Mayor Herbert Bautista reveals plans for QC filmfest; stays mum on Kris Aquino

Mayor Herbert Bautista does not regret marrying any of his past girlfriends: “Talagang I have to go through the same process siguro in my life. Of course, it’s not going to be a good example for the youth. But you know, at the end of the day, life is a tragedy. Talagang dadaan ka sa ganyang klase ng panahon sa iyong buhay.”


Nagkaroon ng Part 2 ang pa-get-together ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ilang miyembro ng entertainment press sa events place ni Mother Lily Monteverde sa Valencia, Quezon City, para naman sa may mga kaarawan mula October hanggang December.

Ginanap ang pagdiriwang na ito noong Sabado, September 6.

Dito napag-usapan ang maraming proyekto na magaganap sa Quezon City kaugnay na rin ng ika-75 anibersaryo ng lungsod.

Isa na rito ang pagkakaroon ng Quezon City International Film Festival sa November.

Ayon kay Mayor Herbert, “Ang Quezon City International Film Festival po is big.

“It’s under the Film Development Commission at inilagay po natin ito sa pamamahala ng ating Vice Mayor na si Joy Belmonte. November na po ito.

“Pero prior to that, meron pa pong Quezon City Miss Jubilee kasi... Quezon City is celebrating its 75th anniversary.

“So, on September 15, meron po tayong Miss Diamond Jubilee o Miss Quezon City Pageant. Maganda ‘to.

“Then, after that, October, yung actual anniversary ng Quezon City and then, Quezon City International Film Festival in November.

“So, sunud-sunod po ang activities and then, Christmas, mas marami pa po tayong activities nun.”

SHOWBIZ-RELATED ACTIVITIES. Dito naipakita ni Mayor Herbert na kahit gaano man siya kaabala sa kanyang tungkulin sa gobyerno, hindi pa rin niya nakakalimutan ang mundong pinanggalingan niya—ang entertainment industry.

Napapahalagahan pa rin niya ito sa pamamagitan ng pagpasok ng showbiz-related events sa mga aktibidad ng lungsod.

“Well, ang Quezon City kasi, sabi nga ni Kuya Germs, it’s the City of the Stars.

“Most, if not all the stations and movie production outfits, can be found in Quezon City.

“And ang turismo ng mga Pinoy, kahit na balikbayan, ’Saan ba ‘to? Manood tayo sa ganitong istasyon, sa ganitong TV show.’

"That’s part of domestic tourism and we intend to develop as many destinations in Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From Channel 7 to ABS-CBN, yung parang Hollywood Boulevard ang gagawin diyan.

"The House Speaker [Feliciano Belmonte Jr., who was former mayor of Quezon City] invested already yung pagpapagawa ng kalye, kami naman yung design.

“Nakikipag-usap na kami sa mga private sectors na maging partner namin sila.

"Kung halimbawa, ukay-ukay ng isang artista o ilang events ng artista, doon gagawin.

“These are the things that we intend to do,” detalye pa niya.

PLANS TO VISIT BONG AND JINGGOY. Sa isang banda, kahit miyembro siya ng Liberal Party, gustong ihiwalay ni Herbert ang relasyon niya sa dalawang senador ng bansa na ngayon ay naka-detain pa rin sa Camp Crame dahil sa pagkaksangkot diumano ng mga ito sa pork barrel scam—sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada.

Gusto raw niyang madalaw ang mga ito.

“Last week ko pa gusto [dalawin], but marami pa kasing inaayos. ’Tulad nitong traffic-traffic.

"Pero hopefully, by September, mapuntahan ko rin.”

Sabi pa niya, “Si Presidente Erap [Joseph Estrada], unang-una kong pelikula, sa kanya, with Celeste Legaspi.

“Nandoon din, pumupunta rin noon si Jinggoy noong mga panahon na yun.

"Kaibigan ko sila. Kalaro ko sila sa KAPP sportsfest.

"Kapag mga birthday nila, nag-iimbitahan naman kami.

“Si Bong, ganoon din. Madalas kaming nagkakausap.

"So, I don’t think the party would think... na bakit ka dadalaw diyan.

"Si Manong Johnny [Enrile], matagal ko na rin kakilala.

“Tutal, si Secretary Mar [Roxas] naman is President of the Liberal Party, I belong to the Liberal Party.

"Siya naman ang may hawak ng PNP. Nasa ilalim niya ang PNP, so sa kanya ako magpapaalam.

“Sasabihin ko, ’Sec, dadalawin ko ang mga barkada ko dun, ha?’

“Wala namang masama.

"Sabi nga ng Panginoon, ’Noong ako’y may sakit, dinalaw Mo ako. Noong Ako’y nakakulong, dinalaw Mo rin ako.’ ‘Di ba?

"Sa palagay ko, hindi naman masama yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ni Herbert na sa 2016, plano na niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon—ang pagiging senador.

Sabi niya, “Wala pa, isa pa tayo. May isa pa tayong term at tatapusin natin ang last term.”

CONDOLING WITH THE EIGENMANNS. Nang magkaroon naman ng get-together para sa yumaong aktor na si Mark Gil sa chapel ng La Salle Greenhills noong Miyerkules, September 3, isa si Mayor Herbert sa nakiramay sa Eigenmann family.

Ayon sa actor-politician, naging malapit din sa kanya ang namayapang actor at saka nga niya naikuwento na may pelikula siyang pinaplano.

Saad niya, “Amazingly, when I got there, the whole family was there.

"I got to work with the mother, si Rosemarie Gil, kababata nila Papa si Mr. Eddie Mesa.

“And then, of course, I got to work with Ralph [Eigenmann, real name of Mark Gil] and that was the first time I got to see the kids.

“I know Ryan [Eigenmann] but I don’t know Sid [Lucero, who are both nephews of mark Gil].

"And it’s nice that these children are the new batch of actors and actresses in the industry.

“Yung mga seniors, they were able to introduce me to them.

"I guess, personally, I feel bad about the loss but I also feel happy because kumbaga sa ano, ’Inihahabilin ko na sa ‘yo mga anak ko, mga pamangkin ko.’

“And then, si June Rufino was there because she was the manager of Ralph.

“I got to talk to her because the evening before I went to the wake, si Vincent del Rosario texted me.

"Sabi niya, ’O, baka gusto mong tuloy yung co-prod natin. Yung Anne Curtis, Heart [Evangelista] at saka Maricel [Soriano]?’

“Sabi ko, ’O sige po, kasi kaklase ko si Vincent [del Rosario].

“Si Harlene [Bautista] ang kausapin.

"So, the day after that, tinawagan na pala ni Vincent si June Rufino. June is connected to Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So when I got there, kami ni Harlene ang magkausap.

"Tatapusin ko lang ‘to but, of course, I’m looking forward to that project.”

TIGHT-LIPPED ABOUT KRIS. Kung sa unang get-together ni Herbert para sa mga miyembro ng entertainment press, noong August 23, ay naging relaxed at open siya sa panayam, kahapon ay naging mas maingat na siya sa pagbibitiw ng salita o anumang pahayag tungkol kay Kris Aquino.

Nag-react kasi si Kris na may “spokesperson” daw pala siya sa katauhan ng Quezon City mayor.

Kaya nakangiting sabi na lang niya, “Naku, ayoko nang magsalita. Baka ako ay... narinig niyo naman ang reaksiyon noong nakaraan.”

Pagkatapos maglabasan ang isyu na namagitan sa kanila ni Kris, tila natuldukan na ang hindi nila pagkakaayos nang mag-guest siya sa Aquino and Abunda Tonight.


Read: Kris Aquino teases ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista: "Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang…"

Pagkatapos ng naturang interview, nabalik ba yung dating friendship nila?

Sagot niya, “Not [like it] used to be, hindi na ganun kadalas.”

Aminado naman si Mayor Herbert na may mga anak siya at bukas pa rin ang komunikasyon niya sa mga ina ng mga anak niya.

May pagsisisi ba siya na wala siyang pinakasalan?

Aniya, “Not marrying anyone of them? Wala naman akong regret.

“Talagang I have to go through the same process siguro in my life.

“Of course, it’s not going to be a good example for the youth.

"But you know, at the end of the day, life is a tragedy.

“Talagang dadaan ka sa ganyang klase ng panahon sa iyong buhay.”



KIDS, FIRST PRIORITY. Ayon kay Mayor Herbert, ang mga anak niya talaga ang kanyang prayoridad.

Sabi niya, “It’s my children, actually.

"Siyempre, if you see, pamangkin, inaanak, you see them hurting."

Pero nilinaw ni Herbert na magbabakasyon talaga sa Amerika ang mga anak niya kay Tates Gana at hindi dahil nag-react ang mga ito sa relasyon nila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang they were supposed to leave. Nauna lang na lumabas yun at nasaktan silang talaga.

"I felt bad about that. I’m sorry... I said sorry to my children. On both sides. Nangyari iy0n.”

Sila ni Tates Gana, ina ng mga anak niya, kumusta ang relasyon nila?

“We’re friends, e. We’re not living in together for the longest time.

“But katulad nga ng sinabi ko, katulad ni Eloisa [Matias], we’re not living-in together.

“But if there are some issues that I want to talk about, I consult them.

"And they still give me the ball that I need and that’s good.

“That’s what I want actually, [one] who can show me the different side of things.”

ON PNOY. Pagkatapos ng nangyari sa relasyon nila ni Kris, kumusta ang relasyon niya sa kapatid nito na na sui Pangulong Noynoy Aquino, na kapartido niya sa Liberal Party? Hindi ba ito naapektuhan?

“Hindi naman,” sagot ni Mayor Herbert.

“Noong SONA, nagkita kami. Sa isang meeting, nagkita kami. Sa October 21, magkikita kami.

“When I go to New York, he’s also going to be there for the United Nations. I was invited also. Baka magkita rin kami.”

Napag-usapan ba nila ni PNoy si Kris?

“Wala, gaganun lang sa akin yun, alam niyo yun. Normal na tao rin lang.

"It just so happened that he’s the President and I’m the Mayor. Pero pareho lang, e.”

WEDDING PLANS. Posible bang magpakasal din siya sa babaeng sa tingin niya ay puwede niyang makasama habambuhay?

Sagot niya, “Hihintayin ko si Bossing [Vic Sotto]. Kapag si Bossing, e..."

Nakangiting dugtong pa niya, “Si PNoy, kapag nag-asawa na rin.”

Kailangang mauna muna si PNoy at si Bossing bago siya mag-asawa?

Sagot niya, “Mga idols ko ang mga yun, e.”

Kung sakali, anong klaseng marriage proposal kaya ang gagawin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just a simple person. Baka nga wala na yung mga ganung-ganun.

"Baka nga elope. Chika lang na elope, yung feeling lang na in-elope mo,” biro pa niya.

May iba na ba siyang dine-date pagkatapos ni Kris?

“Wala, wala, e, no time,” nakangiti niyang sabi.



NO INSTAGRAM. Wala raw Instagram account si Herbert, pero mayroon daw siyang Facebook at Twitter accounts.

Pero kuwento niya, matagal na siyang may FB, pero kailan lang daw niya nabuksan itong muli dahil nakalimutan daw niya ang Facebook password niya.

Bakit wala siyang Instagram account?

“Wala, kasi natatakot akong mag-Instagram.

“Ayokong mag-Instagram kasi baka kapag nagkuha ko ay ini-upload ko, isipin naglalakwatsa lang ako.

"E, ‘eto, hindi naman lakwatsa ‘to. Baka isipin ng iba kung ano lang ang ginagawa ko,” paliwanag niya.

Wala ba siyang gustong i-follow sa Instagram?

“Wala, e,” sabi niya.

Minsan ay may nagpaparinig sa kanya sa Instagram, alam ba niya yun?

Aniya, “Hindi ko alam yun. Basta ako, Twitter, FB.”

Pero kapag may mga tila nagpaparinig, nagpapasaring sa kanya, paano siya nagre-react?

“Natatawa ako. I just laugh it off kasi that’s the nature of the friendship, e. Tawanan lang nang tawanan,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN