Sam Milby grilled by Kris Aquino about his lovelife

Since his breakup with Anne Curtis, Sam Milby has not had a serious relationship. His courtship of Jessy Mendiola fizzled out for some reason and now he is being linked to Shaina Magdayao. But according to Sam, being alone does not bother him.


Nang mag-guest si Sam Milby noon sa Aquino and Abunda Tonight para i-promote ang pelikula nila ni Anne Curtis na The Gifted, napasabak ang aktor sa pang-uusisa ni Kris Aquino tungkol sa kanyang lovelife.

Kahapon, September 7, ay nag-guest si Sam, kasama si Anne, sa The Buzz ng ABS-CBN para magpasalamat sa tagumpay ng kanilang pelikula at magagandang reviews.

Isa rin sa mga host ng programang ito si Kris.

Kaya biro ng co-host nitong si Toni Gonzaga ay ninenerbyusin na naman si Sam kay Kris.

Pero kuwento ni Kris, nag-thank you si Sam sa kanya nang i-text niya ito at magpasalamat sa pagiging honest nito sa panayam niya sa Aquino and Abunda Tonight.

Sa The Buzz, tanong ni Kris kay Sam: May date ba siya sa katatapos lang na Star Magic Ball?

“Wala po,” nakangiting sagot ng Fil-Am singer-actor.

Paliwanag niya, “Five years na kong walang date. That’s nothing new for me. Sana next year may date na ako.”

Hirit ni Kris, sa Rockwell lang daw gusto ni Sam may ka-date, pero sa Star Magic, ayaw nito.

Salo naman ni Toni na natatawa, “Privacy rin ang gusto niya. Ibigay natin ang privacy!”

May private life ba si Sam?

Sagot niya. “Do I have a private life? Yes, I have a private life.”

Meaning, may karelasyon siya sa pribadong buhay niya?

“Ngayon, wala po!” natawang sagot ni Sam.

Pero parating na?

“Feeling ko, parating na po.”

Bigla namang naalala ni Kris na tanungin si Sam kung hindi raw ba ito naiilang na nakagitna siya sa dalawang babaeng naugnay sa kanya—si Anne na naging girlfriend niya at si Toni na na-link sa kanya noon.

Natatawang sagot ni Sam, “Salamat, Ate Kris! Hashtag awkward ulit.”

Pinush pa rin ni Kris ang tanong kung hindi ba talaga napi-feel ni Sam ang panghihinayang.

Sagot niya, “’Tulad ng sinabi ko noon, I think everything is a learning experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe in destiny and I believe that… mga safe answer ang sinabi ko, ’no, pero totoo naman, e.”

Tanong ulit ni Kris, kung tuwing nakikita ba ni Sam sina Toni at Anne ay may pagsisisi sa kanya? "Yes" or "no" lang daw ang puwede niyang maging sagot dito.

“Bilang hindi ako perpektong tao, yes, I have regrets,” tugon naman niya.

Natatawang biro nina Toni at Anne kay Sam: “Kawawa… na-hot seat!”

Nararamdaman ba nito ang pagka-"alone" dahil sina Toni at Anne ay parehong may someone?

“Ang sakit, ang sakit!” natatawang sabat naman ni Toni.

Pero sinalo rin naman nina Toni at Anne ang tanong kay Sam na, “You can be alone but happy” and “alone but not lonely.”

Nakangiting pagsang-ayon ni Sam, “Exactly! Okay po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN