Krystal Reyes ready to take on mature roles as she turns 18

“Ang tingin ko po kasi sa kanila, parang sakit sa ulo. ‘Yon po ang pananaw ko sa kanila. Feeling ko po, okay din ‘yon," explains Krystal Reyes why she doesn’t want to have a boyfriend yet.


Sa kanyang ika-18 kaarawan, hiling ni Krystal Reyes na iwanan na ang kanyang “child actress” image at makilala na bilang mahusay aktres.

“Ready na po ako [sa mature roles]. Pero yung mga tao po, parang hindi pa ready kasi ang tingin pa rin po nila sa akin ay yung baby!” natatawang sabi ni Krystal nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk bago ang kanyang debut party kagabi, September 7.

Ngayong araw, September 8, ipinagdiriwang ni Krystal ang kanyang 18th birthday.

Sa mga artistang kasing edad ni Krystal ay madalas mayroong ka-loveteam.

Wala naman problema kung mai-partner siya sa ibang teen actor, pero hiling ng dating Mga Mata Ni Anghelita star, “Ang gusto ko po, makilala ako talaga bilang aktres hindi dahil loveteam ni ganito.

“Gusto ko po na makilala na isang dramatic actress.

“Gusto ko po na kahit naging bida na, gusto ko rin pong masubukan ang maging kontrabida.”

Aminado si Krystal na may mga pagkakataong hindi siya nabibigyan ng mature roles dahil sa kanyang batang hitsura.

Saad pa niya, “Sa mukha ko po talaga, nahihirapan sila na maging mature ang mukha ko, na dalaga tingnan or mataray tingnan.”

Kaya naman natatawang sabi niya, “Kung hindi po nila magawa sa mukha ko, sabi ko po, idadaan ko na lang sa acting.”

Huling napanood si Krystal sa teleseryeng Carmela, kung saan gumanap siya bilang nakababatang kapatid ni Marian Rivera.



NO SUITORS PLEASE. Dahil legal na siyang magkaroon ng boyfriend ngayon, biniro si Krystal kung bukas na siya sa pagkakaroon ng manliligaw.

Natatawang sagot ng Kapuso actress, “Wala po! Kapag ganyan po, hindi ko muna ini-entertain.”

Para kay Krystal, hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon.

“As long as kaya ko, hindi ko po muna iniisip.

“Ayaw ko po muna mapasok sa mga ganyan kasi ang hirap din po, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po, maraming nakakakilala sa akin, hindi ko po alam kung gusto po ba talaga nila ako or kung ano ba talaga.

“Kaya sabi ko po, kapag sobrang mature na po ako, pati pag-iisip ko at katawan ko, doon ko na lang siya iisipin.”

Dagdag pa niya, “Wala naman po sinasabi [ang mga magulang ko] na bawal.

“Pero kapag may nagsasabi po sa akin, sinasabi ko po na hanggang diyan ka lang. Nili-limit ko po kung hanggang saan lang sila puwede.”

Paniniwala pa niya tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend, “Ang tingin ko po kasi sa kanila, parang sakit sa ulo.

"’Yun po ang pananaw ko sa kanila.

"Feeling ko po, okay din ‘yon.”

Ganunman, ayaw namang magsalita nang tapos ni Krystal tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend.

“Siguro po, hindi ko masasabi na hindi dahil hindi naman po natin alam talaga kung ano yung mga mangyayari.

“Pero sa akin po, as long as kaya ko po na mag-isa, ‘yon na lang po muna, sa family ko na lang muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN