Solenn Heussaff not surprised by Derek Ramsay-Christine Jolly issue: “I knew certain things, siyempre.”

Solenn Heussaff, who was once involved with Derek Ramsay, says she wasn’t surprised when the Derek-Christine issue surfaced. “Hindi! Hindi ako na-shock. I mean I knew certain things siyempre. But it’s none of my business and I won’t comment on either side. Pero yun, sana they fix it, and you know, they just have to think na may bata involved ngayon.”


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Solenn Heussaff, napadako naman ang usapan tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Derek Ramsay at sa dati nitong asawa na si Mary Christine Jolly.

Sina Solenn at Derek ay nagkaroon ng relasyon noong 2003. Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nila, na ayon kay Solenn ay “on and off.”

Nagkakilala sila through common friends sa isang bar.

Seventeen lang daw si Solenn noon at hindi pa siya sumali sa showbiz.

Si Derek naman daw ay nagsisimula pa lang sa showbiz. Noong nagkahiwalay daw sila noong 2006 ay nasa Ang Panday na si Derek.

“Well for me, wala masyado [na comment].”

Na-shock ba siya noong nalaman niya ang tungkol sa isyu nina Derek at ng dati nitong asawa?

“Hindi! Hindi ako na-shock. I mean I knew certain things siyempre.

“But it’s none of my business and I won’t comment on either side. Pero yun, sana they fix it, and you know, they just have to think na may bata involved ngayon.

“So ang pinaka-importante yung bata.

“So the rest is history,” at tumawa si Solenn

MOVIE. Samantala, sa pelikulang Tiyanak, ang papel ni Solenn ay bilang girlfriend ni Tom Rodriguez na gaganap naman na kapatid ni Judy Ann Santos.

Pinakaunang horror movie ito ni Solenn.

“Actually, dream ko mag-horror movie. Gusto kong maging Sadako para walang lines,” at muli siyang natawa.

Si Sadako ay ang multong character sa pelikulang The Ring (1998). Tumatak sa mga manonood ang kanyang “signature look” na puting damit at mahabang buhok na nakatakip sa kanyang mukha.

“Super-excited lalo na nung sinabi nila na ang direktor ay si Peque Gallaga. Yung team ni Direk Peque kasi yung last time na nakatrabaho ko sa Seduction.

“At para sa akin iyon ang pinaka-favorite performance na ginawa ko,” banggit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Peque Gallaga at Lore Reyes din ang mga direktor ng Seduction na pelikula dati ni Solenn kasama si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong isang taon.

Si Direk Peque at Direk Lore rin ang namahala sa naunang Tiyanak movie nina Janice de Belen, Ramon Christopher at Lotlot de Leon noong 1988.

FASCINATED BY HORROR GENRE. May cameo appearances sina Janice at Lotlot sa reboot na Tiyanak ni Judy Ann Santos na ipapalabas sa mga sinehan sa October 29.

Napanood ni Solenn ang original Tiyanak bago sila nagsimula ng shooting.

Ano ang meron sa isang horror movie at pangarap ni Solenn ang lumabas sa ganitong genre?

“Ako, gusto ko yung mga dark, yung mga dark things like Seduction—parang psycho ako dun.”

Pero ang Tiyanak ay horror film talaga.

“Normal pero scary, oo. Excited ako especially ’pag... kasi iba when you shoot it.

“Akala ko, if you do horror films you’ll get nightmares at night, ganun.

“Kasi ’di ba pag sa editing, yung mga sounds na nakakatakot, yung CGI [computer-generated imagery] ganun, so it’s fun to see yung experience kung paano.”

NO ACTING PLEASE.” Sa pangalawa niyang pagkakataon na makatrabaho si Direk Peque, anong mga payo na naibigay sa kanya ng direktor?

“The thing I like with Direk Peque kasi, ayaw niya ng acting.

“Meaning, pag nag-take, he will tell you, he will cut and say, ‘You’re acting. I don’t want you to act.’

“Tapos he really explains, like kanina, may ibang tao na gumawa ng eksena para sa amin, para we can see, para we can visualize it din.

“So ’yon, magaling yung mga directions niya,” pagpuri niya.

AWED BY JUDAY. Paano naman katrabaho si Judy Ann?

“She’s soooo good! She’s so magaling talaga.

“I was super-nervous, siyempre naman,” pag-amin pa ni Solenn sa unang beses niyang makatrabaho si Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Until now, nervous ako every day. Okay lang yung mga scenes ngayon pero ’pag mas mabigat, super-takot ako. But I think she’ll help me din kasi sobrang galing niya.

“If you can feed from your co-actor... so paghuhugutan ko—from her, feeling ko kasi siyempre naman, super-galing siya tapos she’s been in the industry longer so alam niya talaga yung trabaho na ito,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN