Paulo Avelino explains why he removed photos of KC Concepcion from Instagram

Paulo Avelino has revamped his Instagram account to show only black & white photos. Does this reflect the state of his lovelife? On the contrary, he says, “Maraming nagpapasaya sa akin. Parang sobrang okay lahat and there’s no reason to be sad."


Sinagot ni Paulo Avelino ang isa sa gustung-gustong malaman ng entertainment press tungkol sa kanya ngayon: Ang totoong estado ng relasyon nila ni KC Concepcion.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa launch ng Cosmopolitan Magazine kahapon, September 9, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Isa si Paulo sa Centerfolds na rarampa sa Cosmo Bachelor Bash 2014, na gaganapin sa September 24 sa World Trade Center.

May gap ba sila ni KC?

“Maayos, parehas pa rin,” sagot ng Kapamilya actor.

Naging isyu ang pagkakatanggal ni Paulo ng pictures ni KC sa Instagram account niya.

Ngunit paglilinaw niya, “Wala akong tinanggal, hindi ko tinanggal ang pictures niya.

"Isa lang ang picture niya na colored.

"If you notice, I took out all the colored pictures of me, may kasamang mga babae.

"Totoo… I want my Instagram to be all black and white, about quotes, films and me."

Ang natira na lang daw na colored picture sa Instagram ni Paulo ay ang picture ng anak niyang si Aki, na first post daw niya.

Walang personal na away o tampuhan sa pagitan nila ni KC?

“Wala, wala naman,” sambit ni Paulo.

Nagulat o nag-react ba si KC na tinanggal ng aktor ang larawan nito sa IG?

“Hindi naman siguro, nabibigyan lang ng malisya ng ibang tao.

"Wala, wala… everything’s good," diin niya.

Kung walang nag-iba, wala rin bang nag-upgrade sa relasyon nila ni KC?

“It’s the same, it’s the same, sabi ko nga.”

Pero inamin din niyang hindi na katulad ng dati na nakakalabas o mas madalas ang komunikasyon nila.

“Busy pareho. Pareho kaming may soap ngayon. May ginagawa rin akong movie.

"Ang hirap, lalo na ngayon may Cosmo, may Bench pa. Kailangan ko rin mag-workout.

"So, parang ngayon, parang concentrate muna kami sa career namin.

“That’s what we do muna,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAMITA. Kinamusta rin ng PEP kay Paulo ang kalagayan ng lola ni KC na si Elaine Cuneta, ina ng Megastar na si Sharon Cuneta, na ngayon ay nasa hospital.

Ito rin ang dahilan kung bakit wala si KC sa Star Magic Ball noong September 6 dahil mas pinili nitong bantayan ang lola niyang maysakit.

Sabi ni Paulo, “Well, yun lang, nakita ko lang sa social media niya that Mamita is still in the hospital.

"If you’re gonna ask me about updates, hindi ko talaga alam.

“Siguro, kung may gusto kayong tanungin, it’s best to ask her.”

Hindi nila napag-uusapan ni KC ang tungkol dito?

Ayon kay Paulo, “Well, kahit sino naman sigurong may sakit, kahit nga kaibigan mo lang, you always pray doon sa mga taong may sakit para gumaling.

"Siguro, that’s all I can do for for Lola or anyone I know who’s sick.”



HAPPY HEART. Kailan sila huling nagkausap o nagkaroon ng komunikasyon ni KC?

Sagot ni Paulo, “Sa akin kasi, sa mga bagay na ganyan, kahit sino naman siguro, yung mga personal things, baka bigyan na naman ng malisya.

"Ayoko na lang bigyan ng malisya ng mga tao na palagi na lang meron."


Masaya ba ang lagay ng puso niya ngayon?

“Pareho, happy naman with everything that’s going on.”

Natawa naman si Paulo nang tanungin sa interpretasyon ng ilan na nang ginawa niyang black & white ang Instagram niya, parang ang dilim daw tuloy ng mundo niya.

Saad niya, “Depende sa mga taong nakakakita at kung paano rin nilang tingnan.

"Kumbaga, personal choice ko rin na gawing black and white.

"Kung hindi nila ma-appreciate kaya nga may follow and unfollow."

Pero masaya raw siya ngayon.

"Maraming nagpapasaya sa akin. Parang sobrang okey lahat and there’s no reason to be sad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN