Jomari Yllana first Filipino to compete in Hyundai Accent Cup race

IMAGE Emerson Leonor

Jomari Yllana has romanticized the racetrack as a happy place, his weekend rendezvous in another dimension, his Neverland.


Puspusan ang paghahanda ni Jomari Yllana para sa isang international race car competition sa Korea sa darating na Oktubre.

Fifth at sixth race ang sasalihan ni Jomari sa naturang competition.

"I’ll be the first Filipino to compete in that category in Korea… first ever," pagmamalaki ng actor-race driver.

Kaya naman masugid din ang paghahanap niya ng sponsors na makakatulong para suportahan at dugtungan ang mga pangangailangan niya sa larangang ito.

Pahayag ni Jomari sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mahirap ang maghanap ng pondo para sa sports na ito.

“Para kang nagpu-produce ng show. One month ang preparasyon ko.

"Ang kailangan ko, airline company to sponsor my tickets because I need to fly my team. Ganun yun, e.

“Yung kotse, dun na yun, ibang kotse yun.

"May mekaniko kaming lilipad. So, in a team, may lima kami, yung press corps... so I need an airline company.

"Anybody who can help me is welcome.

“Then I need budget, maybe Bench, Smart, yung mga suki namin.

"Ang inuna ko, media partner. Nag-usap na kami ng GMA-7, papel na lang yung hinihintay namin.

“'Pag napirmahan na yung papel from GMA, then I announce my Korea competition.”

Ang pinakahuling race competition ni Jomari ay ginanap sa Clark, Pampanga kung saan magkasunod na 2nd place ang nakuha niya sa GT300 category.

A FIRST. Marubdob ang hangarin ni Jomari na magkaroon ng awareness ang mga kapwa niya Pinoy sa pagsali niya sa international race competition.

Anya, “First international race ko e.

"Gusto ko alam ng mga Pilipino ang ginagawa ko kasi dadalhin ko ang Philippine flag, ibabandera ko talaga.

“Ang makakalaban ko doon ay Koreano. It’s a one-make race, meaning pare-parehas ang kotse.

"It’s mababang category pa sa Korea 'yan, pero mataas ang competition kasi pare-pareho ang kotse.

Hyundai Accent Cup, driver’s skill yung lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sino yung may magaling na skill sa pagmamaneho, yun ang mananalo.

"'Yan yung October.”

YLLANA TEAM. June 2013 nang inanunsiyo ni Jomari ang pagbabalik niya sa race car arena.

Gaano kahirap o kasarap ang pagbabalik sa karera?

Sabi niya, “Masarap!

"Maraming-maraming trabaho. Maraming-maraming racing development.

"Every time we go out in the track, it costs a lot of money.

“We just cannot go to the track and practice because ang laking pera talaga.

"Yung ordinaryong labas na nakikita ninyo ngayon, this costs hundreds of thousands, millions of pesos.

“Yung lumabas lang yung kotse diyan at umikot lang, sa computation ko, maybe a hundred thousand per lap… maybe.

"Yllana Racing 'yan, " banggit niya sa pangalan ng kanyang team.

“Kami ang nagpupondo and we have a long-term plan… to create a professional team, flagship Pilipinas.

"Not just for me but for others who believe in talent.

"This is the first Yllana Racing team and after this, madadagdagan ng isa o bagong driver.

"Yllana Racing pa rin ang tatak.

“We give chance to drivers na may talent.

"Ito na ang legacy na gusto kong iwanan sa sports na ito.

"Ayaw ko sanang isiping legacy, pero there's a mountain of tasks na kailangang asikasuhin talaga.

“We can teach din. Merong Tuazon Racing School na nagtuturo, nag-o-organize ng race.

"Kami, ang style namin, to create a team, build a school later on, teach.

"Find the best way to produce drivers and contribute to Philippine motor.”

WINNING FORM. Gaano kagaling na race driver si Jomari?

“I’m a champion!” nakangiting sagot ng Kapuso actor.

“Twelve years akong nawala. Yung kundisyon ng katawan ko, iba, nagbabawas ako ng timbang.

"Pero talent-wise, I picked up where I left off.

“Kasi yung fear ko pabalik, yung dasal ko, 'Lord, sana meron pa.'

"Huling hurrah na ito, e. Sana meron pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung wala na, parang masakit at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

“So, tsumi-tsek, bumabalik… tao ang nagsasabi sa aking meron pa.

"Last race ko was in Batangas, July 27.”

Kuwento pa ni Jomari, isang nakilala niyang Korean race driver ang nagdala ng tatlong mahahalagang tao sa Korean motor sports. Kabilang ang may-ari ng isang car brand doon.

Ipinamaneho raw sa kanya ang dala nilang sasakyan.

Lingid sa kaalaman ni Jomari, inoorasan pala siya ng mga Koreano at pagbalik niya, inalok ang pagkarera niya sa Korea sa susunod na buwan.

“They saw talent at ito ang nagpu-fuel sa akin…

"Magaling ako, marami pa akong igagaling to answer your question.

“And the people supporting me are feeding my passion, confidence, and dedication.

“Nandun pa rin tayo sa taas. Yung balik ko, may angas pa rin.”

Ibig sabihin, nasa kanya pa rin yung titulo?

“Oo, nandun pa rin, hindi na mawawala yun.

"Yung mga bata nga, may mga tanong. Kilala nila ako pero hindi nila ako kilalang karerista.

“May mga bata na, 'Ha, si Jomari, nasa top level? Bakit siya nasa top level?'

"'E, dating champion 'yan.'

"Tumigil ako, e, nag-retire... 'Ha, totoong champion?'

"'Oo, Toyota team.'

“Kumbaga, nagpapakilala tayo uli and I feel the respect from all of them. And they want me to win.

“If I win, sisikat yung sport [car racing].”

HAPPY PLACE. Hindi ba naaapektuhan ang trabaho niya bilang aktor sa pangangarera niya?

Saad ni Jomari, “Ang dami ngang nagtatanong.

"When we go to the track, for me it's Neverland ni Peter Pan. There’s no world like it.

"Full commitment and you need to fly.

“So, pagbalik ko, para akong si Robin Williams sa Hook.

"Nakalimutan kong lumipad, paano bang lumipad? Pero lumilipad ako dati.

“People around, angels around, parang sila yung kailangan kong tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si John [Korean race driver], all my sponsors, lakas ng loob

“So, compare ko sa showbiz, it's still work, still my first love, my bread and butter, my life.

"This [race] is life na ibang dimension, ibang mundo...

"'Tapos babalik na ako sa reality ng Sunday ng gabi kasi tapos na.

“So, weekend ang bilang ko sa races ko, pumupunta ako sa Neverland.

"Racing behind the [wheel], inside a racing circuit, racing and competing is my happy place.

“Comfort zone, yes, kasi happy ako 'pag nandito, e.

"Pero trabaho pa rin siya. Hindi siya vacation.

"I consider na comfort zone na more on relax.

“Kung magiging comfort sa akin ang race track, yun ay kung meron akong pinapanood at hindi ako yung kumakarera.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN