Edu Manzano cries foul over alleged death threat from "Ricketts cronies"

"Wala akong kinalaman sa suspension, sariling kalokohan at kaswapangan ninyo kaya kayo sumabit," says Edu Manzano in reply to an alleged death threat from the camp of OMB Chief Ronnie Ricketts, who was charged with a six-month suspension.


Inihayag ni Edu Manzano na mayroong banta sa kanyang buhay dahil sa maling alegasyon na may kinalaman siya sa pagkasuspinde ni Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts.

Sa kanyang Twitter post ngayong araw, September 9, ibinahagi ni Edu ang natanggap niyang “death threat,” sa pamamagitan ng isang text message, mula sa isang hindi nakikilalang personalidad.



Dito ay nakasaad na si Edu diumano ang nag-impluwensiya kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na suspendihin si Ronnie bilang OMB chairman.

Kaugnay ito ng napabalitang pagpapabaya diumano ni Ronnie sa isang post-raid operation ng OMB laban sa Sky Marketing Corporation (Sky High).

Napag-alaman kasi sa isang imbestigasyon na hinayaan diumano ni Ronnie na i-release ang nakumpiskang kahun-kahong pirated DVDs, VCDs, at video recorder ng naturang kumpanya, noong May 27, 2010.

Bunsod nito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Ronnie at ilan pang opisyal ng OMB.

Read: Ronnie Ricketts suspended as Optical Media Board Chief; set to file for reconsideration

Ito ang nilalaman ng “death threat” o text message na natanggap ni Edu bandang 1:17 P.M. ngayong araw:

“HOY MANZANO! ALAM NMEN NA IKAW NAG SBI KAY OMBUDSMAN N IPITIN AT SUSPEND SI CHAIRMAN RONNIE, MAY ARAW KA DIN GAGO! HUMANDA KA DIYAN PWERA TAKAS!”

Hindi naman nagpatinag si Edu at nakipagpalitan pa ng mensahe sa ‘di nakikilalang tao.

“Matagal na akong handa. lagi akong handa, at kayo ang hindi handa para sa akin.

“Anong akala mo? Kayo ang gugulat sa akin? INAANTAY KO KAYO, GAGO!

“Wala akong kinalaman sa suspension, sariling kalokohan at kaswapangan ninyo kaya kayo sumabit!” ganting-sagot ni Edu, base sa ipinakita niyang screen shot ng banta sa kanyang buhay.


EDU SLAMS "RICKETTS CRONIES." Base sa mga sumunod na Twitter posts ni Edu, naniniwala siyang ang kampo ni Ronnie ang may pakana ng naturang “death threat.”

Mariin niyang pinabulaanan ang alegasyon na may kinalaman siya sa pagkakasuspinde kay Ronnie, lalo pa’t wala umano siyang koneksiyon sa OMB mula nang mag-resign siya bilang pinuno nito noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, kinuwestiyon din ni Edu kung bakit siya ang pinag-iinitan ng mga tinagurian niyang “Ricketts cronies” sa desisyon ng Ombudsman na suspendihin si Ronnie.

Ito ay sa kadahilanang kung tutuusin ay matagal nang “expired” ang appointment ni Ronnie bilang OMB chief.

Bilang patunay, ibinahagi ni Edu ang isang sulat mula sa Office of The President na nagsasabing tapos na ang tungkulin ni Ronnie bilang OMB chief mula pa noong April 2013.

Dito ay makikitang pinahintulatan ng Malacañang na manatili si Ronnie sa posisyon hanggang sa may bagong pumalit sa kanyang puwesto.

Narito ang kabuuan ng ibinahaging Twitter posts ni Edu ngayong araw, September 8:

Nanilbihang OMB chairman si Edu mula 2004 hanggang 2009, habang si Ronnie naman ay mula 2009 hanggang sa kasalukuyan.

Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu upang hingin ang iba pang detalye hinggil sa isyu.

Nananatili ring bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ni Ronnie Ricketts tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN