Tia Pusit undergoes double bypass surgery; family seeks financial help and prayers

Kahit may iniindang karamdaman, mataas pa rin daw ang morale ng komedyanang si Tia Pusit, na sasailalim sa double heart bypass operation ngayong araw, September 9.


Ngayong araw, September 9, nakatakdang sumailalim sa double heart bypass surgery ang komedyanang si Tia Pusit—o Myrna Villanueva sa totoong buhay.

Sa panayam kay Nova Villa ng ABS-CBN News, sinabi nitong kahit na may karamdaman ang kanyang kapatid ay "in high spirits" pa rin ang 64-year-old comedienne, na kasalukuyang naka-confine sa Philippine Heart Center.

Pahayag ni Nova, “Kapag kausap mo naman siya, nandun pa rin ang humor niya.

“Gusto niyang mabuhay.

"Yung mga dreams niya, yung mga gusto niyang mangyari na hindi ko pa narinig noon, ngayon, gusto niyang gawin.

“Something like ‘Kapag ako gumaling’ or ‘Kapag ako malakas na.’

"Magaganda yung mga gusto niyang gawin. Meron siyang mga gustong tulungan."

Suportado raw ng buong pamilya si Tia Pusit at nag-aalay sila ng misa para sa agarang paggaling nito.

Saad pa ni Nova, “The mere fact na siya ay ooperahan, ibig sabihin ay talagang grabe yung mga bara sa puso niya.

"Sometimes, kapag nagkakaedad na, umaandar na din yung genes ng pamilya na hindi na rin maiiwasan.

“Naging iba yung pananaw niya. Sabi ko, ‘Of course you’re going to survive itong krisis na ito.’”

Bukod sa nakatakdang opersayon sa puso, sumasailalim din sa dialysis sessions si Tia Pusit tatlong beses sa isang linggo.

Nananawagan din ang pamilya ni Tia Pusit ng dasal mula sa publiko.



CRY FOR HELP. Huling linggo ng Agosto nang lumutang sa social media ang panawagan para sa pinansiyal na tulong kay Tia Pusit.

Nauna na rito ang Facebook post ng komedyanang si Beverly Salviejo na kalaunan ay ipinost naman si Paula Peralejo sa kanyang Instagram account.

Read: Paula Peralejo asks help for Tia Pusit and has message for those who do not want to donate to ALS

Isa pang nanawagan ng tulong para sa komedyana ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Sabi ni Ogie sa kanyang Instagram post, “Let’s help Tiya Pusit. She has been in the hospital for one month now and has no money to pay for her operation. She is suffering from aneurysm.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPDATE: Samantala, nagbigay ng update ang anak ni Tita Pusit na si Christian Uybengkee sa mismong Facebook account ng kanyang ina.

Sabi nito, nagpaabot na raw ng tulong ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Kalakip nito ang larawan ni Tia Pusit na nakaratay sa ospital at ang card na ipinadala ni Coco na may dedication: "Tia Pusit, miss na po kita sana gumaling na na po agad! i love you... God Bless You!!!"

Pahayag pa ni Christian, "Tomorrow (September 9, 2014) will be her scheduled operation. Suppose to be it was last monday sana yung operation kaya lang it was cancelled due to blood infection.


"Please keep praying for the success of her operation. Thorachic Endovascular Aortic repair, carotid crossover bypass and carotid subclavian bypass.


"To all who continuously praying and gave the needed assistance for our nanay’s operation. Maraming Salamat po sa inyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN