Wenn Deramas not worried about Guy-Pip fans’ reaction to Maria Leonora Teresa title of his horror movie

Bagamat sinabi ni Direk Wenn Deramas na maghihinay-hinay muna siya sa paggawa ng pelikula, pagkatapos niyang maospital noong nakaraang taon, sunud-sunod na naman ang ginagawa niyang pelikula. Paliwanag niya, "Ang hirap kapag ang alok sa iyo ay apat na pelikula sa isang taon, ‘di ba? May mga kontrata naman kasi akong napirmahan, pero ang maganda naman nito ay may nurse akong katabi na nagsasabing fit naman akong magtrabaho."


Wala pa raw natatanggap na pamba-bash ang direktor na si Wenn Deramas mula sa loyal Guy and Pip fans tungkol sa paggamit niya ng titulong Maria Leonora Teresa sa kanyang drama-horror movie para sa Star Cinema.

Ang Maria Leonora Teresa ay ang pangalan ng iconic doll at itinuturing na "anak" nina Nora Aunor at Tirso Cruz III noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang loveteam noong early ‘70s.

Nangangamba kasi ang ilan na baka umalma ang loyal fans nina Guy at Pip dahil ginawang katatakutan ang manyikang Maria Leonora Teresa sa pelikula ni Direk Wenn.

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa box-office director sa presscon ng Maria Leonora Teresa, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, noong September 4, sinabi niyang wala pa naman siyang naririnig na ganoong reaksiyon.

Saad ni Direk Wenn, “Siguro yung presidente ng fans club ni Ate Guy ang una sigurong magpi-PM [private message] sa akin.

“Kasi, nag-PM siya nun sa akin noong isyu ng bashing sa MMFF.

“Siya yung nagsabi sa akin na hindi magagawa ng Noranians, kasi si Ate Guy mismo ang nagsabi na marespeto akong tao sa kanya, hindi ko gagawin yun.

“So, ganito rin yung isyung ito. Lalong wala silang dapat ipangamba.”

Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan ni Direk Wenn at ang ilang Noranians nang parehong lumahok sa MMFF 2012 ang idinirek na pelikula ni Wenn na Sisterakas at ang pionagbidahang pelikula ni Nora na Thy Womb.

Read: Director Wenn Deramas lashes back at Noranians who call his movies trashy

Saad pa ng 46-year-old director, “Kung alam lang ng Noranians na Noranian ako by heart, lumaki akong Noranian.

“Siyempre, iba pa rin yung... lalo na’t naging direktor ako, but still, ang trabaho pa rin ni Nora Aunor, hanggang ngayon, ay hindi ko mini-miss, especially sa pelikula.”

RITA AVILA. Maging ang sinasabing paggamit diumano ni Direk Wenn sa sitwasyon ng kanyang kaibigan at aktres na si Rita Avila para sa bago niyang pelikula ay kanya ring pinabulaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rita ay pinag-usapan sa showbiz nang mag-alaga ito ng manyika at itinuring na parang isang tunay na anak matapos mamatayan ng anak.

Giit ni Direk Wenn, “Hindi ko nakita yung need na kausapin ko siya, dahil una sa lahat, horror nga ang pelikula namin.

“Parang nakaka-offend ‘ata yung kakausapin namin at papagpaalaman mo para sa paggawa ng isang horror na pelikula.

“So, wala naman silang kinalaman doon sa kuwento, ganun.”

Sinabi rin ng direktor na kay Rita raw ay isang totoong manyika, samantala sa pelikula ay replica ng mga karakter ang ginamit nila.

Iginiit din niyang malayo ang kuwento ng nangyari sa buhay ni Rita sa kuwento ng Maria Leonora Teresa.

BUSIEST DIRECTOR. Samantala, sunud-sunod pa rin ang pelikulang ginagawa ni Direk Wenn, taliwas sa pahayag niya noong magla-lie low siya ngayong taon na ito matapos siyang magkasakit at madala sa ospital noong nakaraang taon.

Paliwanag niya, “Ang hirap kapag ang alok sa iyo ay apat na pelikula sa isang taon, ‘di ba?

“May mga kontrata naman kasi akong napirmahan, pero ang maganda naman nito ay may nurse akong katabi na nagsasabing fit naman akong magtrabaho.

“Wala naman naging ano talaga… huwag lang bumalik yung pneumonia, kasi bumabalik yun, e.

“So, yun ang iniiwasan namin.”

Ano pa ba ang gusto niyang patunayan bilang isang direktor at sagad-sagaran siya kung makapagtrabaho?

Nakangiting sabi ni Direk Wenn, “Darating at darating din yung time na gusto mong tingnan yung iba pang kakayahan mo.

“Ngayong napatunayan ko, napatunayan ng Star Cinema na, ‘O, si Wenn, o...’

“Very flattering yung komento nila at totoo naman, totoo namang iba ang pagsusumikap ang ginagawa ko.

“It’s a neverending process of...”

DIREK WENN’S LOVELIFE. Sa puntong ito ay napag-usapan naman ang tungkol sa kanyang lovelife.

Natatawang pag-amin ni Direk Wenn, "Payapa, payapa ang aking usaping puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun lang, kasi hindi naman siya showbiz, e, kaya okay kami.

“Eight months na kami at manager siya ng isang kumpanya.

“Maganda, maganda ang relasyon namin.

“Inspirasyon talaga ang lovelife kapag ganitong tahimik siya and at peace ka, ‘di ba?

“Masaya, mainggit kayo!” pagbibiro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN