Boy Abunda admits being humbled after successful liver abscess treatment; forgives his detractors and rumormongers

Boy Abunda reflects after successfully surviving his debilitating medical condition: “For the first time in my life, doon ko po naramdaman yung may episode ho pala, na ikaw lang at ang Diyos, and you are stripped naked of everything.”


Pagkalipas ng mahigit isang buwan na hindi napapanood si Boy Abunda sa The Buzz at iba pa niyang programa sa ABS-CBN, binasag na ng tinaguriang "King of Talk" ang kanyang katahimikan tungkol sa tunay na dahilan kung bakit nawala siya nang ganoong katagal.

Binigyang-linaw rin niya ang mga maugong na espekulasyon tungkol sa kanyang karamdaman.

Kahapon, September 7, sa The Buzz, ibinahagi ni Boy ang mga nangyari sa kanya at ang totoong kalagayan ng kalusugan niya.

Simula niya, “Maraming salamat sa inyong pagdalaw dito sa aking tahanan, thank you.

“I look forward to this interview.

"May mga panahon sa ospital, parati kong sinasabi, kailan ko ulit masasabing: ’Magandang hapon, Pilipinas at sa buong mundo, welcome to The Buzz.’

"But I’m glad to be back.

“Maraming mga taong nagtatanong, ’Ano ba talaga ang sakit ni Boy? Parang ang tagal-tagal, parang nakalabas na siya sa ospital, pero bakit hindi pa siya lumalabas sa telebisyon? Ano ba talaga ang kuwento?’

“Hindi po ako naospital mula nung ako ay nag-umpisang mag-host sa telebisyon.

"Kaya naiintindihan ko nang bahagya kung bakit maraming tao ang nasindak na ako ay nagkasakit.”

THE SYMPTOMS. Pagkatapos nito ay inilahad na ni Boy kung ano talaga ang nangyari sa kanya.

Saad niya, “Bumigay na ho talaga ako.

“Sobrang sakit po ng aking ulo. Ayon sa nurses na aking kasama, ayon sa aking mga nagbabantay, nagdeliryo ho ako.

“Nagkombulsyon ho ako. Ang sabi sa akin, nagtsi-chill daw ako sobra, sobrang-sobrang chill.

“Nakakatakot daw akong panoorin. ’Tapos kinakagat ko daw ang aking dila, I was gnashing my teeth, I was biting my lips, so I was bleeding.

“Meron palang pagkakataon sa buhay ng isang tao, mga kaibigan, that sobra kang hina, that you are so helpless.

"Ibinigay ko sa Diyos ang aking buhay, at ibinigay ko sa mga doktor ang aking buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit anong test, kahit anong test I’m open, sabi ko sa aking doktor, to any test.

“So, lahat ho yun pinagdaanan—dengue, tipus, typhoid, HIV, hepa, lungs, liver, kidneys, at marami pa pong iba.”

THE DIAGNOSIS. Pagkatapos ng maraming tests na ginawa kay Boy, ang pagkakaroon ng abscess o nana sa atay ang nakitang dahilan ng pagkakasakit ng TV host.

Ayon kay Boy, “Nakita nila na meron po akong abscess, nana, sa aking liver.

“Ang ginawa po nila sa akin, nag-aspirate po sila. Gumamit po sila ng pagkalaki-laki, at pagkahaba-habang karayom.

"Pero hindi ko po tiningnan yun, naramdaman ko lamang.

“Pinasok po ako dito... hanggang ngayon masakit pa po ito.

"Dito, pumasok po yun, ultrasound-guided po ito, dumaan po sa ribcage, hanggang narating po iyong liver.

“Na-aspirate yung ibang nana. Pero hindi po lahat yun.

"Kaya mga three days pa, meron po akong pig tail na tinatawag, na iniwanan nila para i-drain yung natirang nana sa aking liver.

“Gaano karaming abscess ang nakuha sa aking atay? 300 ml.”

INTENSE PAIN. Patuloy pa niyang kuwento, “May mga araw, hindi ko po mabilang, ang blood extraction na ginagawa po sa aking katawan, hinang-hina po ako.

“Ang sakit, sakit, sakit, sakit po ng aking nararamdaman.

"For the first time, kahit naroon yung mga mahal ko sa buhay, kahit naroon si Bong [Quintana, his partner], naroon yung mga nurses, naroon yung aking kapatid, for the first time in my life, doon ko po naramdaman yung may episode ho pala, na ikaw lang at ang Diyos, and you are stripped naked of everything.

“Kinausap ako nang malakas ng Diyos, tinapik ho ako nang malakas, dahil yumabang ho ako.

“One of my doctors said, ’You know, Boy, for many years, hindi ka naman nao-ospital, you’ve been running too fast.

"’You thought you were invincible. You thought you were Iron Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Ipinapaalala lang sa ’yo ng Diyos, at ng katawan mo, na hindi mo kaya ang lahat.’

“My stay in the hospital humbled me.

“Powerless po talaga.

“May mga hapon, darating po yung akin doktor at sasabihin, ’It seems like your favorite place in the room...’

"Nandoon po ako sa gilid, nilalagyan ko na po ng pangalan ng mga building sa labas ng St. Luke’s, lahat po yun kinakausap ko, tumatawa ako, para akong baliw.”

RELEASE FROM HOSPITAL. Mas lalong naging emosyunal si Boy sa ikalawang bahagi ng pagsasalaysay niya ng kanyang mga pinagdaanan.

“I became better, August 23, I was released from the hospital.

“I called Louie Andrada, our business unit head, and I said, ’Lou, I’m getting out of the hospital tonight, can you give me time?’

“Sabi ni Louie, ’Tito Boy, take your time. Restore. Recover. Kumain ka nang marami, ibalik mo ang kulay mo, magpataba ka. When you’re ready, tell us. Nandito lang kami.’

“Louie, Cory [Vidanes, channel head], lahat ng mga bosses namin sa ABS-CBN, salamat.”

WILL TO LIVE. Sa dami raw ng pinagdaanan ni Boy sa pagkakasakit niya, meron daw pangyayari na talagang tumatak sa puso at isipan niya.

Patuloy pa niyang salaysay, “Sabi ko, ’Panginoong Diyos, ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko? Bakit ganito na lamang ka-passionate, bakit ganito na lamang ka-driven ako sa trabaho ko? What is it that I want?’

“Simple lang naman pala talaga ang sagot.

“Sabi ko, gusto ko lang magtrabaho, dahil gusto ko lang mabigyan ng mabuting buhay ang aking pamilya, at maalagaan ang aking nanay.

“Also because I love my job.

"Pero sa ospital, nakiusap na lang ako sa Diyos, sabi ko, ’Panginoong Diyos, huwag mong pabayaang ilibing ako ng nanay ko. I don’t want to die.’

“Ayokong mamatay.

“Ang hirap isipin na ang nanay ko na walang kamalay-malay sa bahay, hindi maganda ang pakiramdam, ang kanyang anak, nakikipagsapalaran, nakikipaglaban sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ’Lord, itong isa lang ito, huwag Mo lang papayagang ang nanay ko ang maglibing sa akin. Hindi ko kaya yun.’

“Nakiusap ako sa Diyos, yun yung hindi ko kaya.

"Yun lang naman ang sagot sa tanong ko: ’Ano ba talaga ang gusto mo?’

“Gusto mo lang naman mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya mo at maalagaan ang nanay mo.”

Matagal-tagal na rin na may sakit ang nanay ni Boy ng dementia. Kaya wala raw itong kamalay-malay na si Boy ay nasa ospital naman at may pinagdadaanan ding karamdaman.

Saad pa ng veteran TV host, “Ang sinabi namin sa nanay ko noong ako ay nasa ospital, na nasa abroad ako, dahil Nanay has mild dementia.

“Pero alam niyo po, pagdating ko sa bahay, kahit sinabi nila na nasa abroad ako, dahil ayaw naming mag-alala ang aking ina, ang unang salita na sinabi sa akin, ’Magaling ka na ba? Magpalakas ka.’

“Ang nanay ko na may dementia, alam ang kalagayan ko."

SPECULATIONS. Dahil matagal-tagal na ring hindi napapanood si Boy sa TV shows niya sa Kapamilya network at wala rin siyang pinahihintulutang kahit na anong interbyu, alam daw niya na kung anu-anong haka-haka o tsismis na ang kumakalat tungkol sa kanya at sa sakit niya.

Sabi nga niya, “Nakakatawa po na sa huling gabi ng aming bakasyon sa Amanpulo noong isang araw, pumunta lang si Bong sa isang site, kung saan may nakasulat at ang sabi, ’Paalam po, Tito Boy. Ikinalulungkot naming ibalita, ang mahusay na talk show host ay pumanaw na dahil sa colon cancer. Ito po ang dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa telebisyon.’

“Sinasabi ko ho ito dahil, I am not dignifying these speculations, but I am acknowledging them.

"Ina-acknowledge ko na ilang beses po akong pinatay ng iba’t ibang sakit.

“Isang kasinungalingang sabihin na natutuwa ako sa lahat ng nag-imbento ng mga maling balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not fair. Okay na ako doon sa mga hindi ko kilala, e, kasi I’m a public figure.

“Sa lahat sa inyo, na nagnais sirain ako, may intent man o wala, pinapatawad ko kayo.

"Totoo po ’yan mula sa aking puso.”

THANKFUL TO SHOWBIZ FAMILY AND FRIENDS. Pinasalamatan din ni Boy ang mga taong naging malaking tulong at nagbigay sa kanya ng suporta sa panahon ng pagkakasakit niya.

Aniya, “I cannot do this interview without having to thank people.

“Alam ko po, hindi ko kayang pasalamatan ang lahat sa sobrang dami po ng nagdasal, sumuporta, nagmahal, at patuloy na nagmamahal.

"I’ve never felt so loved. I’ve never felt so missed.

“Sa pamilya ko, thank you, Bong, at ginawa mong opisina ang St. Luke’s, para lamang makasama ako, kasi ang lungkot-lungkot ho talaga.

“And, thank you, God, salamat ho talaga.

"To my Backroom family, salamat. Aileen, alam mo kung nasaan ka sa puso ko.

“Our beloved President, Charo Santos-Concio, thank you, for the kind words.

"Louie, Deo [Endrinal], Nancy, thank you.

“Hindi ko kayang makita si Kris [Aquino] pa, hindi ko alam kung bakit. Thank you for your love.

“Salamat talaga, Krissy. Salamat.

"This is one of the worst falls. This is a bad fall, Krissy, and you managed to catch me.

"Salamat for covering for me, thank you for doing Aquino and Abunda Tonight.

“Toni and Alex [Gonzaga], salamat for covering for us, every time Krissy wouldn’t be able to do the show.

"Vice [Ganda] for doing The Buzz, thank you.

“Thank you, Gretchen Barretto. ’Di ko alam kung ano’ng sasabihin ko, alam kong magkaibigan tayo, Gretch, we’ve been friends for a long, long time.

“Dominique [Cojuangco], salamat. I was told you would tell your mom to hurry and go to the hospital, and bring me food. Tony [Cojuangco], salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang staff ko rin, dito sa bahay. Sa inyong lahat, walang maliit na bagay na ginawa... maraming-maraming salamat.”

ON THE WAY TO FULL RECOVERY. Nasa estado na raw ngayon si Boy na nakaka-recover na siya mula sa naging karamdaman.

Posible nga raw na sa Linggo, September 14, ay mapanood na siyang muli sa The Buzz nang live.

Masaya niyang saad, “I’m okay. Right now, ang aking estado po, I am starting to gain more weight.

“May sakit lang dito, kapag tumatawa, kapag umiiyak, kapag nagiging emosyonal, ’pag medyo kumikilos.

“Am I absolutely healthy? Siguro nasa mga nobenta porsiyento na po.

"I am on my way to joyful, great recovery.

“Of course, I will continue to do my work on television.

"I should be back really soon. I will be back.

"If you want a date, malay ho natin, next Sunday, September 14, baka magbukas na ho ako ng Buzz at magsabing, ’Magandang hapon Pilipinas at buong mundo! Welcome to The Buzz.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN