Dingdong Dantes and Marian Rivera reveal first batch of their principal sponsors

Engaged couple Dingdong Dantes and Marian Rivera gathered the first batch of their principal sponsors for an intimate lunch held last Sunday, September 7, at a restaurant in Taguig City.


Personal na binisita ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kaninang umaga, September 10, ang dalawa pa sa napili nilang principal sponsors sa kanilang nalalapit na kasal—ang top GMA Network executives na sina Atty. Felipe L. Gozon at Mr. Jimmy Duavit.

Gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian sa December 30, sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

Bago ang pagbisita ng dalawa kina Atty. Gozon at Mr. Duavit, nagpatawag na ang engaged couple ng intimate lunch para sa unang batch ng kanilang mga ninong at ninang noong Linggo, September 7, sa The Goose Station restaurant, sa The Fort, Taguig City.

Kabilang sa unang batch ng mga ninong sina Tony Tuviera, Eduardo Gonzalez, Joel Anthony Rustia, Mac Alejandre, Ogie Alcasid, German Moreno, Mark Reyes, Randy Ortiz, Perry Lansigan, at Jose Francisco Gonzalez.

Ang mga napili naman nilang mga ninang ay sina Floresfida Gonzalez, Wilma Galvante, Regine Velasquez-Alcasid, Lilybeth G. Rasonable, Maria Joycelyn Rustia, Margarita Gonzalez, Celia Rodriguez, Joyce Bernal, Maria Luisa Henson, at Lolit Solis.

Napag-alaman ng PEP na ang mag-asawang Ogie at Regine, kasama ang anak nilang si Nate, ay pumunta muna sa pa-lunch nina Dingdong at Marian bago lumipad papuntang Australia para sa kaarawan ng anak ni Ogie sa una nitong asawang si Michelle Van Eimeren.

Halos lahat ay nag-enjoy sa masasarap na pagkaing napili ng Kapuso couple upang ihanda sa kanilang principal sponsors.

Nagpasalamat din daw sina Dingdong at Marian sa mga ito dahil pumayag silang tumayong ninong at ninang sa kanilang kasal.

Sa naturang luncheon meeting ay napag-usapan na rin daw kung ano ang magiging motif ng kasalan.

Partial list pa lamang ang unang batch na ito ng mga ninong at ninang nina Dingdong at Marian.

Ang iba ay personal na raw dadalawin at pupuntahan ng dalawa, gaya nga nina Atty. Gozon at Mr. Duavit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ng mga napiling principal sponsors nina Dingdong at Marian ay mga taong naging malapit sa kanila at may naging kaugnayan sa kanilang buhay at sa kanilang relasyon.

Ngayong araw, September 10, ay nag-post si Marian sa Instagram ng larawang kuha sa nasabing luncheon meeting at may caption itong:

Hindi namin maitago ang aming kasiyahan noong nakaraang linggo. Salamat sa aming mga Ninong at Ninang na syang gagabay sa aming pagsasama...❤️❤️❤️


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN