Billy Crawford charged with malicious mischief, disobedience to person in authority

"Yung piyansa is just minimal," says the legal counsel of Billy Crawford, who was formally charged with malicious mischief and disobedience to a person in authority. The inquest was held at Taguig Prosecutor’s Office earlier today, September 8.


Pormal nang sinampahan ng kasong malicious mischief at disobedience to a person in authority ang It’s Showtime host na si Billy Crawford.

Kaninang umaga, September 8, dinala ang 32-year-old singer-TV host mula PCP-7 (Precinct 7) ng Taguig City papuntang Taguig Prosecutor’s Office para sa inquest.

Dito ay pormal na sinampahan ng reklamo si Billy dahil sa pagwawala nito sa naturang presinto noong Linggo ng madaling-araw, September 7.

Ayon sa ulat ng dzBB, kasama ni Billy na dumalo sa inquest ang kanyang legal counsel na si Atty. Jose Aspiras.

“As far as I know, wala namang sinapak,” paglilinaw ng abugado.

Nakalaya na rin si Billy matapos maditena mula kahapon hanggang kaninang umaga, sanhi ng kinasangkutang gulo sa presinto ng Taguig City.

“Yung piyansa is just minimal,” dagdag pa ni Atty. Aspiras.

Sa hiwalay na ulat ng Unang Balita ngayong araw, September 8, inihayag ang ilang detalye mula sa police blotter ng PCP-7 tungkol sa naganap na insidente.

Sa hindi malamang dahilan, boluntaryo umanong nagpapaditena si Billy.

Ipinaliwanag ng desk officer na walang detention cell sa naturang presinto, ngunit nagpumilit pa rin umano ang It’s Showtime host.

Maya-maya pa ay bigla na lang umanong tinadyakan ni Billy ang sliding door sa tanggapan ng presinto.

“When he arrived to this office, he ask the desk officer where is the detention cell? [sic]

“So the police officer politely answer, ‘We don’t have detention cell here. Sir, we have at Taguig City police station.’

“The desk officer asked him what is his concerned? [sic]

“But he did not answer and he insisted that he want to go at Taguig City Police station so the desk officer sought the assistance of PO2 Llagas and PO1 Nicholas.

“Before they arrived here, Billy told the desk officer, ‘I will give you 5 seconds, ’pag wala pa babasagin ko itong pintuan. [sic]’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right after he counted for 5 seconds, he kicked the sliding door of our PCP, the sliding door is broken.

“PO2 Llagas and PO1 Nicholas arrived and they immediately apprehended him. [sic]”

Pagkatapos ng nangyaring gulo ay pansamantalang idinitena si Billy sa Taguig Police Headquarters.

Agad namang nilinaw ni Billy na walang katotohanan ang kumalat na balitang nanapak diumano siya ng babaeng police officer.

Sabi ni Billy, "It was my fault pero wala akong nasaktan, wala akong itinulak, wala akong tinamaan kundi yung salamin."

Read: Billy Crawford detained for malicious mischief at Taguig precinct; clarifies he did not hurt anyone


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN