem: “Siguro, para sa akin, ’pag bumagsak ka man, okay lang, basta bumangon ka uli. Huwag kang manatili doon sa ibaba.”


Matapos ang matinding pinagdaanan ni JM de Guzman sa kanyang buhay dahil sa pagkakalulong niya sa droga at napunta sa rehab, handa na siyang muling magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng teleseryeng Hawak Kamay kasama sina Piolo Pascual at Iza Calzado.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press kay JM sa taping ng Hawak Kamay sa isang condotel sa Timog Avenue, Quezon City, ay inilarawan ng aktor ang kanyang role.

“Ang magiging role ko po rito sa Hawak Kamay ay si Bryan, magiging daddy ko rito si Sir Tirso [Cruz III] at magiging half-brother ko si Piolo.

“Yung character niya ay medyo opposite sa character ni Piolo. Merong pinagdadaanan yung character ni Bryan sa teleseryeng ito.

“Sa konting pagkakaalam ko sa karakter namin ni Piolo rito ay magka-clash ang aming karakter.”

Dahil ito ang kanyang unang project matapos niyang mawala nang matagal, hindi ba siya nangailangan ng malaking adjustment para magampanan nang mabuti ang kanyang papel?

Sagot niya, “Ang nararamdaman ko ngayon, bukod sa excited ay sobrang kaba rin.

“Pero masuwerte pa rin ako na nabigyan pa po ako ng isa pang chance na makabalik sa pag-acting at makasama ang magagaling na actor, ’tulad nina Sir Tirso at Piolo.”

Ano naman ang naging reakiyon ni JM nang i-offer sa kanya ang Hawak Kamay, na kauna-unahan niyang project matapos ang mahabang panahon?

"Excited po talaga. Sobra!" bulalas niya.

“Actually, parang last month pa po nabanggit na baka sakali na maipasok po ako sa Hawak Kamay, pero wala pa po talagang assurance.

“So, kahapon, noong nai-text ako na mag-start na raw po akong mag-taping, ayun, talagang masaya po ako.”

ADJUSTMENT. Tinanong ng PEP si JM kung nahirapan ba siyang mag-adjust pagkatapos niyang ma-rehab.

Saad niya, “Noong mga first few weeks and first month, mahirap talaga, parang ang hirap mag-adjust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, okay na ako. Medyo nagiging kumportable na ako."

Inamin din ni JM na kahit may pagsisisi siya sa mga pinagdaanan niyang pagsubok, walang ibang paraan para tuluyan niyang malampasan ito kundi ang pagtanggap ng mga bagong hamon na magpapatibay sa kanyang pagkatao at ng kanyang talento bilang isang artista.

Aniya, “Dati po, merong regrets, pero ngayon medyo tinatanggal ko na yun, kasi parang hindi nakakatulong yun, e.”

CURIOSITY. Inamin din ni JM ang dahilan kung paano siya nagsimulang malulong sa droga.

“More on parang curiosity po, e, ’tapos napunta ako dun sa depression. Yun yung mga epekto niya siguro,” wika niya.

Ang pagkalulong niya ba sa droga ay dahil sa hindi niya na-handle nang mabuti ang kanyang kasikatan noong nasa “peak” siya ng kanyang career.

“Masasabi ko pong siguro nga isa yun sa dahilan,” pagsang-ayon niya.

Hindi naman ikinaila ni JM na naging malaking “learning experience” ang kanyang pinagdaanan.

Sabi pa niya, “Siguro, para sa akin, ’pag bumagsak ka man, okay lang, basta bumangon ka uli. Huwag kang manatili doon sa ibaba.”

APPREHENSIONS. Sa kanyang pagbabalik-showbiz, hindi rin ikinaila ni JM na nagkaroon siya ng pagdududa at takot.

Saad niya, “Yung fears, parang yun doon sa stigma ng tao, saka yung baka pag bumangon ka ay bumagsak ka uli.

“Isa pang fear ko ay yung failures and rejections.

“Actually, bago ko in-admit sa publiko na napagdaanan kong pagsubok na yun, hindi ko naisip yung stigma ng ibang tao, naramdaman ko na lang siya right after that admittance.”

Paano niya nasabing may stigma mula sa ibang tao noong mga panahong iyon? May mga kaibigan ba siyang lumalayo sa kanya? May mga negative comments ba siyang naririnig mula sa mga tao kapag siya’y lumalabas in public?

Sabi ni JM, “May mga hindi maiwasan na comments sa social network.

“Pero sa mga friends ko naman, wala naman iwasan na nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, lalo na sa family na hindi ako iniwan kahit anumang pagkakamali na ginawa ko."

Kahit na maraming nawala kay JM noong panahong iyon, ’tulad ng kanyang career, lovelife, ipinagmamalaki niyang hindi nawala ang kanyang pananampalataya.

“Faith! Yun lang siguro,” deklara niya.

Hindi ba nagkaroon ng duda si JM sa kanyang sarili na sa muli niyang pagbalik-showbiz ay baka hindi na siya tanggapin ng kanyang mga fans?

Ani JM, “May araw po na ganun, na pakiramdam ko at sinasabi ko sa sarili ko na…’Wala na ito!’

“Pero may araw na may hope ako na siguro naman na tatanggapin pa rin ako.

"Actually, kagagaling ko lang sa rehab two days ago, actually tuluy-tuloy pa rin yung treatment.”

Dahil sa kanyang second chance, malaki ang pasasalamat ni JM sa ABS-CBN.

“Thankful ako, sobrang thankful, kasi binigyan nila ako ng chance na makabalik at ng second chance,” sabi niya.

WELCOME HIM WITH OPEN ARMS.” Natanong din ng PEP ang co-star ni JM sa Hawak Kamay na si Tirso Cruz III kung anong suporta ang ibinibigay niya sa nagbabalik na young actor.

Ayon kay Pip, “Ako kasi, sa ganyang sitwasyon, marami na akong napagdaanang ganyan sa mga kaibigan at kakilala ko.

“The only thing that you can do is extend your help talaga to them.

"Kasi, nobody wants to be in that position. Wala naman sigurong ginusto ang mapunta doon.

“Sabi nga ni JM, curiosity lang kung bakit niya nagawa yun, or maybe peer pressure din sometimes kaya nadadamay ka.

“’Kala mo sa una okay lang at kaya mo ito, after awhile, yung denial na.

“Ang best para sa akin diyan ay let’s welcome them with open arms, huwag mo silang husgahan at shove them away.

“Kasi may feeling sila na akala nila pinag-uusapan siya.

“Sabi nga sa Bible, ’He who has no sin, cast the first stone,’ ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago ka magbintang, tingnan mo muna yung sarili mo, na perpekto ka ba?

“Bahagi ng buhay ang dumaan sa matinding pagsubok. Trial lang ’to, e, in a different form. It’s just a trial.

“Lalo na kami, napakaliit ng mundo ng telebisyon at pelikula. Dapat kami kami mismo ang nag-aalalayan.

"’Tulad ng teleserye kung saan nandito kami pareho… so Hawak Kamay. Bring him back, kasi sayang yung talent niya, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN