Rocco Nacino hands off on Lovi Poe-Direk Erik Matti issue: “Wala naman ako sa posisyon para mangialam.”

Rocco Nacino shares how he supports girlfriend Lovi Poe who has an issue with Director Erik Matti: “Ayun, pinatatawa ko na lang siya para gumanda yung mood niya. Pero ano, she’s quite confident about it... na maaayos rin ang lahat.”


Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa mga war scenes na lalabas sa bagong serye sa GMA-7 na pinamagatang Hiram na Alaala na pinagbibidahan nina Rocco Nacino, Kris Bernal at Dennis Trillo.

Kahit unang sabak ni Rocco sa mga mahihirap na action at gun shooting scenes, mas nakakaramdam raw ng excitement ang morenong aktor.

Saad niya, “Nag-i-enjoy kasi ako sa mga fight scenes, pagputok ng mga baril, pag-handle, pagdismantle and everything.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa studio ng Sunday All Stars o SAS kaninang hapon, sa GMA-7 compound.

BONDING WITH DENNIS AND KRIS. Kuwento niya, kaninang umaga lang daw natapos ang taping nila ni Dennis sa Nueva Ecija. Pero kahit na raw wala siyang tulog at dumiretso na siya sa SAS, masaya pa rin siya sa kanyang karanasan.

Nagkaroon na ba sila ng heavy scenes ni Dennis?

“Wala naman, mga bonding moments lang namin. Sa early part pa lang kami ng series. Getting-to-know stage pa lang kami,” kuwento ni Rocco.

Ikalawang beses na raw na nagkasama sina Rocco at Dennis sa isang serye. Ang una ay sa Gumapang Ka sa Lusak.

Mga bata pa raw sila ni Dennis noon kaya hindi sila masyadong nagkaroon ng pagkakakilanlan sa isa’t isa kumpara sa pagsasama nila ngayon.

Anu-ano yung mga bagay na nakilala ni Rocco kay Dennis?

Ani Rocco, “After Gumapang... naging magkaibigan kami, e. It’s still the way it is, how we are as friends.

“We talk about mixed-martial arts, about our scenes, sabay kaming nagti-training para sa mga eksena namin.

“It’s fun, we have a good relationship.”

Kumusta naman ang working relationship niya with Kris Bernal?

“Of course, it’s always good. Yung chemistry namin napakaganda,” pagmamalaki niya.

Paano nagsimula yung good working relationship at chemistry nila ni Kris?

“From Koreana, Time of my Life. Tapos, ’eto,” na ang binanggit niyang mga title ay mga seryeng pinagbidahan ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So we know how to feed each other’s emotions. Talagang gamay na namin ang isa’t isa.

“Kung paano kaming dalawa ni Dennis na, ’Uy, guys, I’m excited about working with you.’”

LOVI-DIREK ERIK ISSUE. Samantala, nasasalang ngayon sa isang isyu ang kasintahan nitong si Lovi Poe laban sa film director na si Erik Matti.

Diretsahang binatikos ni Direk Erik sa kanyang Facebook account ang Kapuso actress sa pagtanggi nitong gawin ang sequel ng Tiktik: The Aswang Chronicles.

Inilahad ni Direk Erik ang sama ng loob niya sa diumano’y pahirap nito sa production na tagpian ang partisipasyon nito sa mga unang parte ng pelikula.

Mapangahas at matapang ang mga salitang binitiwan ni Direk Erik.

Ano ang nararamdaman ni Rocco para kay Lovi sa isyung ito?

“I don’t wanna comment about it,” pakiusap niya.

Subalit, naglahad rin siya ng kanyang saloobin tungkol dito,

Ani Rocco, “Of course she’s special to me. I’m very upset. Pero alam ko maayos rin ’yang ano...

“Nagulat ako, but then maaayos rin ang mga ganitong bagay.”

Nasaktan ba siya para kay Lovi?

“Of course, pero she’s taking it well. Alam niyang maaayos rin itong lahat.

“Nandito lang ako para suportahan siya,” dagdag niya.

BEING THERE. Paano niya sinusupotartahan si Lovi maliban sa pakikinig sa kanya? Medyo matindi yung mga binitiwang salita ng kabilang panig.

Sagot ni Rocco, “Isa na rin yung being there for her.

“Yun nga yung napag-usapan namin na I have to keep mum about it.”

Paano niya pinasasaya si Lovi?

Saad niya, “Ayun, pinatatawa ko na lang siya para gumanda yung mood niya.

“Pero ano, she’s quite confident about it na maaayos rin ang lahat.”

Ano ang naging advice niya kay Lovi sa isyung pinagdadaanan niya ngayon?

“Ahm, I’d back her up always and I’m here to support her, listen to her. ’Pag malungkot siya, definitely I’m gonna be there to cheer her up,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDS OFF ON ISSUE. Mahirap sumawsaw sa hindi mo isyu. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw magsalita nang husto si Rocco para depensahan si Lovi?

“Yun nga, e. Kaya nga I don’t wanna say things. Wala naman ako sa posisyon para mangialam or to take action.

“So kung meron mang action... hindi dapat manggaling sa akin,” diin niya.

Sa palagay ba ni Rocco ay gumagawa rin ng hakbang si Leo Dominguez, ang manager ni Lovi, para maayos na ang isyu nila? Nabanggit rin kasi ang nasabing manager ni Lovi sa shout-out ni Direk Erik.

“Oo, of course, nasama yung pangalan ng manager niya. Hindi pa kami nag-uusap pero as a manager, I’m sure alam niya ang dapat gawin,” kampante niyang pahayag.

LOVI BONDS WITH ROCCO’S PARENTS. Sa kabilang banda, binanggit namin kay Rocco ang panayam namin sa kanyang parents na sina Mr. Ralph at Mrs. Linda Nacino.

Sa panayam ng PEP sinabi ng mag-asawa na tuwing Linggo ay nakakasama nila si Lovi para mag-simba at mag-dinner.

Pinatotohanan ito ni Rocco.

Sabi niya, “Yeah, it’s fun being all together, eating out and laughing and making fun of ourselves.

“It’s a nice way to cap off the day and finish the weekend.”

May conscious effort bang ginagawa si Rocco para malapit si Lovi sa parents niya?

“Ahm, hindi naman. Kumbaga, very easy flowing. Parang normal na yaya lang. Tapos sumasama siya, nag-i-enjoy lahat. Next na lakad hinahanap na siya. Mga ganun.

“Madali lang, wala namang effort na kailangan.

“I’m suwerte. I’m lucky na gano’n,” pagpapasalamat niya.

May ganito na bang sitwasyon sa mga dati niyang ka-relasyon, na malapit ang mga parents niya sa kanyang girlfriend? O first time itong nangyari with Lovi?

“Ahm, sila naman basta kung sino ang importante sa akin, very supportive sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They give their full support when I’m with someone.

“Pero yun nga, I don’t wanna compare my past relationships. I’m just happy na ganito yung support nila para sa aming dalawa,” wika niya.

FIGHT PROMOTIONS VENTURE. Maliban sa tapings, ang isa pang pinagkakaabalahan ni Rocco ay ang inorganisa nitong fight event.

Detalyeng lahad niya, “Nag-venture ako sa fight promotions, e. Me and my partner Chris Tan na kasama sa... kilala ninyo ito sa kabilang istasyon, kasama siya sa isang reality show.

“Yung partner, we put up this fight promotions company, Elorde Boxing Championship.

“Naging partner namin ang GMA-7 at Mall of Asia, and we’ll have a fight event on September 27.

“I’ve invited a lot of celebrities. Of course, si Dennis [Trillo]. Sinabi ko rin kay Lovi para sumama doon.

“Ang gusto kong dating sa mga tao ay mas modern, mas young para maka-attract ng younger crowd to promote boxing as a sport.”

Nag-imbita raw ng mga kilalang Pinoy fighters at isang light featherweight Japanese champion sina Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN