Jennylyn Mercado excited for her first trip to London; fired up by the return of StarStruck

Jennylyn Mercado has no time to mark her loveless days as these are full of projects, and more projects: A show in London, another teleserye, a movie with Derek Ramsay, a cooking show and—a song album.


Nakatakdang umalis patungong London si Jennylyn Mercado para show niya sa Birmingham, na gaganapin sa September 13 and 14.

Masigla niyang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First time kong pupunta doon kaya excited ako, oo naman!

“Kasi isa ‘yon sa mga gusto naming puntahan talaga ng nanay ko.

"Kaya after ng show namin, didiretso na kami para mag-ikot sa ilang parts ng Europe.

“Isa sa pupuntahan namin ay ang Paris, sa France.

“At saka maonood din kami ng Miss Saigon.

"Actually, iti-text ko nga si Rachelle Ann [Go] bago kami umalis.

“Or tatawagan ko siya para masabi ko sa kanya yung dates na nandun ako.

"And ‘yon, makapag-communicate kaming dalawa."

Magkasama noon sa musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars sina Jennylyn at Rachelle, na siyang gumaganap ngayong Gigi sa Miss Saigon sa West End.

Nakausap ng PEP si Jennylyn sa GMA Studios, pagkatapos ng Sunday All Stars, noong Linggo, September 7.



LOVELESS. Nangiti naman si Jennylyn nang mabiro na mas masarap sanang mag-tour sa Europe kung may kasamang special someone.

“’Yon nga, e! Kaso wala, e. Malungkot, pero okey lang.”

Kung sabagay, kasama naman niya ang kanyang Mommy Lydia.

“Oo naman! Iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya, ’di ba?” tawa niya.

Dagdag ni Jennylyn, “Two weeks akong mawawala. Matagal-tagal din.”

First time siyang mawawalay nang ganun katagal sa anak niyang si Alex Jazz.

Paliwanag ng Kapuso actress-TV host, “Hindi kasi siya puwedeng sumama kasi may school siya, e. Hindi siya puwedeng mag-absent.

“Magpapaalam naman kami sa kanya. At saka sisiguraduhin ko rin na nandun lahat ng mga kamag-anak namin sa bahay.

“Walang magdi-day off. Yun lang talaga, para lahat nakatutok sa kanya.”

Sinasabi ni Jennylyn na loveless pa rin siya hanggang ngayon, pero nananatili siyang blooming at mas sumeksi rin siya ngayon.

“Ngiiii!” reaksiyon niya.

“Hindi, kasi ano, e… ’di ba, continuous pa rin yung training ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo bugbog ako ngayon na… nagti-taping ’tapos nagti-training.

"Kaya medyo nangayayat nang konti.

“Pero okey naman, kaya naman,” sabi ni Jennylyn bilang pagtukoy sa kanyang training sa triathlon.

STARSTRUCK. May participation din ba siya sa pagbabalik muli ng StarStruck, ang artista search ng GMA kung saan sila ni Mark Herras ang kauna-unahang winners?

Sagot niya, “Abangan nila, abangan nila kung anong participation.

“Basta, hindi ko puwedeng sabihin, e.

“Pero malapit na ninyong mapanood,” sabi niya.

Sobrang nai-excite daw siya na ibinalik muli ng GMA ang StarStruck.

“Oo naman, kasi matagal ding nawala, ’di ba?

“Nung nagsimula, tuluy-tuloy, dire-diretso siya hanggang mga pang-ilang batch.

“’Tapos nag-stop siya nang matagal. And then ngayon, babalik ulit.

“Kaya exciting ito at saka maraming mga bago. Maraming mga kailangang abangan.”

Sa mga isinasagawang auditions, talagang grabe ang pila ng mga nagbabakasakaling mapasali sa StarStruck.

Ayon kay Jennylyn, “Nung time namin, wala sobrang mahabang pila.

"Kasi hindi pa sila ganun ka-interested sa audition.

“Ang dami ngang pumipila, like yung ginawang audition dito sa GMA.

"Yung iba, the night before pa at talagang dito na nagpalipas ng magdamag."

Ano ang gusto niyang sabihin sa mga ito?

“Ano lang, tiyaga at galingan niyo.

"Kasi bihirang-bihira yung mga opportunity na dumarating sa buhay ninyo na mga ganitong klase.

“So, kailangan pagtuntong ninyo sa stage, pagtanong ng pangalan niyo pa lang, bibo na.”



NEW TELESERYE. Sunod na naikuwento ni Jennylyn ang tungkol sa bagong soap na ginagawa niya ngayon sa GMA.

“Nag-start na akong mag-shoot ng Second Chances with Raymart [Santiago], Luis Alandy, Rafael Rosell, and Camille Prats.

“Nagpupondo na kami kasi nga aalis ako nang medyo matagal.

“Okey naman yung taping namin.

"Si Raymart, nakatrabaho ko na siya dati sa Footbulilit.

“’Tapos si Luis naman is a good friend of mine.

“And si Rafael, first time, pero comfortable na rin kami kasi nagkasama-sama na kami sa workshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nagkaroon na rin kami ng time na makapag-bond.

“’Tapos si Camille naman, siyempre para ko nang sister ‘yon."

Patuloy niya, “Aside from Second Chances, yung cooking show ko na Sarap With Family Season 3, malapit na.

“And then, yung bagong album ko ngayong September, pagbalik ko, baka i-launch na.

“Na-delay lang kasi nagkaroon lang ng ilang pahabol na songs.

“But siguradong matutuloy ‘yon. Huwag kayong mag-alala.

“’Tapos may pelikula rin kami ni Derek [Ramsay], yung English Only Please, entry siya sa Metro Manila Film Festival.

“Nag-start na rin kaming mag-shoot para rito. Nakaka-six days na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN