Karylle thankful for having a "very open-minded and very understanding" husband

Karylle on mom Zsa Zsa Padilla marrying boyfriend Conrad Onglao: “Ayoko munang usapang kasal. Next year na lang siya mag-start na pag-usapan ang kasal. Kasi siyempre, masarap na i-enjoy yung nililigawan ka. Ano yun, e, special attention.”


Masaya si Karylle sa piling ng kanyang mister na si Yael Yuzon, lead vocalist ng bandang Spongecola.

Ayon sa It’s Showtime co-host, mula nang ikasal sila ni Yael noong March 21, 2014, mas lalong naging maganda ang relasyon nila.

Paglalarawan ni Karylle sa kanyang mister, “Cute siya. Kasi nakakatawa din, kasi linis-linis factor.


“Si Yael, mahilig magluto. Ang maganda doon, hindi siya super-galing magluto.

“So, sabay kaming natututo.

“Minsan may palpak, pero natatawa kami.

“Hindi yung, ‘Ay, mali ka.’ Hindi ganun.

“Kasi yung level namin sa pagluto, same lang.

“At least, together, naggu-grocery kami, nagluluto kami.

“’Tapos kanina, bago ako umalis, naku, bihis na ako, konting mop muna, yung plato kailangang tuyo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa inauguration ng branch ng Status Salon (beauty and SPA clinic) sa C-5 Libis, Quezon City.

Si Karylle sa endorser ng naturang salon kasama si Camille Prats.



ADJUSTMENTS & DISCOVERIES. Hindi ba siya nahirapang mag-adjust sa pagiging isang maybahay?

Sagot ni Karylle, “Noong una, oo. Nagkakasakit talaga ako.

“Siguro dahil sa sobrang pagod o nai-stress ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Hanggang sa naging mas madali na siya nang mas madali.”

Ano pa ba ang nadiskubre niya kay Yael noong nagsama na sila?

“I’m just looking nga at our pictures from our honeymoon.

"I always tell him nga na I love being married.

“It’s so nice na you wake up together and then, kunwari I have to go to work, natutulog pa siya.

“We’ve been watching mga shows, mga series.

“May time na sabi ko sa kanya, wala na akong friend. Kasi iba-iba na yung schedule.

“He’s so sweet, siya na yung nag-arrange ng movie dates. Pero movie group talaga, movie night.

“Kunwari manonood kami ng pelikula, siya yung nag-i-invite ng friends…parang mga little things like that pa lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nai-inpsire ni Yael?

Saad ni Karylle, “Actually, nagsusulat nga kami ng song, we celebrated our anniversary recently.

“I said, ’I have a gift for you. I started out a song. Can you help me? I made you a song.’

“’Tapos yun, tinapos naman niya. Kulang pa ng isang verse.

“So, yung ganun.”



BABY PLANS. Wala pa raw plano sina Karylle at Yael na magkaroon ng baby. Ini-enjoy pa raw nila ang kanilang honeymoon stage.

Kuwento pa niya, “I visited nga a friend who just gave birth, ‘O, ano, kailan?’

“Sabi ko, ‘Titingnan muna kita and then magri-ready na ako.’

“Darating na lang yung baby ‘pag ready na siya.”



THE NAKED TRUTH. Aalis patungong Canada si Karylle para sa It’s Showtime, kaya malabo raw siyang makadalo at rumampa sa The Naked Truth, denim and underwear fashion show ng Bench, sa September 19.

“Kasi dalawa ‘yan, e. Yung last na show namin sa Showtime, Hawaii lang, e.

“So, ngayon, dalawa. Merong Toronto at Edmonton.”

E, di hindi siya mapapanood na rumarampa na naka-underwear lang?

Saad niya, “Oo nga, e. Super kina-career ko talaga.

“Saka nagpapaturo ako kay Divine [Lee] kung paano rumampa.

“Super effort yun kasi naging pangarap na ng maraming girls na ma-conquer yung fear nila na gawin yun. Or siyempre yung dream na magawa mo yun.

“Mami-miss ko yung Bench show, pero at least, hindi ako masyadong gutom.

“Pero exciting yun for everyone.

“It’s something everyone is preparing for kaya… ayun, sayang.”

Kung wala raw show abroad si Karylle, rarampa siya ulit nang naka-underwear kahit may asawa na siya.

Sabi pa niya, “Actually, nagpaalam pa nga ako, e.

“Sabi niya, ‘Ano ka ba? Matagal mo nang ginagawa ‘yan.’

“And he’s very open-minded and very supportive.

“Like, he was there the first time.

“The last time, pinadalhan pa nga niya ako ng ‘sangkatutak na roses, hindi ko nabilang kung ilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron talagang mga taong open-minded.

“Minsan nagpapasalamat na lang ako sa kanya.

“Sinasabi ko na, ‘Kung ako ang nasa place mo, hindi ako ganyan. So, thank you.’”



UNDERSTANDING HUSBAND. Ibig sabihin, hindi possessive-type si Yael na gusto niyang siya lang ang makakakita ng katawan ni Karylle?

“Hindi. I think a lot of artists are ano kasi, e… at least he is and his family na… they’re very open-minded, they’re very understanding sa work.

“Kasi nasa music sila, nasa theater din. So, naiintindihan nila.”

Kahit nga raw ang magpa-pictorial ulit nang naka-panty at bra para sa Bench ay hindi raw tutol si Yael.

Ayon kay Karylle, Bench Body naman ang iniendorso niya.

Base sa mga kuwento ni Karylle tungkol sa samahan nila ni Yael, mukhang compatible talaga sila para sa isa’t isa.

Sinang-ayunan naman ito ng singer-actress.

Saad niya, “Oo, nakakatawa.

“Even last time we had a family dinner… parang ang bilis niyang mag-fit in.

“And ‘pag nakakausap na nila siya, naiintindihan nila agad kung bakit kami bagay.

“So, doon ako natutuwa.

“If you really get to know us and spend time with us, it becomes kinda clear.”

Naisip niya ba na magiging ganito kaganda ang marriage life niya kahit na pareho silang nasa limelight ni Yael?

Sagot ni Karylle, “Well, siyempre, may mga ways na parang hindi kami showy.

“Some people ask me kung bakit wala kaming masyadong pictures sa Instagram.

“E, kasi naman, kung nakita ninyo ang Facebook namin, baka masuka na kayo sa pagka-selfie.

“Mahirap rin kasi ngayon, everyone shares their opinions about things.

“It just becomes, ’Up to how much do you share?’

“Siyempre, yung wedding, isi-share namin ‘yan. Kasi importante yung mga ganun.

“Pero yung everyday life namin, medyo konting privacy… konti lang naman.”



MOM ZSA ZSA & HER BOYFRIEND. Pagdating naman sa lovelife ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla, masaya raw si Karylle dahil nakikita rin niyang masaya ito sa piling ng kasintahang si Architect Conrad Onglao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaka-visit ko lang sa kanya, e, super-happy, super blooming. Tawa lang din nang tawa.”

Wala pa bang plano ang mommy niya na mag-settle down gaya niya?

“Hindi pa siya puwedeng sumabay, sukob!” sabay tawa nang malakas ni Karylle.

Kung sakali, payag ba siyang magpakasal ang mommy niya kay Architect Conrad?

Sagot niya, “Oo naman. Ang sweet nga niya, e.

“He’s very thoughtful and everything.

“Ang sobrang cute sa kanya, parang gusto niya laging magkakasama kami.

“Siyempre, ako ngayon, adjusting.

“So, yung last na ginawa niya na sobrang sweet… kasi nag-bazaar kami.

“Si Mama, nag-donate sa Child Haus. So, nagbigay kami.

“Yung isang girl doon, may pain siya e. Siyempre, they’re all sick, ‘di ba?

“Tinanong ko siya, ‘Anong gusto mong food?’

“Sabi niya, crab. ’Specialty ‘yan ni Tito Conrad.

"’Paluto ako, ha?’

“’Oh, yes, meron kaming crab.’

“So, padala siya [Conrad]. Inihabol niya.

“’Tapos kanina, kausap ko yung girl, ‘O, ano, masarap ba? Aprub ba?’

“Siyempre, happy naman ako.”

Wish ba ni Karylle na ikasal na ang kanyang mommy?

Tugon niya, “Ayoko munang usapang kasal.

“Next year na lang siya mag-start na pag-usapan ang kasal.

“Kasi siyempre, masarap na i-enjoy yung nililigawan ka. Ano yun, e, special attention.”

Tinuturuan niya ba ang kanyang mommy kung paano ang kilos at nararamdaman dapat ng nililigawan?

“Hindi ano, alam na nya na yun, ‘no!” tawa niya.



DINGDONG-MARIAN WEDDING. Samantala, tinanong din ng PEP si Karylle kung ano ang masasabi niya sa magaganap na kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na bago naging sina Dingdong at Marian, si Karylle muna ang naging girlfriend ng aktor.

Pahayag ni Karylle, “Wala na… kasi siyempre, i-enjoy na lang nila.

“Kasi ‘pag sasali pa ako, baka malagyan pa ng whatever.

“Parang every bride deserves to enjoy her wedding, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN