Kiko Estrada returns to GMA: "I feel safe here."

Kiko Estrada’s thoughts on loyalty to TV network: “It’s hard to say na loyal ka rito, pero wala namang ibinibigay sa ’yo. Where’s the fairness there? I believe that you have to show something for your artist to stick and be loyal to you.”


Agaw-pansin ang “I feel safe here” na sagot ni Kiko Estrada nang tanungin siya ng reporters tungkol sa pagbabalik niya sa GMA Network.

Kaya naman hindi naiwasang tanungin si Kiko tungkol sa kanyang nasabi matapos ang press conference para sa teleserye kabibilangan niya, ang Strawberry Lane, kagabi, September 9.

“I feel safe here kasi babalik ako sa bahay ko, at GMA ang bahay ko.

“I grew up in GMA, my dad stayed here sa GMA.

“I’m happy to be home.

"I started here and I’m planning to stay here for a long time sana if ma-bless."

Si Kiko ay anak ng actor-politician na si Gary Estrada sa dating nakarelasyon nitong aktres na si Cheska Diaz.

Matatandaang naging bahagi si Kiko ng hit Kapuso youth-oriented series na Tween Hearts, ngunit pagkatapos nito ay lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag ng young actor kung bakit siya umalis noon sa GMA.

Sabi niya, “It’s parang the opportunity was not here then.

“Now, nandito na ang opportunity, I’m planning to make the most out of it.

“Never naman akong naging half-hearted sa GMA.

“I’ve always been loyal to people who have me under them.

"And kung pakitaan ako ng maganda, siyempre, three times or four times ko mas huhusayan at mas gagalingan."

Noong nakaraang linggo ay pumirma ng exclusive contract si Kiko, kasama ang kanyang talent manager na si Arnold Vegafria, sa GMA Network.

Hindi nagbigay ng detalye si Kiko tungkol sa kanyang bagong kontrata.

Subalit aniya, "It’s a nice contract and I’m planning to make the most out of it.

“Sabi ko kay Tita Lilybeth [Rasonable, SVP for Entertainment TV], bumalik ako para mapatunayan na… hindi sa pagyayabang, I want to be the best at what I do.

“Siyempre, bakit ka sasali sa isang team kung ayaw mong maging pinakamagaling?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun ‘yong pangarap ko... well, kung ’di man pinakamagaling, at least, mahusay.

“Gagalingan ko kasi dapat may motivation ka para gumaling.”



HURT BY ABS-CBN. Samantala, inamin ni Kiko na sumama ang loob niya nang mapalitan siya sa teleseryeng pinagbidahan ni Julia Barretto, ang Mirabella ng ABS-CBN.

Pinalitan siya ni Enrique Gil sa naturang programa, samantalang si Diego Loyzaga ay pinalitan naman ni Sam Concepcion.

Aniya, “Nakuha ko ‘yon through audition.

"Of course, nalungkot ako noong natanggal ako.

“Sinungaling naman ako kung ’di ako nalungkot, kasi it’s a big show, it’s a primetime show.

"They promised me na gagawing bida ng ABS-CBN.

“I studied the show for three months kaya nasaktan talaga ako.”

Gayunman, lumipas na raw ito.

Sa halip na malungkot, ani Kiko, “Now, iniisip ko na lang na blessing siya. Blessing in disguise, sabi ng papa ko.

“Ito [GMA] ang nag-open ng door, na dating sarado.”

Habang nasa ABS-CBN, naging bahagi si Kiko ng mga teleseryeng Angelito: Ang Bagong Yugto at Annaliza.

Sa kabila ng paglipat ABS-CBN at pagbalik niya sa GMA, hindi naman nababahala si Kiko na maaaring makuwestiyon ang kanyang loyalty sa isang network.

Paliwanag ni Kiko, “Well, I think of it as, ‘Sino ba ang nagbigay sa akin?’

“Kung ikaw ang nagbigay sa akin, e, di loyal ako sa ’yo.

“It’s hard to say na loyal ka rito, pero wala namang ibinibigay sa ’yo. Where’s the fairness there?

“I believe that you have to show something for your artist to stick and be loyal to you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN